Laurent Pov
Nagising ako na nasa isang silid, masakit parin ang dibdib ko dahil sa pinaamoy nila saakin na nasa panyo, ang naaalala ko ay pumunta ako ng comfort room pero ng palabas na ako’y bigla nalang akong sinuntok ng isang lalake pagkatapos ay tinakpan niya ang ilong ko ng panyo tapos nawalan ng malay. nilibot ko ang paningin ko walang kahit ano sa silid na kinalalagyan ko. Sinubukan kong tumayo pero natumba lang ako. Nanghihina ako na napatingin sa relo ko alas otso na ng gabi sigurado akong hinahanap na ako ni Mommy at Daddy.
“Laurent.” Hindi ko alam kong nag iilusyon lang ako pero nakikita ko si Gail ngayon dito sa harapan ko, imposible rin kasing dumaan siya sa pintuan eh hindi ko manlang narinig na bumukas yon. Tinitigan ko siya at para akong nagkaron ng lakas tumayo at yakapin siya ngunit imposibleng siya nga ang nasa harapan ko.
“Anu ba Laurent gumising ka, imahinasyon mo lang siya. Ngayon ang kailangan mong gawin ay kung paano ka makakatakas ditto para mayakap mo na siya.” Kausap ko sa sarili ko bago pumikit at hinilot ang sentido ko
“tss.” Gulat akong napatingin ulit sakanya dahil sa reaksiyon niya sa sinabi ko.
“totoo ka?” nanlalaki ang matang tanong ko
“oo naman.” Tapos ngumiti siya, yung ngiting katulad nong sa party na akala ko hindi ko na masisilayan. Pinilit kong tumayo at yumakap sakanya ngayon ay para akong babae na gustong magsumbong sakanya dahil sa pagsuntok saakin kanina.
“paano ka nakapasok na hindi ko manlang naramdamang gayong gising na gising naman ako.” Bumuntong hininga siya bago sumagot.
“hindi ako pangkaraniwang tao lang Laurent ang Daddy ko ay isang bampira at ang Mommy ko ay isang mortal, marami akong kakayahan na hindi nagagawa ng pangkaraniwang tao.” Napayuko siya at ako naman ay naguguluhang napatingin sakanya pinipilit kong iproseso sa isip ko ang mga sinasabi niya. Bumuntong hininga siya bago nagpatuloy sa pagsasalita.
“isa akong kalahating bampira at kalahating tao. Ngayon kailangan kong harapin ang nakatadhana saakin, kailangan kong aminin sayo ang totoo dahil kung hindi ko to gagawin hindi ko alam kong paano ipapaliwanang sayo kung bakit bigla nalang akong sumulpot sa harapan mo.” Malamlam ang mga mata niya na makatingin saakin, ako naman ay hindi ko na alam kong ano ang nararamdaman ko, naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Napakaimposible kasi pero isa nang ebidensya ang pagsulpot niya sa harapan ko.
“i-isa kang bampira?” nauutal kong tanong ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko
“hindi pa sa ngayon, isa palang akong normal na tao ngunit ang kapangyarihan ko ay lumabas na mula nung pinanganak ako, ang isang katauhan ko minsan ang nakakasalamuha mo.” Dugtong pa niya.
Isang katauhan ?? yung may pagkamalandi ba na attitude nya ang sinasabi niya? Napatingin ako sakanya na mejo kinakabahan.“kailangan na nating umalis bago pa nila malaman na may kasama ka dito sa silid na ito.” Pagkatapos niyang magsalita ay biglang bumukas ang pintuan takot akong napabaling doon at litong napatingin sa harapan ko ng mapansin kong wala na si Gail sa harapan ko, bahagya akong nakaramdam ng kaginhawaan.
“Gising na pala ang senyorito.” Mapanuyang tumingin ito saakin, hindi ako sumagot o kumilos manlan. Lumapit siya saakin at sinuntok ako sa sikmura napaatras ako sa sobrang sakit. Napayuko ako at nasapo ang tinamaan ng suntok niya ng bigla nalang siyang natumba sa harapan ko. Dahan-dahan akong napaangat ng tingin nakita ko si Gail na seryosong nakatingin sa lalakeng sumuntok saakin bago niya ako tinignan
“ayos ka lang ba.” Nasa tono ng boses niya ang pag-aalala, pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi niya. Siya ang babae ngunit ako ang pinagtatanggol niya pakiramdam ko ay hindi pa ako sanay.

BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
VampireIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...