Janessa POV
Dumeretso kami ng prinsesa sa parking lot kung nasaan ang sasakyan niya ng makaramdam ako ng kakaiba kaya napatigil ako sa paglalakad na hindi napansin ng prinsesa, napatingin ako sa kanan ko kung nasan yung lakas ng enerhiyang nararamdaman ko , hindi na ako nagulat ng makita ko ang isang babaeng maganda na maputi, matangkad siya at parang sa napapanood ko sa TV mukha siyang artista, parang nakita ko na siya dati mula sa mga drawings ni Mang Pedring ngunit impossible bakit siya nandito ???
naikwento na sakin ang tungkol sa pamilya ng prinsesa at tungkol din sa mga kamag-anak nitong sakim, at ngayon nakikita ko ang pinsan niya sa mismong mundo ng mga tao !!! hindi bat bawal ang makihalubilo sa hindi nila kalahi I mean sa mga kalahi namin siyempre maliban saamin dahil hindi naman alam ng mga bampira ang existence naming sa mundo ng mga tao?? siya ba ang naramdaman ko kanina sa may court ??? imposible din namang maramdaman niya ako masyadong dalisay ang mga ginagamit ni Nanay Elena na imposibleng maramdaman niya maliban nalang kung sobrang makapangyarihan siya ??? sabagay hindi imposible yun dahil pinsan niya ang prinsesa ..“ Janessa ??” napakurap ako sa pagtawag sakin ng prinsesa bago napalingon-lingon para hanapin ang babaeng nakita ko ngunit hindi ko na ito mahagilap .
“mahal na prinsesa nakita ko ang bampirang umaaligid dito, ngunit hindi ako sigurado kung sino siya ang alam ko lang ay nakita ko na siya sa isa sa mga paintings ni Mang Pedring na nakatago sa stock room sa resort niyo.” Nababahalang sabi ko.
“so makikilala mo ba siya sa sunod na pagkikita niyo?” walang emosyong tanong ng prinsesa
“ opo.” Siguradong sagot ko dahil hindi ito nalalayo sa itsura ng prinsesa
“mabuti, may gusto sana akong itanong wag mo sanang masamain.” Napatingin ako sa prinsesa bago ito pumasok sa sasakyan niya na agad kong tinabihan. Pumasok agad ako sa kotse bago nagsalita
“ano po yun?” kabadong tanong ko
“napansin ko ang reaksyon mo kaninang tumabi sayo si Justine mind to explain.?” Sabi ko na nga ba hindi malabong mapansin niya ako kanina napabuntong hininga ako bago sumagot
“siya ang beloved ko mahal na prinsesa at iba ang epekto sakin ng dugo niya ginugutom ako pag nasa malapit ko siya,.” Pag-amin ko
“mMm kailangan nating hanapan ng solusyon yan.” Tatango-tango siya habang nakatingin sa kalsada
“salamat po pala mahal na prinsesa sa pagligtas sakin kanina, hirap na hirap akong magpigil kanina kung hindi mo pa ako inilayo sakanya ay baka ubos na ang dugo niya.” Amin ko pa
“sabihin mo yan kay Nanay pagdating natin sa opisina niya ng magawan niya ng paraan.” Casual na sabi lang niya
BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
VampireIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...