Elena's POV
"Señora, ako po pala si Elena Tuazon, okey lang po saakin kung si Gail lang po ang tanggapin niyo, nagampanan ko na rin naman ang huling habilin saakin ni maam Alexandra" nakayukong sabi ko sa lola ni Gail, hindi ko man aminin kinakabahan talaga ako dahil hindi ko inaasahang sobrang yaman pala ng mga magulang ni Alexandra nakakahiya tuloy.
"ako naman si Casandra Gonzaga, ano kaba Elena cut the formality wag mo akong ituring na iba dahil kahit hindi kita kaano-anu inalagaan mo ang apo ko ng walang hinihinging kapalit, at tsaka hindi kita paaalisin dahil alam kong hindi rin papayag ang apo ko, nahihiya nga ako sayo dahil hindi kana yata nakapag-asawa dahil sa pag-aalaga sa apo ko" nakangiting biro nito saakin.
"hehe hindi naman po señora"napangiti narin ako dahil parang gumaan ang atmosphere sa pagbibiro nito naramdaman niya sigurong kinakabahan ako kaya siya nagbiro
" wag mong ituring na iba ang iyong sarili Elena tawagin mo nalang akong tita o kaya ay mom, nag-iisang anak ko lang kasi si Alexandra kaya talagang nagdamdam ako ng bigla nalang siyang umalis ng walang paalam at hindi na mahagilap kahit saan pati ang asawa ko ay hindi rin makapagtrabaho ng maayos dahil sa pagkawala ng anak namin matagal-tagal rin bago namin natanggap na baka hindi na namin siya makikita" lumungkot na ang kanyang mga mata na parang anumang oras ay mahuhulog na ang kanyan mga luha nakaramdam ako sakanya ng awa dahil naalala niya ang anak niya.
"pasensiya na po t-tita kung ipinaalala ko siya" hinging paumanhin ko
"ano kaba wala iyon, tanggap na rin naman namin ng asawa ko, sige na pumunta kana sa guest room para makapagpahinga kana maaga pa tayo bukas goodnight Elena" nakangiti na ulit siyang bumaling saakin
"maraming salamat po ulit t-tita" nag aalangan parin ako sa pagtawag sakanya ng tita pero sasanayin ko ang sarili ko para naman kahit papano ay gumaan ang loob niya.

BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
VampireIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...