Chapter 96

382 13 4
                                        

Gail's POV

"I finally found you." .. sabi ng lalaking nakabungguan ko

"Russel ayos ka lang ba ???" nag-aalalang lumapit saamin ang lalakeng siguro nasa 40's na ang edad. Ako nga ang natapunan ng hawak niya eh !! tsk !!

"ayos lang naman ako," sagot naman ng lalake na Russel daw ang pangalan tss !!

"ikaw nga !!!" nagtataka naman akong napatingin sa may edad na, actually hindi naman halata gwapo ito at parang nakita ko na yung mga mata niyang nakatingin sakin

"eh ??? " tanging reaksyon ko dahil naguguluhan ako sa inaakto nila

"Tito nakita ko na siya, ngunit parang hindi niya tayo naaalala." May lungkot sa boses ng lalakeng nakabunggo ko

Pakiramdam ko ay oras na para magtaray ako dahil hindi ko na naiintindihan ang sinasabi nila..

"pardon??" nakataas kilay kong tanong

"kami yung binigyan mo ng pagkain sa bundok nung naliligaw kami, hindi bat binigyan mo kami ng sandwich???" dun umandar ang utak ko at pilit na inalala ang sinabi niya.

"ahh oo, kayo po pala yon pasensiya na at nakalimutan ko, mahina po talaga ako sa mga mukha." Napapahiyang sabi ko

"ayos lang yon, ako nga pala si Russel siya naman ang tito ko," nakipagkamay ako sakanila dahil inabot nila ang mga palad nila sakin

"Maxpain Gail Gonzaga." Pagkabanggit ko ng pangalan ko ay binawi ko na ang kamay ko may kalamigan kasi ang mga balat nila, baka hindi lang sanay sa aircon kahit kasi nasa canteen kami ay may aircon din dito

"Gail !! tara na dito!!" dinig kong sigaw ni Tin

"mauuna na ako, gutum na kasi ako eh. Nice meeting you Russel ." tinanguan ko siya at ang tito niya bago tumalikod at naglakad papunta sa pwesto nila Tin

"hope to see you soon Maxpain." Rinig kong sabi ni Russel ngunit hindi ko na ito pinansin pa

"sino yung kausap mo kanina ?? ang gwapo ah." Salubong saakin ni Tin

"tss." Asik ni Laurent kaya napatingin ako sakanya bago umupo sa tabi niya wala na kasing ibang upuan ang bakante maliban sa tabi niya

"wala ba kayong laro ?" tanong ko sakanya at hindi pinansin ang inakto niya

"wala, ." Asik niya napapantastikuhan akong tumingin sakanya

"may problema kaba sakin?" maangas kong tanong

"wala naman." Pagkatapos nun ay kumuha na siya ng pagkain bago nagsimulang kumain hindi man lang niya ako inaya siguro ay tinotopak nanaman ito sa kaabnormalan niya, hindi ko nalang siya pinansin at kumuha na rin ako ng sarili kong pagkain nakahanda na kasi sa mesa ewan ko kung sino ang nagbayad siguro ay inuto nanaman nila si Laurent dahil ngingisi ngisi nanaman ang mga kaibigan namin.

Ilang sandali pa ay tapos na kaming kumain ngunit hindi parin ako nito kinakausap panay ang bulong nito sa hangin na parang tangang may kinakausap.. tsk tsk tsk!! tinamaan ata ako sa maling tao dapat yata sa mental to ikulong hindi sa puso ko . napabuntong hininga ako kaya napalingon siya saakin.

My Vampire GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon