Maxpain Gail POV
Fuck !!! what the hell is happening ??? hindi pwedeng magbrownout !! nagconcentrate ako para makarating agad kung nasaan man ang grandparents ko mabuti nalang at malinaw ang paningin ko. Agad ko ko silang hinawakan at nagteleport papunta sa kwartong ginamit ko kanina habang inaayusan ako. Tinanguan ko lang sila bago ulit ako bumalik sa venue nakita ko agad si Nanay na prenteng nakaupo sa kinauupuan namin kanina kasama si Tin na lilinga-linga na akala mo naman nakakakita siya sa dilim. Agad ko silang nilapitan at hinawakan ngunit inilingan ako ni Nanay ng makita ko ang mga lalaking papalapit saamin na may mga suot na eyeglass ??? nightglass !! fuck !! sinasabi ko na nga ba !! ngunit mas nagulat ako ng inasinta nila ang Chairman ng mga Valdez !!! sino ang mga to ??? pero mas nagulat ako ng nagpalit ng posisyon si Laurent at ang Chairman nila !! hindi ito pwede !! mababaril si Laurent agad akong nagteleport sa kung saan tatama ang bala upang hindi siya tamaan pero siyempre ginawa ko ito sa pinakamaingat na paraan dahil alam kong may mga cctv dito sa venue. Kaya kong harangin ang balang para sakanya maging ligtas lamang siya. Ipinikit ko ang aking mga mata ng biglang umalingawngaw ang putok ng baril.
BANG !!!
Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng sigawan napaluhod nalang ako dahil sa balang tumama sa likod ko. Sa lakas ng sigawan nila dito sa loob ay pakiramdam ko nabibingi na rin ako mabuti nalang at walang masyadong bisita dito sa pwesto namin kanina kung hindi ay baka hindi lang iisa ang tinamaan pag nagkataon. Bumibilis ang tibok ng puso ko at yon ang ayaw ko !! akala ko ba kalahating bampira ako ?? bakit hindi agad gumaling ang tama ko ??? fuck !!! bigla nalang bumukas ang ilaw ngunit nanghihina na ako. Bahagyang tumahimik ang paligid ngunit marami parin akong kaluskos na naririnig.
"Gail !!!!!!!!!!!" rinig kong sigaw ni Nanay napilitan akong iangat ang aking tingin at saktong tumama ito sa mukha ni Laurent na nanlalaki ang mga mata.
"Gail !!! Gail !! wag kang pipikit please wag kang pipikit !!" natatarantang sabi ni Nanay, hindi ganito ang inaasahan kong pagkakabulgar ng pagkatao ko !! psh !! nakita ko naman sa tabi niya si Tin na hindi na rin mapakali
"Gail !! Please wag mo akong iiwan Gail!! Tumawag kayo ng ambulansiya !!! parang awa niyo na !!" malakas na sigaw niya mas naghihisterikal pa siya kesa kay Nanay psh !! kahit kailan ang ingay niya !! ibinalik ko ang paningin ko kay Laurent na dahan-dahang lumalapit saakin pakiramdam ko ay marami na rin ang matang nakatingin saakin ngunit ang mas ikinagulat ko ay ng tanggalin niya ang maskarang nasa mukha ko.
"Ga-Gail ??" nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang mascara ko. Ramdam ko ang kirot sa likod ko ngunit mas lamang ang tibok ng puso ko dahil sa taong nasa harapan ko.
"Laurent buhatin mo siya please dalhin natin siya sa hospital." umiiyak na si Tin, si Nanay naman ay hawak-hawak ako habang tahimik na lumuluha, parang nagising naman si Laurent sa kanyang pagkakatulala at maingat akong kinuha sa mga bisig ni Nanay, akala ko pa naman ay mapipilitan pa akong magpaliwanag muna bago nila ako dalhin sa hospital.
"Gail please wag mo akong iwan, hindi mo pa ako sinasagot eh." Ewan ko kung kikiligin ako o matatawa sa sinabi niya. Ngunit hindi ko mapigilan ang pagkirot ng likod ko . ano bang nangyayari saakin ?? hindi ba dapat ay gumaling agad ang sugat kong ito ??? pakiramdam ko ay nanghihina na ako.
Pinilit kong inabot ang mukha niya kahit na nahihirapan na ako at nginitian siya bago ko ipinikit ang aking mga mata.
Laurent Won POV
Agad ko siyang isinakay sa kotse na naghihintay saamin sa may labas ng hotel, nagulat pa ako ng si Luke ang nakita kong driver. Ngunit hindi ko nalang ito pinansin. Lima kaming nasa sasakyan kaming tatlo ang nasa likod samantalang si Luke at isang kaedad ni Mom ang nasa harapan.

BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
VampirosIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...