Chapter 72

695 18 1
                                    

Pagdating ko ng bahay ay agad hinanap ng mga mata ko ang parents ko ngunit hindi ko sila Makita malamang ay nasa kompanya pa sila or nasa mga negosyo nila. Sinalubong ako ng kasambahay namin at inukoy papuntang kusina.

"Sir Laurent kumain po muna kayo ng snack bago po kayo pumunta sa taas." Nakangiting sabi ng manang saakin na busy sa ginagawa niya sa kusina.

"salamat po."Nginitian ko siya pabalik bago siya naglagay ng mga pagkain na kakainin ko.

" sir sabi po pala ni Maam may dadaluhan daw po kayong party nasa taas na po ang mga isusuot niyo." Sabi ulit nito bago naglakad papuntang sala

Anu bayan gusto ko sanang magpahinga, ayokong dumalo ng kahit anong gatherings ngayon dahil sa tinatamad ako. Naisip kong may number pala saakin si Gail kaya agad kong nilabas ang cellphone ko para itext siya.

To : GailOfMyLife

If loving you is a crime then im guilty.

Im willing to be imprisoned in your heart.

Sent

Hahaha kinikilig ako sa text ko sakanya .. Damn !! feeling ko para akong babaeng kinikilig kahit wala naman akong ginagawa .. hahaha ano kaya irereply niya ??

Para akong tanga na nakatulala sa cellphone ko habang kumakain ng mga minatamis. Tapos na akong kumain ngunit wala pa akong natatanggap na reply niya. Psh!! Wag niyang sabihing wala siyang load ???? scholar nga lang pala siya siguro ay wala siyang budget para sa load.

Tsk tsk tsk napailing-iling nalang ako sa naiisip ko. Kinuha ko ulit ang phone ko at nagtype doon pinasahan ko lang naman siya ng isang daang load. Siguro naman ay kasya na yon ng one week niya???

Hahaha ang sweet ko talaga .. ^_____^ ibinalik ko ulit sa mesa ang cellphone ko at muling tinitigan ito. Napangisi ako ng bigla itong tumunog. Ngunit nadismaya ako ng makita ko kung sino ang nagtext.

PASALOAD !! binalik lang naman ni Gail ang load na pinasa ko sakanya tapos bigla ulit itong tumunog.

GailOfMyLife

Im sorry Laurent hindi tumatanggap si Gail ng pasaload. 09268888888 yan ang cp no. ko Tin nga pala to ako nalang ang pasahan mo.thanks

Padabog akong tumayo dahil sa text na narecieve ko. Bakit si Tin ang may hawak ng phone ni Gail ??? talaga bang magkasama sila sa iisang bahay??

"sir Laurent tumawag po si Maam pinapagbihis na po kayo kasi dadaanan ka daw po nila mamaya." Sabi saakin ni manang.

Tinanguan ko lang siya bago umakyat sa kwarto ko at dumeretso sa banyo upang maligo. Hindi rin ako nagtagal bago nagbihis nasa kama na ang tuxedo na gagamitin ko. Ngayon ako napapaisip anong event naman kaya ang pupuntahan namin??? Nakarinig ako ng katok sa pintuan.

"sir Laurent nasa baba na ang parents mo." Dinig kong sabi ni manang nagmadali na akong isinuot ang necktie ko bago lumabas ng kwarto ko.

"why so handsome baby???" nakangiti niyang tanong saakin

"your also beautiful Mom."puri ko rin sakanya she's wearing a long gown that fit to her body

"anyway here is your mask." Inabot saakin ni Mom ang mask na hawak niya na tanging mata ko lang siguro ang matatakpan

Nagtataka akong napatingin sa maskarang inaabot niya saakin.

"for what Mom?" kunot noong tanong ko sakanya

"well I dont know, nasa invitation na dapat may suot tayong mask." Kibit balikat na sabi ni mom bago niya ikinawit ang kamay niya sa mga braso ko bago ko hinila palabas ng bahay nandoon din si Daddy habang hinihintay kami kasama ang Chairman.

My Vampire GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon