Chapter 76

725 24 1
                                    

Maxpain Gail POV

Iminulat ko ang aking mga mata sa ingay na naririnig ko. Psh !! sino pa nga ba ang maingay dito kung hindi si Tin ! agad naman nila akong dinaluhan pagkakita nila saakin na gising na.

"im glad your awake my baby, how do you feel?" nasa boses ni Mom ang pag-aalala. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko silang apat. Si Tin, Nanay, Mom and Dad.

"im fine, anong oras na po?" pinilit kong makaupo na agad naman akong tinulungan ni Nanay at Mom.

"5:55AM palang baby, may gusto ka bang kainin?" tanong ulit saakin ni Mom. Shes treating me like a baby! Goodness !

"Tin okey lang bang umuwi ka muna kunin mo yung papers sa may office ko." Biglang sabi ni Nanay, nagtataka namang tumango si Tin bago bumaling saakin

"Gail gawin ko lang yung inuutos ni Nanay babalik agad ako." Tinanguan ko siya bago siya tumalikod at naglakad papuntang pintuan

"Tin sabihin mo sa dalawang bodyguard na sumama sayo, nasa baba lang si Manong magpahatid ka nalang mag-ingat kayo." Pahabol ni Nanay ngumiti at tumango lang si Tin bago lumabas ng kwarto.

Naglakad si Nanay papunta sa pintuan bago niya ito inilock at nagsalita siya ng hindi ko maintindihan na lengwahe. Bago umupo sa sofa kung nasaan si Dad.

"Care to explain Gail?" seryosong tanong ni Nanay

"im sorry kung pinag-alala ko kayo, hindi ko lang kayang masaktan ang beloved ko." Gulat silang tatlo sa sinabi ko.

"kaya mo ipapahamak ang sarili mo?" nagtaas ng boses si Nanay na ikinagulat ko

"beloved??" naguguluhang tanong ni Mom samantalang si Dad ay tahimik lang sa gilid habang nakikinig

"okey naman napo ako Nay, wag ka na pong mag-alala." Napayuko ako dahil sa kaba, alam kong galit si Nanay kaya mas mabuting tumahimik nalang ako.

"whats going on ? Elena explain it to me!" galit na sabi ni Mom agad namang natinag si Nanay kaya agad siyang napabuntung hininga bago siya nag explain. Sinabi niyang si Laurent ang beloved ko at ang nangyari.

"so thats explain why your hurt." Napatungo ako sa sinabi ni Daddy

"just dont let it happen again Gail." malumanay namang sabi naman ni Mom

"im sorry." Tanging nasabi ko nalang.

Tumayo naman si Dad at kumuha ng prutas bago niya ako ipinagbalat ng apple samantalang sinubuan naman ako ni Mom ng grapes si Nanay naman ay busy sa mga phonecalls. Nagpapasalamat na rin ako dahil hindi na rin ako kinulit ng grandparents ko tungkol kay Laurent. Okey na rin ang pakiramdam ko hindi ko rin namamalayan ang oras.

"anong gagawin natin alam na ng lahat ang itsura ni Gail." natinag ako sa sinabi ni Nanay ewan ko kung ako ba o ang grandparents ko ang tinatanong ni Nanay kaya hindi nalang ako sumagot

"eh di ipakilala na natin siya, just be alert always for her safety dahil hindi naman pwedeng bigla nalang siyang mawala sa kinatatayuan niya habang may nakatingin sakanya." Ewan ko kung nagbibiro si Dad sa sinabi niya ngunit hindi ko napigilang mapangisi

"okey. Ipapakilala natin siya sa publiko, kanina lang ay nakatanggap nanaman ako ng tawag mula kay Alvares, pinaghahanda tayo dahil may malaki daw siyang pasabog. That nerve ang lakas ng loob." Galit na sabi ni Nanay

Wala ng umimik saamin hanggang sa may kumatok sa pintuan, nagsalita nanaman si Nanay ng mga lenggwahe na hindi namin maintindihan bago nito binuksan ang pintuan dahil inilock niya ito kanina. Bahagya akong tumagilid para ayusin ang hospital gown na suot ko kaya hindi ko pa nakikita kung sino ang mga bisita ng biglang may tumikhim.

My Vampire GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon