Chapter 61

665 23 0
                                    

Christine's POV

Pagkatapos naming manood ng news worldwide biglang tumulo ang luha ko ipinilig ko ang ulo ko bago umiling-iling.

"this is not true !!! this is not true!!!" naghihisterikal na sabi ni Nanay Elena bago tumayo at humawak sa noo bago umiiling-iling, tulad ko siguro ay hindi din siya makapaniwala. Napatingin naman ako kay Manang na humahagulgol na sa iyak.

"A-ano nalang ang sasabihin ni Gail ?? 3 hours palang since umalis siya at may isang oras pa siyang byahe bago makarating doon" dagdag pa ni Nanay nasa boses nito ang lungkot ngunit hindi ko siya makitang umiyak man lang ng biglang mag ring ang telepono.

" a-ako na po." humihikbing sabi ko dahil ako ang nasa pinakamalapit sa telepono, kinuha ko ito at sinagot.

"Nagustuhan mo ba ang palabas? bwahahahaha." tanong ng tumawag bago tumawa ng nakakakilabot.

"si-sino to?" kinakabahang tanong ko

"well ako lang naman ang dahilan kung bakit namatay ang mga Gonzaga!! wahahahaha." pagkatapos niyang tumawa ay bigla kong nabitawan ang telepono, nagulat ako sa sinabi niya !!! i-ibig sabihin niya ang may pakana ng pagsabog ng kotse ni tito at tita????

"Tin what happened sino ang tumawag?" tanong saakin ni Nanay Elena na gumising sa diwa ko, napatingin naman ako sakanya at kusa nanamang tumulo ang mga luha ko. Nagmadali siyang lumapit saakin at dinampot ang telepono

"hello ??? sino to??" may kalakasang tanong ni Nanay Elena

"go to hell you demon!!! Magbabayad ka sa ginawa mo !! Hahanapin kita kahit sa impyerno pa hayop ka!!!" nangangalaiting sigaw ni Nanay Elena bago niya pabagsak na ibinaba ang reciever.

Napatingin naman ako sakanya at tikom ang kanyang mga kamao bakas sa mukha niya ang galit, naglakad-lakad siya ng pabalik-balik halatang nag-iisip ng malalim, bahagya naman akong nagtaka dahil hindi ko pa siya nakitang umiyak samantalang ako pati yata sipon ko tumutulo na kakaiyak ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko ng bigla kaming makarinig ng mga putok ng baril, ang mga kasambahay namin na nasa kusina ay nagtakbuhan sa sala kung nasaan kami, nakaramdam ako ng takot ngunit mas kailangan kong maging matatag sa sitwasyon namin ngayon.

"Nanay umakyat na po kayo nila manang sa taas !! dalian niyo !!" nakatingin ako sa pinto habang nagsasalita dahil pakiramdam ko anumang oras ay may papasok na sa pintuan

"No !!! hindi kita iiwan !!" sigaw ni Nanay Elena saakin

"Manang umakyat na po kayo sa taas kami na po ang bahala dito." baling ko kela manang na patuloy parin sa pag-iyak, ngunit hindi parin sila kumikilos.

"manang sige na po sundin niyo na si Christine kami na ang bahala dito doon kayo sa kwarto ko magtago." nasa boses ni Nanay Elena ang pagsusumamo, nakita ko nalang na tumango si Manang at umakyat na sila ng walang alinlangan.

tsS !!! kaninang ako ang nakiusap ayaw pa talaga nila !! hmpft !!!

Pagkaakyat nila manang ay nakarinig ako ng ingay sa kusina. Shit !!! shit !!! shit !!! ngayon lang pumasok sa isip ko na wala akong dalang kahit anong pwedeng gamiting panlaban !!! aAarRrgHhh !!! malas !!! bumalik nanaman ang kaba ko !! nakaramdam ako ng takot para sa sarili ko at kay Nanay Elena pati na rin sa mga kasama namin.

"Na-Nay magtago po muna tayo sa likod ng mahabang sofa, hindi naman po tayo agad makikita." naglakad siya palapit saakin at pumunta kami sa likod ng sofa at doon nagtago. Nilabas ko naman agad ang cellphone ko at tinawagan si Kian.

My Vampire GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon