Chapter 69

730 22 0
                                    

Christine POV

Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse ni Gail pauwi ng bahay upang maligo at siyempre para sa sakit ng tiyan ko.

paano naman kasi ang sarap ng mga pinahanda ni Mrs. Valdez na pagkain kahit mga dessert yun talagang nilantakan ko dahil sa gutom ko.

pagdating namin sa gate ay bumusina agad si Gail ngunit dahil sa hindi na ako makapaghintay tumakbo na ako papasok sa bahay dahil sa tagal ng mga kasambahay magbukas ng gate alam kong maiintindihan na niya ako.  Najejebs na ako !!

dumeretso ako sa kwarto ko at agad na pumasok ng banyo.

pagkatapos kong gawin lahat ng kailangan kong gawin ay dumeretso ako sa kwarto ni Gail upang tawagin siya.

"Gail !!!! tara na malelate na tayo !!!" sigaw ko tapos kinalampag ko ang pintuan niya  .ahahaha trip ko lang ..

ilang sandali pa ay lumabas na rin siya ng kwarto niya samantalang nasa malapit naman ako ng hagdan.

"ang ingay ingay mo!!!" sita niya saakin nginisihan ko lang siya bago ako naglakad pababa.

nasa may pintuan na ako palabas ng bahay ng biglang magring ang telepono napatingin ako sa likod ko sinenyasan ako ni Gail na siya na daw ang bahala at mauna na daw akong maglakad, kaya dumeretso na ako sa may sasakyan na nasa garahe.

bilib din talaga ako kay Gail halos wala pang ilang buwan ang pag-aaral niya sa driving ngunit ang galing na niyang magmaneho sana ako din . ^_______^

ilang sandali pa ay pumasok na rin si Gail sa sasakyan napatingin ako sakanya bahagya pa akong napapitlag sa sama ng aura niya .

gRrRrrRr !!!


hindi nalang ako umimik hanggang sa paandarin na niya ang sasakyan .Lahat ng sasakyan na nasa unahan namin ay nag-oovertake siya na akala mo may emergency. Nakakaramdam na ako ng kaba dahil kahit magaling siyang magdrive hindi parin maiiwasan ang aksidente.


''Gail parang awa mo na natatakot na ako pakibagalan naman oh." Kinakabahang sabi ko sakanya ngunit para siyang binging walang naririnig dahil patuloy lang siya sa mabilis na pagmamaneho. Hindi ko namalayang nakarating na kami sa school dahil sa bilis niyang magmaneho, pakiramdam ko ay naiwan ang kaluluwa ko sa bahay.

Wew !! nagmenor na siya bago ipinasok sa gate ang kanyang sasakyan deretso sa parking lot, laking pasasalamat ko na binagalan na niya ang takbo kahit walang nagkalat na estudyante sa daan siguro dahil sa second subject palang naman at hindi pa lunch break.

Hindi naman talaga siya papayag na gumamit ng sasakyan kung hindi lang sa pagpunta ng driver nila sa Palawan. Remember tinatago niya ang pagkatao niya .. ^_____^

"Gail bakit kaskasera ka magdrive?? Yan ba tinuro sayo nung nagdriving lesson ka?" sarcastic kong tanong sakanya.

"wag ngayon Tin." Sagot niya bago naunang naglakad papunta ng building namin. Naiwan naman akong nagtataka sa inasal niya never siyang napikon sa lahat ng sinasabi ko sakanya. May kinalaman kaya ito sa tumawag kanina ???

Sumunod nalang ako sakanya at hindi nalang pinansin ang nangyari siguro ay badmood lang talaga siya. Ipinagkibit-balikat ko nalang ito at dumeretso na sa room namin.

Pagdating namin doon ay saktong katatapos lang maglecture ng first subject namin kaya kinausap ko nalang ang Professor namin kung bakit hindi kami nakapasok sa klase niya. Pagkatapos ng mahabang eksplenasyon ay tumango lang ang Professor namin. Psh !!

Dumeretso ako sa upuan ko kaytabi si Gail na tulala nanaman na akala mo walang katabi samantalang si Jared ay nakatingin saakin habang naglalakad ako.

My Vampire GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon