Chapter 92

453 13 2
                                        

Maxpain Gail POV

Nagulat ako ng biglang natumba si Janessa kaya nabitwan ko ang kamay niya. Kung titignan mo siya ay parang naghihina siya. Wala naman akong ginagawa ah ?? nakakapagtaka naman pakiramdam ko din ay parang may nadagdag sakin na lakas . bigla siyang binuhat ni Mang Pedring at mabilis na ipinasok sa bahay gamit ang speed niya agad naman akong sumunod sakanila.

“anong nangyari mahal na prinsesa bakit hinang-hina si Janessa?” takang tanong ni Mang Pedring ngunit pati ako ay walang ideya sa nangyayari sakanya

“hindi ko alam Mang Pedring hinawakan ko lang siya tapos inisip kita para sa pagteleport namin magkasama kami dahil may itatanong sana ako sayo at siya lang ang nakakita sa bampirang gumagala sa paaralan namin.” Naguguluhan ding sagot ko dahil iniisip ko kung anu ba talaga ang ginawa ko para maging ganyan si Janessa

“kaya naman pala, Mahal na Prinsesa ikaw palang ang nakakagawa ng ganyang teleportation ang saaming mga normal lang na bampira ang napupuntahan lang namin ay mga lugar na napuntahan na namin pero kung sa tao hindi namin kayang gawin yun.” Paliwanag niya nakaramdam ako ng pagsisisi dahil hindi ako nagtanong sakanya bago ko siya hinawakan kaya napatingin ako kay Janessa na hinihingal pa

“patawad, hindi ko alam na ganun lang pala ang kakayahang meron kayo.” Napayuko ako

“naku mahal na prinsesa okey lang ako wag ka pong mag-alala.” Nasa tono ng boses niya ang pag-aalala hindi ba dapat ako ang makaramdam non ??

“pakiramdam ko ay nadagdagan ang lakas ko nahigop pala nito ang lakas mo, pasensiya kana talaga sige magpahinga ka muna jan, Manang pakibantayan muna si Janessa kakausapin ko lang sa Mang Pedring.” Tumango naman si Manang sakin at ngumiti.

Naglakad ako papasok sa kusina para kumuha ng tubig. Nakasunod lang naman sakin si Mang Pedring wala rin pala dito ang Grandparents ko ang alam ko ay nasa bakasyon sila ngayon ngunit ayaw nilang sabihin kung saang lugar pero dahil sa nag-aalala ako sa kalagayan nila binabantayan ko parin ang bawat kilos nila ng hindi nila nalalaman dahil alam kong papagalitan lang nila ako.

“Mang Pedring ang sabi mo saakin dati bawal makihalubilo ang mga bampira sa mga tao dahil isa yun sa mga batas na ipinatupad ng kanunununuan ko?” siyempre except sakanila na hindi naman na nakatira sa lugar ng mga bampira.

“hindi bat nasabi ko na sayong may mga sariling gabay ang mga nasa matataas na katayuan ang mga bampira tulad ninyo Mahal na Prinsesa may sarili ka ring gabay kahit nasa mundo ka ng mga tao dahil ang gabay at ang bampirang paglilingkuran niya ay pagtatagpuin talaga sila ng tadhana dahil ito na ang nakatala sa libro ng buhay.” Paliwanag niya naguluhan ako lalo.

“ano ba ang ibig mong sabihin Mang Pedring hindi ko kasi maintindihan, hindi ko makuha ang ibig mong sabihin.” Napahawak ako sa noo ko bago ako umupo sa upuan

“ang ibig kong sabihin Mahal na Prinsesa ay hinahanap ka na nila, hindi bat nasabi mong pag lumampas ka sa dalawamput isang kaarawan mong edad ay kusang lalabas ang isa mong katauhan at siya na ang kokontrol sa katawan mo? Pero kapag nakagat ka ng bampira bago ang iyong dalawamput isang taong gulang ay ikaw ang kokontrol sakanya at sa katawan mo.”  Paliwanag ulit ni Mang Pedring, oo nga pala ang propesiyang yun !! bakit nawala yun sa isip ko ???? ang tanga ko talaga ngayon ko lang narealized ang bagay na yun ..

“ano po ang dapat kong gawin ????”naguguluhang tanong ko sa kanya.

ibig sabihin ay kailangan ka naming kagatin bago ang kaarawan mong iyon ..” napatitig ako kay Mang Pedring tinatantya ko kung binibiro ba niya ako o kung seryoso ba talaga siya.

“wala na bang ibang paraan ??” parang ayaw ko kasing isipin na magiging bampira ako sa edad kong yon alam ko kasing hindi ko pa maeenjoy ang pagiging tao ko sa ganung kaiksing taon

“kausapin mo ang isang katauhan mo at ipaintindi mong hindi niya kailangan solohin ang katawan niyo dahil pwede siyang lumabas sa mga panahong gusto niya. Wag mo siyang pagdamutan upang mapapayag mo siya.” Paliwanag nito sakin .

“ngunit masyado siyang malandi kapag nakakaharap niya ang beloved namin.” Natawa ito sa reklamo ko

“kaming mga bampira mahal na prinsesa ay may init na nararamdaman sa katawan kapag malapit kami sa aming mga beloved mabango ang pang amoy namin sakanila na hindi maipaliwanag at ganun ang nararamdaman ni Gail kaya siguro ganun nalang ang reaction niya kapag malapit kayo sa beloved niyo.” Paliwanag ulit nito saakin .pilit niyang ipinaiintindi ang bawat salitang binibitawan niya

“pipilitin kong intindihin, susubukan ko siyang kausapin mamaya upang mapagkasunduan namin kung sino saamin ang hahawak ng katawan naming dalawa., tara na sa sala Mang Pedring tignan natin si Janessa kung okey na ba siya may inaasahan kasi akong bisita sa bahay mamaya.”

Yumukod lang siya saakin at naunang naglakad pabalik sa sala nakita ko naman si Janessa na parang nkakabawi na ng lakas dahil sa pag inum niya ng dugo.

“maayos na ba ang lagay mo??” mahinahong tanong ko

“ opo Mahal na Prinsesa pwede na nating puntahan ang mga larawan na nasa basement para makita ko na at masabi kung sino ang babaeng nakita ko kanina sa parking lot.” Tumango ako at nagpaunang naglakad papunta sa basement ng bahay ngunit inunahan ako ni Mang Pedring upang siya ang magbukas ng pintuan pagbukas palang ng pintuan ay tumambad saking paningin ang mga lumang gamit tulad ng mga armas larawan mga kagamitang mukhang panahon pa ng mga kastila gusto kong mapangiti ng may nagustuhan akong armas kaya nilapitan ko ito at hinawakan ngunit napatingin ako ng biglang magsalita si Janessa.

“eto na nga !! eto yung babaeng yun Mang Pedring.” Napatingin ako sa babaeng tinuro niya habang nasa lapag ang may kalakihang litrato, family picture yata yun kung hindi ako nagkakamali. Dalawang nasa 30’s yata ang edad at mukhang mag-asawa dahil magkaakbay sila isang lalake at isang babae na nasa 20’s ang edad at isang dalaga na nasa labinwalong na taong gulang siguro.

“ kung ganon pinalabas nila ng kaharian ang Prinsesa.” Napapailing si Mang Pedring habang nagsasalita

“sino ang mga yan Mang Pedring??” curious na tanong ko

ang dalawang magkaakbay Mahal na Prinsesa ay ang magulang ng iyong ama, siya ang iyong ama , ang iyong tiya kapatid ng iyong ama sa kanyang ama at yang dalaga ay ang anak ng iyong tiya.” Paliwanag ni Mang Pedring

Kung ganun ang nakita ni Janessa ay pinsan ko ??problema bayun Mang Pedring??” tanung ko pa

ang kanyang ina ang may pakana kung bakit namatay ang iyong Ina hindi bat naikwento ko nay un sayo Mahal na Prinsesa?? Ayokong husgahan ang kanyang anak ngunit alam kong magkapareho sila ng ugali.” Napabuntung hininga si Mang Pedring pagkatapos niyang magsalita

“Mahal na Prinsesa ilang minuto nalang ay dadating na ang mga kaibigan mo sa inyong bahay kailangan na nating bumalik doon.” Napatingin ako kay Janessa at tumango bago tumingin sa relo ko tama nga siya ilang minuto nalang.

“Mauna kana susunod ako alam mo namang hindi tayo pwedeng magsabay at baka kung anu nanaman ang mangyari sayo.” Tinanguan niya ako ganun din kay Mang Pedring bago siya tuluyang maglaho sa paningin ko

“Mang Pedring pwede ko bang hingiin ang dual blade katana na to I find it interesting alam kong gaganda to kapag nalinisan ko.” Tanung ko habang sinisipat ko ang dalawang kalawanging blade na nasa lamesa

pwedeng-pwede Mahal na Prinsesa ang lahat ng gamit ditto ay sainyong ama kaya kahit anung kunin niyo ay pwede.” Nakangiting sabi ni Mang Pedring nginitian ko siya bilang sagot bago tumango at nagteleport sa kwarto ko.

____yyyyyyyyyyyyyy_______
Wew .. sorry for late update ..
Please VOTE :))

My Vampire GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon