Chapter 81

645 15 3
                                    

Laurent's Won POV

Ginaganahan ako sa paglalaro lalo na sa first quarter dahil alam kong pinapanuod ako ni Gail ngunit ng matatapos na ang quarter ay bigla akong natitigilan dahil sa mga titig ng babaeng nakita namin kanina, kinawayan pa niya ako ngunit hindi ko alam kung anu ang mararamdaman ko, nababalisa na ako at hindi ko maintindihan ang sarili ko para akong nakakagawa ng kasalanan kapag hindi ko siya lilingunin.Mas lalo akong ginanahan sa nangyari sa hindi ko malamang kadahilanan nakalimutan ko rin si Gail na dapat hindi ko ginagawa !! nadidistract ako sa presensiya ng babaeng yun! Asar !!

Nang malapit ng matapos ang laro namin ay nagkusang naghanap ang mga mata ko ngunit hindi na sa babaeng kanina pa nakatingin saakin kundi kay Gail ngunit nakaramdam ako ng panlulumo ng hindi ko siya makita, pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng gana. Nahanap ko si Tin at ang ibang mga kaibigan nila ngunit hindi makita ng mga mata ko ang babaeng nagpapatibok ng puso ko.

"Focus Valdez !! Last quarter na to !!!" nagising ako sa sigaw ng Coach namin kaya kahit ako'y nanlalata pinilit kong siniglahan ang galaw ko.

"Eager manalo ?" nakangiting tanong ni Jared

"gusto ko ng matapos to, hindi ko mahanap si Gail." Nanlulumong sagot ko. Pinasa saakin ni Justine ang bola bago ako pumuwesto para sa 3 points ngunit bantay sarado ang mga kalaban namin saakin nahihirapan din akong ipasa dahil kahit ang mga kasama ko ay hindi makahanap ng tiyempo. Humanap ako ng tiyempo upang malinlang ang nagbabantay saakin kahit naman hindi ko ito mashoot alam kong kami pa rin ang mananalo dahil sa tambak ang score.

3

Tumingin ako sa kanan at kaliwa, inihakbang sa kanan ang aking kanang paa kaya agad namang napasunod ang nagbabantay saakin bago ulit ako humakbang pakaliwa na siyang hindi niya inaasahan

2

Umatras ako at inayos ang pwesto ko I bend my knees at jump high bago binitawan ang bola.

1

"wOOooOOOHHHhhHHHHHH"

"ang galing ng jumpshot !!!"

"IdoL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

eNnnnNNNNggGgGGGkKKKKkkKkkKK !!!!1

agad lumapit saakin ang mga teammate ko agad nakipag apir saakin.

"ayos ang 3 points ah !!' kantyaw saakin ni Kian

"inspired wag kana magtaka!" kantyaw din ni Christian bago sila nagtawanan ngnunitbhindi ko magawang tumawa o ngumiti

Agad naman akong nanlumo dahil ang taong kanina ko pa hinahanap ay hindi ko makita. Nakita niya kaya ako na nakatingin din sa babaeng yun kaya siya umalis ??? tsk ! alam kong may kasalanan din ako ngunit nagtataka din naman ako dahil parang may nag-uutos saaking tumingin sakanya kahit ayaw ng isip ko pilit akong napapalingon sakanya sa hindi ko malamang kadahilanan.

Ilang sandali pa ay natapos na ang batian ng may magsalita sa likuran ko.

"congrats nanalo kayo." Agad akong napalingon, ngunit agad ding nanlumo dahil si Christine ang nagsalita.

"thanks," malamyang sagot ko.

"Team lumapit muna kayo sakin." Dinig kong sabi ng coach namin kaya agad naman akong lumapit ng hindi na linilingon si Tin.

"woi badtrip ka?" tanong saakin ni Luke

"Tsk ! hindi ko mahanap si Gail." Malamyang sagot ko

"tingin kasi ng tingin sa iba eh, bahala ka pare pag yun inayawan ka talagang aagawin ko na siya." Binagga pa niya ang balikat ko bago tumakbong lumapit kela Christian.

My Vampire GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon