ELena's POV
Nakaupo ako sa aking opisina ng biglang may kumatok. Wala akong inaasahang bisita at wala din akong kameeting.
"pasok." nakatingin mga papeles kong sigaw.
"Maam nandito po si Ms. Gonzaga." dinig kong sabi ng aking secretary mejo nagulat pa ako sa sinabi niya kaya napaayos ako ng upo.
"sige patuluyin mo." tanging nasabi ko ilang segundo pa ay pumasok na si Gail
"Nay." tanging sambit nito
"oh Gail?" biglaang yata ang pagdalaw niya dahil hindi ko inaasahang pupunta siya ngayon dito. Siguro ay may importanteng sasabihin dahil kung hindi ay pwede naman niya akong hintayin mamaya pag-uwi ko.
"gusto kong pag-usapan ang tungkol sa Rodrigo Alvares na yan." seryoso ang mukha niya. Well lagi naman mula nung nalaman niya ang mga kakayahan niya ay siyang nagbago.
"umupo ka muna." itinuro ko pa ang sofa dahil ramdam ko ang gigil niya.
"hindi ako matatahimik hangga't pakalat-kalat ang taong yun." may diin sa bawat salitang binibitawan niya, nakaramdam ako ng kaba ngunit hindi ko ito ipinakita
"Gail huminahon ka, may good news at badnews ako sayo ano ang gusto mong unahin kong sabihin sayo?" kailangan kong sabihin sakanya nag nalaman ko kanina. Kailangan din naming kumilos ngunit ng hindi padalos-dalos
"ang good news Nay." nilalaro niya ang mga daliri niya habang nagsasalita
"nadenied ang pirma ko kaya walang nahuthut ang mga Alvares sa papeles na pinirmahan ko." may tuwa sa boses ko dahil talagang natutuwa ako sa nangyari. Kumuha kasi sila ng abogado at yun mismo ang nagpunta dito upang ipamukha saakin na wala na akong karapatan sa kompanya gusto kon matawa sa reaksyon niya kanina ng humarap na siya sa mga stockholders.
"magandang balita nga yan, at ang bad news?" tumatango-tango pang sabi ni Gail. Gusto kong matuwa dahil sa kung paano siya mag-isip hindi halata sa edad niya. Hindi niya ako minsan tinatawag na Nanay ngunit nandoon parin ang respeto.
"alam na nila na wala akong karapatan sa kayamanan ng mga Gonzaga kaya siguradong malalaman na nilang may ibang tagapagmana ang mga ito." hindi ko pinaramdam ang kaba ko sakanya dahil wala akong dapat ipag-alala mas dapat akong mag-alala sa sasapitin ng Alvares na yon kesa kay Gail.
"sila ang dapat matakot Inay hindi ako." sinasabi ko na nga bat iyon ang isasagot niya. Napailing-iling ako ngunit nangingibabaw ang paghanga sa katapangan na pinapakita niya pero hindi ibig sabihin nun ay sang-ayon na ako sa gusto niya.
"ngunit Gail hindi mo maaaring ipakita ang tunay na ikaw dahil ikaw din ang mapapahamak pag may nakaalam na kakaiba ka." totoo ang sinabi ko nag-aalala ako na baka may makaalam na may lahi siyang bampira natatakot ako para sa kaligtasan niya.
"kaya ko ang sarili ko Nay ngunit ang mga malalapit saakin ang hindi ko kayang masaktan." tumamlay ang boses niya. Alam kong nag-aalala siya sa mga taong malapit saamin kaya ko silang bigyan ng proteksyon ngunit ang kakayahan ko ay may limitasyon.
"naiintindihan kita ngunit sa sitwasyon natin ay kailangan lang nating mag-ingat." paalala ko sakanya tumango-tango pa ito bago nagsalita.
"papasukin ko ang bahay nila mamayang gabi, tatakutin ko sila at maghahanap ako ng ebidensiya upang idiin sila." malumanay ang kanyang pagsasalita ngunit kinabahan ako sa sinabi niya. Hindi ko siya tunay na anak ngunit hindi iba ang turing ko sakanya mahalaga siya saakin siya na ang buhay ko at dahil sakanya nagkakulay ang mundo ko. Hindi na rin ako nakapag-asawa dahil sa pokus ako sa pag-aalaga sakanya.
"yan ang wag mong gagawin anak, baka mapahamak ka pang lalo." madiing tanggi ko.
"pag-iisipan ko, ngunit wag silang magkakamali dahil hindi nila gugustuhin ang gagawin ko sakanila."
may banta sa pananalita niya kaya alam kong hindi siya nagbibiro"salamat at naiintindihan mo ako, hindi mo pa saakin nakukwento ang nangyari." ngumiti ako sakanya samantalang napatingin naman siya saakin.
Nagulat nalang ako ng may lumitaw na kamukha niya sa tabi niya. Wala siyang ginawa ngunit nakapagpalabas siya ng kamukha niya !!!
O _____________ O
"wh-whoah !!!! this is incredable!!!!"
namamangha kong sabi. Hindi ko alam na kayang gumawa ng ganito ang isang bampira.!! nakakamanghang kapangyarihan!!"i know Nay, thankful ako sa kapangyarihang gamit ko dahil nakakatulong talaga saakin."
"basta lagi mo lang tandaan mag-iingat ka."
"salamat Nay. Aalis na ako kailangan ko ng umuwi gagamit nalang ako ng teleportation pinauwi ko na rin kc agad ang driver."
"sige. Mag-iingat ka uuwi na rin ako mamaya."
"mag-ingat ka din Nay."
Napangiti ako sa pag-uusap namin ni Gail. Sobrang proud ako sakanya maswerte ako at saakin siya ibinigay ni Alexandra. Minsan lang kaming mag-usap ng ganito ngunit problema pa.
Napailing-iling ako bago ako bumalik sa aking trabaho. Patapos na ako ng biglang magring ang telepono.
"Gonzaga's Group of Company hello ??" tanong ko sa tumatawag.
"kumusta Elena, ??" seryoso ang boses niya nakilala ko naman agad kahit hindi ko na siya tanungin kung sino siya !! agad kumulo ang dugo ko sa galit na nararamdaman ko humigpit ang hawak ko sa reciever.
"anong kailangan mo?" nanggigigil kong tanong
"alam mo kung ano ang kailangan ko, hahahaha nauntog ka ba at hindi mo na maalala??" sarkastiko ang paraan ng pagsagot niya.
"hayop ka !!! hayop !!!" anumang oras ay sasabog ako sa galit na nararamdaman ko!!!
"baka nakalimutan mong ako ang niloko mo !! pero wag kang mag-alala dahil gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang gusto ko!! wahahahaha" nakakakilabot ang tawa niya ngunit mas mangingilabot siya sa kaya kong gawin !!?
"Go to hell !!!" pabagsak kong ibinaba ang telepono at napasandal sa upuan. Huminga ako ng malalim bago ipinikit ang aking mga mata, gusto kong ipahinga ang aking isip !!!
Hindi ko alam na magkakaproblema kami sa negosyo !! Ayaw kasi naming pumayag sa merge na gusto ni Alvares kaya aiya nagagalit at kaya niya kami pinupuntirya !! Nalaman kong may ilegal siyang negosyo at ayaw kong masangkot ang kumpanyang inaalagaan ng mga Gonzaga kaya umayaw ako ngunit hindi ko alam na ganito pala katindi magalit ang gagong yun !!! nakakapanggigil !!!
-------
wahhhh !!!! nanggigigil din ako!!!
hahaha a short update for everyone :))enjoy :))
BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
VampireIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...