Dedicated to Sheeny_01
"bakit Gail may kailangan ka ba?" tanong agad saakin ni Manang pagkalapit niya saakin.
"Manang kasi po gusto ko po sana ng gatas wala po kasi akong ganang kumain." matamlay kong sabi na parang nagsusumbong, bukod kasi kay Nanay at sa grandparents ko ay si Manang ang pangalawang malapit saakin bukod pa kay Tin parang anak na rin kasi ang turing niya saakin halata naman sa pagsasalita at pag-aalaga niya saakin.
"akala ko naman kung anu na, sige teka lang at ipagtitimpla kita." nakangiting sabi nito, gusto ko rin kasi kung paano siya magtimpla ng gatas.
"salamat po manang." ngumiti ako sakanya ng tipid
"oh sige." naglakad na ito palayo saamin.
Nang mapatingin ako sa mga kasama ko ay nakatingin pa rin sila saakin
"oh bakit?" nakataas kilay kong tanong sakanila at agad naman silang nag-iwas ng tingin.
"okey ka lang ba Gail?" sa tono ng boses ni Tin ay may pag-aalala kaya napatingin ako sakanya at tumango.
"sure ka?" tanong naman ni Annica kaya tumango ulit ako, inilapag naman ni manang ang gatas na pinatimpla ko sa harapan ko.
Nagpasalamat ako at tumango lang siya bago nagpaalam na lalabas muna para tulungan si Mang Pedring sa tabing dagat na nag-iipon ng mga kahoy para sa bonfire mamaya."girls umiinom ba kayo ng alcohol?" tanong ni Justine
"teka !!! hindi naman yun iniinum ah !!tyaka wala naman kaming germs sa tiyan !!!" sagot naman ni Tin habang nakasimangot, nagtinginan naman ang mga boys bago nagtawanan, gusto ko rin sanang makitawa ngunit hindi malamangan ng kasiyahan ang lungkot na nararamdaman ko ngayon sa hindi ko malamang kadahilanan. Pinipilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko gusto si Laurent ngunit iba ang sinasabi ng isip ko pati ang puso ko ay hindi umaayon sa sinasabi ko.
Naging malakas ang tawanan nila ngunit hindi ako makasabay."alcohol na alak hindi yung alcohol na para sa germs ahahahaha !!" tumatawag paliwanag naman ni Christian.
"ay !! akala ko pa naman, hindi eh." sumimangot ito pagkatapos magsalita.
"ako nakasubok na pero hindi ko na inulit." sagot naman ni Annica.
"ako din, pero ladies drink lang." nakangiting sabi rin ni Jane, samantalang ako nakatingin lang sakanila.
"ikaw Gail.??" baling saakin ni Justine napatingin naman silang lahat saakin halatang hinihintay akong sumagot.
"mMm, isang shot lang nuon sa bar." sadot ko -______-
"bar ???? as in bar ??? kelan ka pumunta duon??? hindi ka naman lumalabas ng gabi ah ??? anong ginawa mu duon???" nanlalaki ang mga mata ni Tin habang sunud-sunod ang tanong niya, nagreact nanaman siya ng may pagka OA, paano naman to magugustuhan ni Jared kung kapag may sinasabi ako nawawala ang poise niya dahil sa kaOA'yan niya ??? psh !!!
"wala." -______- simpleng sagot ko sa lahat ng tanong niya, pinandilatan naman niya ako ng mga mata.
"Gail may mga wine ba kayo dito??" tanong ulit ni Justine, psh !!! maglalasing pa yata to.
BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
VampirosIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...