3rd PERSON POV
Isang babae ang nakaupo sa trono ng mga lahi ng bampira habang nasa tabi naman nito ang kanyang napakagandang anak habang hinihintay ang kanilang tinatawag na gabay o ang taga pag hatid ng mga propesiya upang magsalita.
Ilang minuto ang nakalipas may lumabas na matanda sa isang silid na siya lang ang gumagamit.Tumayo siya sa gitna at nagsalita.
"Sa aking pangitain isang babae ang magkakaroon ng pinakamalakas na kapangyarihan ang tutugis sa mga makasarili at mga bampirang sakim, isang babaeng dugong bughaw na may mga kakaibang kakayahan at triple ang lakas kumpara sa mga ibang royal families"
Tumayo sa kinauupuan niya ang babaeng itinuturing na reyna ng mga bampira at nagsalita sa kanyang mga nasasakupan.
"Tama ang mga binigkas ng ating gabay!! dahil ang aking anak ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga bampira kaya wag kayong matakot dahil walang ibang bampira ang makakalupig saatin para lang sakupin ang ating kaharian"
proud na sabi ng kanilang reyna"hindi pa ako tapos mahal na reyna, ang babaeng aking tinutukoy ay anak ng maharlika na wala sa ating nasasakupan at wala rin sa nasasakupan ng iba, siya ay kakaiba sa lahat at walang sinuman ang kanyang katulad"
patuloy pa ng kanilang gabay"papaanong nangyari ito gabay? ano ang iyong sinasabi? walang sinuman ang mas malakas sa aking anak!!"
naguguluhang tanong ng kanilang reyna ngunit nangangalaiti na ng galit"hindi ito maaari !!!! ako ang prinsesa ng mga bampira, ealang sinuman ang mas malakas pa saakin !!"
napatayo naman ang anak ng kanilang reyna dahil hindi rin niya matanggap ang kanyang narinig na galing sa gabay.Tamahimik nalang ang gabay samantalang ang mga bampirang nakikinig lang sakanila ay naguguluhan rin sa mga nangyayari, umiling-iling nalang ang gabay bago nagpaalam na babalik na sa kanyang silid.
"Ikaw nalang babaeng itinakda ang aking inaasahan na aayos sa mga relasyon ng lahat ng bampira sa isa't-isa at alam kong ikaw lang ang makakagawa nito" tahimik na hiling ng gabay
Maxpain Gail POV
Nandito kami ngayon ni Nanay sa airport kasama ang mga grandparents ko para ihatid sila para sa kanilang vacation travel nagcast na rin kagabi si Nanay ng spell para sa protection nila para hindi sila masaktan sa kahit na anong paraan.
Buti nalang ang cool ni Nanay hindi ko na tuloy kailangang mag-alala nagpaalam na rin ako kay Nanay kagabi tungkol sa training namin na mangyayari nextweek at pumayag naman siya, pumasok na rin si Christine sa school.
Pagpasok nila daddy at mommy sa departure area umalis na rin kami ni nanay sa airport para makahabol ako sa klase ko.
Pagdating ko ng room wala kaming instructor kaya dumeretso nalang ako sa upuan ko, napansin ko ring wala si Tin sa upuan niya,
"siguro nag- CR lang" sabi ko sa sarili ko
Nilabas ko ang cellphone ko para maitext siya at maipaalam na nandito na ako sa room namin, wala rin si Jared baka magkasama sila.
nagkibit balikat nalang ako sa naisip ko, kinalimutan ko na rin ang nangyari kahapon siguro naman titigil din sila pag nagsawa sila sa pambubully saakin.
Bago magtime para sa Lunch break pumasok si Tin sa classroom pero hindi niya kasama si Jared.Pumunta nalang kami sa canteen para kumain ng lunch naming dalawa.
Nag order ng kakainin namin si Tin samantalang naghanap naman ako ng uupuan namin, nakabili rin siya agad dahil wala pa namang masyadong kumakain, habang kumakain kami biglang may nagsigawan na akala mo nasusunugan.
BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
VampireIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...