Maxpain Gail POV
Nagising ako ng mga 5am bigla ko kasing naalala na mag-uusap pa pala kami ni Nanay kaya pumunta ako sa kwarto niya.
Tok. Tok. Tok
"Nay gising kana po ba?"
tanong ko ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Nanay na mejo basa pa ang buhok niya,"oh anak ang aga mo ah, pasok ka"
niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ako"Nay nakatulog ako kagabi hindi ko tuloy nasabi sayo yung gusto kong itanong para mabigyan ng sagot"
sabi ko habang naglalakad papunta sa kama ni Nanay at umupo duon."pumunta ako sa kwarto mo pagdating ko kaso tulog kana kaya hindi na kita ginising may sasabihin din akong importante tungkol sa nasabi mo saakin kahapon, iyon ba ang itatanong mo?" sumeryoso naman si nanay bigla
tumango-tango naman ako bilang sagot
"ang mga vampire ay may tinatawag na beloved" umpisa ni nanay
"beloved?" tanong ko
"oo anak, halimbawa ang ama mo ang beloved niya ay ang ina mo ang ibig sabihin nito ay kalahati na ng iyong buhay pero ang kaso ng ama mo ay sobrang kakaiba dahil isang mortal ang iyong ina at may batas ang mga bampira na sila lang ang nakakaintindi at nakakaunawa" paliwanag ni nanay
"paanong naging kakaiba nay?" naguguluhan tanong ko
"dahil ang ama mo ay imortal samantalang ang ina mo ay mortal ang lahi ng ama mo ay ilag sa mga tao para maiwasan ang mga pagpatay, hindi naman lingid sa kaalaman ng mga tao na ang iniinum ng mga bampira ay mga dugo nila ibig sabihin pagkain ang tingin ng mga bampira sa tao kaya may batas silang bawal makisalamuha ang mga bampira sa mga tao dahil karamihan sa bampira ay nahuhumaling sa dugo ng tao dahil ito ang nagbibigay karagdagang lakas sakanila" sagot ni nanay sa tanong ko
"pero paano sila nabubuhay kung hindi dugo ng tao ang iniinum nila ama?" lalo tuloy akong naguluhan kung hindi dugo ng tao ang iniinum nila ama paano silang nabubuhay ng daan-daang taon.
"dugo ng hayop anak iyon ang iniinum nila hindi man kayan punan ng dugo ng hayop ang gutom nila kahit papaano ay hindi naman sila nagugutom masyado" kaya naman pala kahit hindi dugo ng tao ang iniinum nila nabubuhay sila ako kaya mararanasan ko rin kayang uminum ng dugo ng tao??
O________O
erase !!! erase !!! wala akong sinabi .. >_______>
<_______<
"ano ang kinalaman nito sa nakwento ko inay?" paiwas kong tanong dahil kinakabahan ako.
"ang tinutukoy mong lalake ay may posibilidad na siya ang beloved mo" nakangiting sabi ni nanay
"seryoso kaba jan nay?" nananantyang tanong ko
"oo naman anak, mukha ba akong nagbibiro?" nakangiting tanong ni nanay
"hindi Nay mas mukha kang nanunukso!" tapos umirap ako sakanya pero nakangiti
"pero anak isa siyang mortal, alam kong mahihirapan ka dahil ikaw lang ang makakaramdam ng connection niyong dalawa ibig sabihin hindi niya mararamdaman na ikaw ang kahati ng buhay niya, sa mga bampira isang nilalang lang ang dapat nilang ibigin hanggang sa huling hininga nila hindi tulad sa tao na pwede kang magpapalit-palit kung sinu man ang gustuhin mo" paliwanag ni nanay sa tonong may konting pag-aalala
"anong ibig mong sabihin nay?" kakamot kamot sa batok kong tanong naguluhan nanaman kasi ako
"ang ibig kong sabihin kapag hindi ka minahal pabalik ng beloved mo maaari mo itong ikamatay, sa mga normal na bampira tatagal ka ng anim na buwan pero sa anim na buwan na yon mas nanaisin mo pang mamatay nalang at sa mga katulad mong dugong bughaw kaya mong tumagal ng isang taon at pag ang beloved mo ay minarkahan mo na magkakaroon kayo ng connection na higit pa sa nararamdaman mo nung una mo siyang makita dahil ang mararamdaman niya ay mararamdaman mo na rin pwede mo rin siyang makausap sa pamamagitan lang ng inyong isip na tinatawag nilang telepathy " dapat pala akong magpasalamat dahil anak ako ng isang hari atleast tatagal ako ng isang taon. (^ _____^ )v
"wow amazing !!im speechless
pero nay dapat ba na mahalin niya rin ako?"
hindi ako makatingin kay nanay ng deretso kasi naman ang gwapo ng lalaking yon tapos siya ang beloved ko??? Ang swerte ko naman ^___^"oo anak pero wag kang mag-alala hindi kapa aman ganap na bampira" tatawa-tawang sabi ni nanay
>\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\<
bigla naman akong namula sa sinabi ni Nanay kasi naman ehh T______T
halata pu ba ako masyado???"pero nararamdaman ko na nay ang mga kapangyarihan ko ay lumalabas na baka hindi na magtagal maging bampira na rin ako" mejo defensive kong sabi para pagtakpan ang pagkapahiya ko
"wag kang mag-alala anak hanggat hindi kapa tumutuntong sa ikalabinwalong kaarawan mo hinding-hindi ka magiging bampira" sagot naman ni nanay na hindi naman mukhang nag-aalala
"paano mo iyon nasabi inay?"
?________?"nabasa ko sa libro anak, at hindi ka rin basta basta magiging bampira kung hindi rin dugong bughaw ang kakagat sayo" tinitigan ko si nanay habang sinasabi yon.
ako kakagatin ng kapwa ko bampira ??? ayyy hindi pa pala ako bampira kalahati lang ako
"nakakatakot naman yan nay" nagtayuan rin ang mga balahibo ko sa batok
"hindi ka nag-iisa anak nandito ako kaya wag kang mag-alala" paalala ni nanay saakin
"maraming salamat nay"
"mahal na mahal kita anak" madamdaming saad ni nanay
"mahal na mahal din kita nay" tapos niyakap ko siya ng sobrang higpit
nagkwentuhan pa kami ni nanay tungkol sa mga bampira tulad ng kahinaan nila at mga kalakasan nila, nabanggit ko rin kay nanay ang tungkol sa pagtira ni Tin dito sa bahay halos hindi ko namalayan ang oras kaya nagpaalam na ako may Nanay para makaligo na at may pasok pa ako.
After kong gawin ang morning rituals ko pumunta na ako sa kusina para kumain ng almusal tulad ng dati nadatnan ko duon ang grandparents ko na kumakain na, nakaalis na rin daw si nanay dahil may mga aasikasuhin pa siyang papeles sa opisina hindi na rin kasi nagtatrabaho sila mom and dad maliban nalang kung may kailangan silang pirmahan dumadaan daan nalang din sila sa kumpanya umupo na ako sa upuan ko pagkatapos ko silang batiin.
"Gail nagpaplano kami ng mommy mo na magtravel tutal nanjan naman si Elena para umasikaso sa mga negosyo natin" biglang nagsalita si daddy kaya napatingin ako sakanya
"mMm.. no problem po daddy, mabuti na rin po yan para makapagrelax kayo ni mommy, thank you po sa pagtitiwala kay Nanay"
sagot ko naman habang nakangiti"hindi na rin kasi siya iba saamin Gail"
singit naman ni mommy"mamaya na po pala lilipat si Tin dito mom and dad para makilala niyo po siya bago po kayo magtravel"
sabi ko habang sumusubo ng pagkain"okey, kukuha narin kami mamaya ng ticket namin para makabyahe na kami bukas excited na ako"
si daddy"basta po lagi po kayong mag-iingat mom and dad ha? mamimiss ko po kayo , ayoko po sanang umalis kayo pero alam ko pong kailangan niyo rin pong magrelax" paalala ko sakanila
"napakabait mo apo manang-mana ka sa mama mo, mahal na mahal ka namin apo" maluha luha namang saad ni mommy
"cut the drama! ano kaba naman Cassandra babalik naman tayo ah magbabakasyon lang tayo akala mo naman dun kana titira " biglang galit-galitang sabi ni daddy
nagtinginan naman kami ni mommy bago tumawa, dito lang ako sa bahay nakakatawa ng ganito dahil alam kong sa bahay na to walang rason para magalit ako hindi tulad sa school na kailangan ko pang maging emotionless para lang hindi ko magamit ang kapangyarihan ko sa kapwa ko estudyante.Pagkatapos ng usapan namin nila daddy ay pumasok na ako sa school.
BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
VampireIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...