Ilang araw na akong tulala mula ng sinabi nilang dead on arrival si Gail hindi na daw naihabol sa hospital dahil tumigil na daw ang tibok ng puso nito habang nasa ambulansiya pa. Ayaw kong maniwala, hindi ko kayang maniwala. Hindi ko lubos maisip na ang mga biro niya saakin o ng mga sinasabi niya nung niligtas niya ako ay pamamaalam niya. Hindi ko kayang tanggapin sobrang sakit ng nararamdaman ko lalo nat alam kong ako ang dahilan kung bakit nangyari ito sakanya.
“A-anak pupunta tayo ngayon sa mansion ng mga Gonzaga upang makiramay.” Mahinahong sabi saakin ni Mommy
“Mom anu pang mukha ang ihaharap ko sakanila? Ako ang dahilan kung bakit namatay si Gail dahil lang sa sinalo niya ang balang para saakin.” Napahagulgol ako dahil naalala ko nanaman ang nangyari.
“Pero anak kailangan natin makiramay sakanila, and believe me hindi ka nila sinisisi at walang sino man ang sinisisi ka,” paliwanag saakin ni Mommy pagkatapos ay niyakap niya ako upang aluin dahil ayaw tumigil ng luha ko.
Sa ganong ayos kami nadatnan ni Daddy dahil pumasok din siya saaking kwarto.
“Anak may binigay si Tin na sulat galing daw kay Gail.” Inabot niya saakin ang isang sobre, agad-agad ko naman iyong kinuha at binasa.
Dear Laurent,
Hi. Pag nabasa mo to alam kong wala na ako kaya malakas ang loob kong sabihin sayo lahat ng nararamdaman ko sa sulat na ito, nung una kitang makita kakaibang tibok ng puso ko ang ipinaramdam mo. Ginising mo lahat ng natutulog sa katawan ko pati nga yung isang katauhan ko nagising mo, hehe hindi pa dapat siya lalabas dahil ang pangalawang katauhan ko ay dapat lumalabas lang kapag bampira na ako pero dahil ikaw ang beloved ko I mean beloved namin nagising mo siya. Minsan nag-aaway kami kasi sobrang landi niya hindi ko siya makontrol kapag siya na ang kumokontrol sa katawan ko natatakot ako na baka hindi mo na ako magustuhan dahil sa pagiging sweet niya sayo na taliwas naman sa pinapakita ko.Minamahal kita higit pa sa buhay na meron ako at dahil ikaw ang beloved namin ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito hanggang sa huling hininga ko. Ikaw ang nagpaparamdam saakin ng sobrang kaba, pag-aalala at pagmamahal.lalampa –lampa kapa naman kaya lagi akong kinakabahan sayo sobrang takaw mo sa gulo. Hindi ko alam kung paano to sasabihin sayo pero gusto kong mag-aral kang mabuti wag mong pabayaan ang sarili mo kapag wala na ako, higit sa lahat wag na wag mong sisisihin ang sariLi mo dahil ginusto ko to, ginusto kong iligtas ka kahit kapalit pa yon ng buhay ko.Mahal na mahal kita Laurent Valdez hanggang sa huli nating pagkikita.
Gail.
Mas lalong tumulo ang luha ko dahil sa nabasa ko, mahal na mahal din kita Gail pero hindi naman yata tama na mawala ka sakin kung mahal mo rin pala ako hindi ba?? Marami na akong plano para satin eh. Paano ang bakasyon natin sa Ilocos??? Alam mo bang nagbabalak akong magpropose sayo doon kahit hindi pa kita Girlfriend?? Nagbabalak akong iblackmail ka para lang maging girlfriend kita at tanggapin ang singsing na ibibigay ko sayo pero bakit iniwan mo ako??? Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako at makatulog. Kinahapunan ginising ako ni mommy upang magbihis para makapunta kami sainyo kung saan ka nila pinaglalamayan. Pinilit kong bumangon at nag-ayos dahil ang sabi nila Mommy ay bukas ka na nila ililibing kaya kailangan naming pumunta.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila ay sobrang daming sasakyan sa bakuran, pagkapasok namin sa loob ay karamihan ng mga nandun ay estudyante sa iskwelahan kung saan kami nag-aaral Mga teachers at staff nandoon din lahat ng mga kaibigan namin kasama ang mga pamilya nila may kanya-kanya silang lamesa ngunit magkakalapit lang. nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng pintuan ng kanilang bahay maganda ang pagkakaayos ng kanilang sala nandoon si Tita Elena sila Mang Pedring, Janessa nag-uusap.
“Laurent mabuti at nakapunta ka sa huling lamay ni Gail.” Rinig kong sabi ni Tin, ni hindi ko manlang namalayan na lumapit siya saakin dahil sa sobrang tutok ako sa magarbong kabaong ni Gail. Bigla nalang tumulo ang luha ko at naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Tin, hindi ko na napigilan at napahagulgol na ako, hinahagod niya ang likod ko para siguro ay kumalma ako ngunit hindi ko kaya, wala akong pakealam kahit ano ang sabihin nila walang masama kahit na umiyak ang isang lalake lalo na kung nagdadalamhati ng sobra. Ilang sandali pa ay iginaya ako ni Tin palapit sa kabaong, biglang nanginig ang mga tuhod ko.

BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
VampirosIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...