Chapter 98

220 6 0
                                    

Hindi ko na inintindi ang iba pa nilang sasabihin sa mga kasama kong manlalaro nagfocus lang ako sa ginagawa ko dahil sa susunod na target namin. Hindi naman ako mahihirapan alam ko yun dahil pakiramdam ko ay gamay ko na ang sport na ito. Hinanap ko ang pwesto ng mga kasama ko kung saan sila nakapwesto agad ko naman silang nahanap dahil nandun lang sila sa likuran ni coach, napatingin ako kay Laurent na saakin din nakatingin agad niya akong kinawayan ngunit hindi ko pinansin bigla namang siyang sumimangot, agad kong ibinaling ang aking mga mata sa harapan ko para asintahin ang target.
Pagkasabi ng emcee na aim your target ay agad ko itung inasinta, ng marinig ko na ang release ay agad kong binitawan ang arrow ko ng biglang nanikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay may nananakit sa isa pang pagkatao ko.

“Maxpain”. Bigla ko nalang naibulong hindi siya sumagot. Nakapagtataka. Pinilit kong ituon ang atensiyon ko sa laro dahil sa distansiya ng target saakin ay 35 meters na kahit nahihirapan ako sa paghinga. Sumablay ang tira ko at sa alpha lang tumama ngunit hindi naman ako nanghinayang dahil mataas parin naman ang puntos nito.

Ilang sandali pa ay inanunsiyo nanaman ng emcee ang mga tinamaan namin at nasa 4thyear ang nakakuha ng target hindi nalang ako umimik, ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Hinintay ko ang anunsiyo ng emcee ang distansiya namin sa target at yun ay ang 40meters na. Bago ako bumitaw sa arrow ay bigla akong napalingon sa kanan ko kung nasaan sila Laurent nakita ko siyang tutuk saakin. Dahil sa sikip ng dibdib ko sa alpha ulit ito tumama ngunit ang mga kasama ko ay sa beta na ngunit ayaw kong makampante may isa pa at gusto kong manalo sa larong ito kahit na may nararamdaman ako. Inilibot ko ang aking paningin ng bigla akong napatingin sa pwesto nila Tin ngunit hindi ko makita si Laurent napakunot ang uno ko at muling ininda ang sakit na aking nararamdaman. Sinenyasan ko si Tin na lumapit saakin habang hindi pa nagsisimuli ang laro agad naman siyang lumapit saakin.

may problema ba Gail?” takang tanong niya

nasaan si Laurent?” tanong ko bago napahawak sa dibdib ko.

“ang sabi niya pupunta lang daw siya ng comfort room pinasamahan k okay Christian pero ayaw niya kaya hinayaan nalang naming dahil saglit lang naman daw siya.” Kunot noong sagot nito

“kausapin mo si janessa sabihan mong sundan niya si Laurent sa comfort room masama ang pakiramdam ko.” Agad naman siyang tumango at tumakbo agad palapit kay Janessa at ibinulong ang gusto kong sabihin dito tumingin muna si Janessa saakin bago tumango at naglakad na palayo sa field. Narinig ko naman agad ang emcee na nagsalita nanaman para sa huling target namin ininda ko muna pansamantala ang sakit ng dibdib ko dahil hindi naman na ito masyadong masakit tulad ng kanina.

Pagkarinig ko ng release ay agad kong binitawan ang arrow sa distance na 50meters ay alam kong tantyado ko ang tira ko hindi nga ako nagkamali dahil sa mismong target ito tumama. Narinig ko ang mga hiyawan at palakpak ng mga nanonood alam kong hindi ko nabigo si Coach sa gusto niyang mangyari. Agad ko namang nilibot ang paningin ko para hanapin si Laurent o si Janessa man lang upang malaman kung nasa maayos ba na kalagayan si Laurent, ngunit kahit anong baling ko hindi ko sila makita. Habang busy ang mga judges sa score namin ay hindi tumigil ang emcee sa kakasalita. Ilang minuto pa ay inanunsyo na ang pagkapanalo ko. Hinintay kong lapitan ako nila Tin at ng ibang kaibigan namin, dahil nauna si Tin agad ko siyang binulungan at gumawa agad ako ng clone bago umalis doon papuntang comfort room.

Balisa ako sa nangyayari naninikip parin ang dibdib ko ngunit hindi nay un gaanong masakit tulad ng kanina.

“maxPain?” sa isip isip ko habang nililibot ang paningin ko

“h-help him.” Napasinghap ako sa narinig kong boses ng isa pang katauhan ko, nanghihina siya ramdam ko yun pero bakit ? sino ang may gawa nito?

My Vampire GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon