"hoy Gail !! tulog mantika ka nanaman gumising kana nandito na tayo!!" naalimpungatan ako sa pagtapik at pagsigaw ni Tin
tss !!! naghikab muna ako bago umayos ng upo, inayos ko ang damit nagusot bago ako tuluyang tumayo para kunin ang bag ko na nasa gilid lang din ng upuan ko.
nilapitan kami ng isang stewardess at ito ang nagguide saamin pababa ng eroplano.
"welcome back Palawan !!" malakas na sigaw ni Tin habang nakataas ang kamay, psh !! baliw talaga, paano ko ba naging bestfriend to??
"nakakarindi kana ah !! ang ingay mo sigaw ka ng sigaw!!" sita ko sakanya dahil nabibingi na ako sa kaingayan niya.
"wahahaha Gail naman masanay kana parang di naman tayo magkasama sa iisang bubong parang bago pa sayo ang pagsigaw-sigaw ko, hmpft !!!" aba't !!! tumawa pa talaga!!
"siga bawasan mo nalang yang lakas ng boses mo, pwede?" naiinis kong sabi pero dahil magaling ako magtago ng emotion hindi nila malalaman kung kelan magagalit ako o matutuwa
"okey madam." sumaludo pa ito saakin
"Maam Gail tara na po duon, nauna na po ang driver natin para hanapin kung sinu ang susundo saatin dito." tawag saakin ni manang tumango naman ako at sumunod kaya sumunod narin ang ibang kasama namin.
hayts nakalimutan kong sabihin kela manang na wag akong tatawaging maam :(
nakita ko ang driver namin na kausap ang isang may edad na babae nasa unahang bahagi sila Laurent at nasa hulihan naman ako dahil sa kakaisip nahuli tuloy ako ngayon alam ko na ang feeling nung napaaway si Laurent ^____^ dinaanan ko lang sila Laurent at lumapit sa driver namin at sa kausap niya tumigil kasi sa paglalakad ang mga kasama namin.
"aba'y ayos lang sila na ba ang bibisita sa Isla Alexandra?" nakangiting sagot ng may edad na lalaki
"opo , siya po si Miss Gail ang anak ni Maam Alexandra." pakilala saakin ng driver namin
"kamukhang-kamukha mo ang iyong ina iha, maliban lang sa pananamit." nakangiting sabi ni Mang Pedring gusto kong mainis sa sinabi niya ngunit nakikita ko na walang bahid ng pang-iinsulto ang sinabi niya kaya wala na akong nagawa kundi ang tumahimik.
"-_______-" - ako
"maton po kasi yan mang Pedring !! ahahahaha" sabi ni Christine na ikinatawa naman ng iba.
kahit kailan talaga ang babaeng to hindi nauubusan ng sasabihin eh !!!"psh !!" - ako
"ako nga pala si Pedring ang caretaker ng bahay niyo." inabot niya saakin ang kamay niya kaya tinanggap ko ito.
"b-bahay niyo?" gulat kong tanong ni Laurent napatingin naman silang lahat saakin, kahit nakatalikod ako sakanila ay ramdam ko ang mga tingin nila saakin kaya napatingin ako kay Tin na hindi mapakali.
"ah Mang Pedring kasi ano !! gutum na ako !! baka pwedeng umalis na tayo?" malakas an pagkakasabi ni Tin hatarang natataranta na ito, psh OA talaga!
"sige, nandoon ang van sumakay na kayo duon at tutulungan ko lang tong mga to sa dala nila." sabay turo kay manang na may dala-dalang basket
"hoy !!! anong bahay yun ah???" narinig kong tanong ni Annica kay Tin, psh isa rin eh chismosa buti pa si Jane tahimik habang pasulyap-sulyap kay Kian ahahaha. ^_____^
pumuwesto ako sa tabi ng bintana sa unahan samantalang si Laurent ay nasa hulihan kasama si Justine, Christian at Luke tapos sa unahan nila ay si Jared, Michael at Kian kami naman ang nasa unahan katabi tong tatlong babae samantalang si Mang pedring ang nasa driver seat, kua driver sa gitna at manang ang nakaupo sa passenger seat.
Di naman nagtagal ay umandar na ang sasakyan, as usual pinakamaingay nanaman si Tin binibida ang mga magagandang spot dito sa Palawan dahil siya ang taga dito, nag earphone lang ako para hindi lang boses ni Tin na nakakarindi ang naririnig ko.Ilang sandali lang ay nasa daungan na kami bumaba naman kami agad at nilapitan ako ni Mang Pedring mejo malayo sa iba, sinabi lang niya na pag-aari din nami ang daungan na ito at walang kahit sinu an pwedeng magdaong dito ng kanilang mga bangka o yate maliban sa mga pag-aari lang namin. Psh!!!
"dito po tayo sasakay na yate na to papuntang isla." nakangiting sabi ni Mang Pedring at itinuro ang kulang puting yate na may kalakihan.
"sayang gabi na tayo dumating hindi ako makakapagpicture." malungkot na sabi ni Christian
"pag-uwi nalang natin." nakangiting sabi naman ni Kian at tinapik-tapik pa niya ang balikat ni Christian, napatingin naman ako kay Laurent, Jared, Luke, Jane, Annica at Michael na tahimik lang akala mo may paligsahan sila eh ^______^ pabahuan ng hininga ahahahaha ginagaya yata nila ako ^____^v.
si Tin lang naman talaga ang maingay !! pSh !! hindi ko nalang sila pinansin at sumunod nalang ako kay Mang Pedring papunta sa yate sumunod din naman agad ang mga kasama ko, dumeretso kami sa deck at duon tumambay, binigyan naman kami ng manang ng mga sandwich na binaon namin kanina, humiwalay ako sakanila at tumingala sa langit ng mapansin ko sa gilid ng mga mata ko na may papalapit saakin"you like stars?"biglang tanong ni Jared
"hindi masyado." simpleng sagot ko.
"i see, ano ang mga gagawin natin bukas?" tanong niya ulit, napatingin naman ako sakanya tapos ngumiti siya saakin, well gwapo si Jared walang question duon kaya nga siya nagustuhan ni Tin eh, ng biglang pumasok sa isip ko ang mga reaction ni Tin kapag kausap niya si Jared dahil para itong maiihi na ewan dahil sa kilig, bigla akong napangiti dahil sa naisip ko.
"ganda ng pagkakangiti ah?" di ko narin namalayan ang paglapit ni Kian
"oh pare." puna sakanya ni Jared
"may naalala lang." sabi ko naman sa sinabi ni Kian
"maam Gail malapit na po tayo." singit naman saamin ni Mang Pedring bago ito naglakad ulit palayo nag-excuse naman ako sa dalawa at sumunod kay Mang Pedring.
"Mang Pedring." tawag ko sakanya.
"O maam Gail bakit po ?? may kailangan po ba kayo?" nagtataka nitong tanong saakin
"sana po, pwede po bang wag niyo na po akong tawaging maam? hindi po kasi nila alam na mayaman kami, wag niyo rin po sana babanggitin sa mga kasama ko na pag-aari namin ang pupuntahan namin isla at sana po kung pwede pakisabi rin po sa mga kasamahan niyo sa isla na Gail nalang po ang itawag nila saakin." -_____- pakiusap ko pero dahil wala kang makikitang kahit emosyon sa mukha ko hindi halatang nakikiusap ako ^____^
tinignan niya lang ako ng nagtatanong ngunit walang salitang lumabas sa bibig niya siguro ay nagtataka siya sumang-ayon naman ito kapagdaka.
Di nagtagal dumaong na ang yate sa daungan sa isla, sinalubong naman kami ng tatlong babae isang may edad na at dalawang kaedad ni Nanay, may mga nakita akong cottages sa mga gilid ngunit dahil mejo madilim hindi ko maaninag ang itsura.Ang tatlong babae ang naglead ng daan saamin papasok pa kasi yung bahay ngunit nakikita naman na sa dinaungan namin, narating namin ang bahay na kulay puti may upper deck din siya.
"ang ganda!!" naibulalas ni Tin
"oo nga !! ang ganda!!" pagsang-ayon ni Jane
Napasipol naman ang mga kasama naming lalake sa mangha, hindi ko rin maitatanggi na nagandahan din ako sa bahay.
"tara na po sa loob?" sabi ng isang may edad na babae, isa sa mga sumalubong saamin naglakad na ito papasok sa bahay kasunod ang dalawa pang babae kaya sumunod narin kami sakanila.
"ako si Nelia asawa ako ni Pedring, kami ang caretaker sa bahay na ito, sa likod ng bahay na ito ay may sarili kaming tinitirhan duon." pakilala nito pagdating namin sa living room, nilibot ko naman ang paningin ko na namangha ulit ako sa nakita ko dahil napakamoderno ng mga gamit may chandillier pa ang linis rin tignan ng bahay.
"Aling Nelia pwede na po bang kumain ? nagugutom na po kasi ako, este kami po pala." biglang sabi ni Tin, napatingin naman ang mga kaibigan namin sakanya dahil sa sinabi niya nakangiting nagpeace sign lang ito.
"aba'y oo !! tara na sa kusina at nakahanda na ang mga pagkain duon dahil alam naming gugutumin kayo sa byahe." nakangiting sabi ni Aling Nelia saamin bago naunang naglakad papuntang kusina na agad sinundan ni Tin.
~~~~~~¥¥¥¥¥~~~~~
Timing is the best ^____^
enjoy reading ^____^
BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
VampirosIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...