Chapter 94

393 9 0
                                        

LAURENT WON POV

Panay ang lingon ko sa katabi ko dahil sa naninibago ako sa mga kinikilos ni Gail may kalandian kasi ang paraan ng pagsasalita niya na siyang hindi niya naman laging ginagawa, I mean sa nakasanayan ko brusko kasi siya kung magsalita hindi ganyang mejo malandi. Nagtaka din ako kanina ng tinawag niya akong beloved. Bakit naman niya ako tatawaging ganun ??

“kain ng kain my beloved ayaw kung magutum ka” napalingon ako sakanya habang nilalagyan pa niya ng pagkain ang plato ko gusto kong matuwa sa pag aasikaso niya sakin ngunit naninibago talaga ako. Napalingon ako kay Tin na umiiling iling pa tapos lumipat ang mga mata ko kay Janessa na ngumingiti ng palihim, sa Nanay naman nila na hindi mo alam kung ngingiti o sisimangot. Siguro ay hindi rin nila naiintindihan ang kinikilos ni Gail ng biglang siniko ako ni Justine na katabi ko

“kakaiba si Gail ngayon, hindi naman siya ganyan kaninang kinausap niya ako.” Bigla akong napasimangot isa pa yan !! nakaharap ako pero pinagtataksilan niya ako ng harap-harapan imbes na ako ang kausapin niya ay iba ang tinawag niya ang masaklap ay kaibigan ko pa .!! napasimangot ako ng todo

“are you okey ?? ayaw mo bang pinagsisilbihan kita??” nawala ang lambing ng boses niya dun na ako napatingin sakanya

“Gail ! umayos ka !!” nagulat ako sa sinabi ng Nanay niya alam kong mali sa nangyayari. Hindi na rin umimik pa si Gail sa tabi ko kinain ko na rin ang pagkaing nasa plato ko na inilagay ni Gail para hindi na siya magtampo ng marinig kong bumuntong hininga ito. Ilang sandali pa ay natapos na kaming lahat kumain. Nagyaya ang Nanay ni Gail na pumunta ng sala ngunit tinawag niya ako dahil gusto daw niya akong kausapin ng kami lang, nakaramdam ako ng kaba.

“Laurent alam kong nililigawan mo si Gail, gusto lang kitang tangungin kong seryoso ka ba sa kanya ??” napatitig ako sakanya walang bakas ng biro ang mukha niya kaya tumikhim muna ko bago sumagot.

“opo tita seryoso po ako sakanya, alam kong mga bata pa kami ngunit alam ko sa sarili ko na seryoso ako sakanya at totoo ang nararamdaman ko.” Napangiti siya sa sagot ko ngunit saglit lang iyon muli siyang sumeryoso at nagsalita

“sana handa ka ring samahan siya sa lahat ng laban niya at sana hindi mo siya iwan kapag nalaman mo na ang totoong pagkatao niya.” Napakunot noo ako dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sakanya ng naguguluhan, ngunit bigla itong ngumiti ng matamis at lumabas na ng kusina


“weird ano kaya ang ibig niyang sabihin na may ililihim pa si Gail bukod sa pagiging mayaman nila???”bulong ko sa sarili ko. napailing iling nalang ako at binalewala ang sinabi niya bago sumunod sa sala. Naabutan ko silang nagkukwentuhan ng mapatingin ako kay Gail na tahimik lang habang nasa tabi nito si Janessa napapansin ko rin na mas nagkakasama na sila kesa kay Tin.

“hoy Justine kain ka ng kain baka naman tumaba ka niyan, wala ng magkagusto sayo.” Rinig kong sabi ni Tin, napatawa lang naman si Justine hindi ko alam kung namalikmata ako ngunit lumingin ito kay Janessa. Napangiti ako ng palihim bago tumikhim ng makalapit na ako

“ehem ..” umupo ako sa tabi ni Jared

“anung sinabi sayo ni Nanay ??” tanung ni Tin

“chismosa ka eh no???” sita ko

“nagtatanung lang eh !! madamot !!” nagtawanan naman sila maliban kay Janessa at kay Gail ano kaya ang problema ng mga to ???

Lumipas ang ilang sandali hindi na namin namalayan ang oras dahil napasarap na kami sa kwentuhan ng mapatingin ako sa relo ko 10:30 na pala ng gabi

My Vampire GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon