Chapter 68

725 24 0
                                    

dedicated to : chim______chim

Pagkadating namin sa bahay ay inalalayan ulit ako ni Tin na bumaba.

"pasok muna kayo." nahihiya kong sabi kasi naman naabala na namin sila eh di sagarin ko na. hehehe

"Gail tara gutum na rin ako hindi tayo nagbreakfast eh." nakangiwing sabi naman ni Tin.

" psh!!". tanging react ni Gail

"tara na Laurent !! pakainin mo kami ha!!" bago niya ako inakay papuntang gate namin sa labas lang kasi nagpark si Gail dahil hindi naman nakabukas ang gate.

Ako ang nagdoorbell na agad ding binuksan ng isang kasambahay namin ang gate.

"Sir Laurent ikaw po pala!! pasok po." nauna ng naglakad ang kasambahay papasok, napasimangot ako sa ginawa niya. Sumunod naman kami at nasa likod lang namin si Gail.

"Maam nandito po si Sir Laurent kasama ang girlfriend niya.!!" dinig kong sigaw ng kasambahay namin !!!

Oo !!! ng kasambahay namin !!! Bwisit !!! anong Girlfriend !!!

Aba't intrimitida yun !!!
Pakiramdam ko ay namula ako sa sinigaw niya. Dahan-dahan akong napatingin kay Tin halatang nagpipigil siya ng tawa!!

Pasimple naman akong lumingon kay Gail at parang wala naman itong pakealam alam ko rin kasing narinig nila yon ! ang lakas ba naman!!!

Nakita ko nalang na lumabas si Mommy sa pintuan at sinalubong kami.

"oh my gosh !!!!" sigaw ni mommy alam kong nakita niya ang mga pasa sa mukha ko kaya ganon nalang siya kug makasigaw. huhuhu Mommy !!!

"M-Mommy .. " tatakbo sana ako palapit sakanya ngunit dahil masakit ang katawan ko kamay ko nalang ang itinaas ko na parang yayakap sakanya an kaso kay Gail siya dumeretso !!!

Oo kay Gail !!!
This is so embarrassing !!!
Dahan dahan kong ibinaba ulit ang kamay ko at nakasimangot na tumingin kay Mom at Gail.

"oh my !!! you came again !!!" tuwang-tuwa si Mommy habang nakayakap kay Gail !!! Psh ! hindi ba dapat ako ang niyayakap niya ??? Ako ang nabugbog pero parang wala naman siyang pakealam ! psh !!

Maxpain Gail POV

"oh my gosh !!!!" nako !! patay kang Laurent ka ! sasabunin ka ng Nanay mo sigurado . Takaw gulo ka kasi !!

"M-Mommy .. " dinig ko ang nagpapaawang boses ni Laurent gusto ko tuloy matawa umakto pa siyang yayakap sa Nanay niya dahil itinaas niya ang kamay niya

HukKk !!!

"oh my !!! you came again !!!" gusto kong itulak ang Nanah ni Laurent dahil pakiramdam ko sinasakal niya ako sa sobrang higpit ng yakap niya !!!

Opo saakin siya dumeretso !! psh ! pasimple naman akong tumingin kay Laurent na napapahiyang nagbaba ng kamay.

Bwahahahaha !!!
pero ang awkward !!! tss !

" Mrs Valdez !! kumusta po kayo?" tinapik ko ng dalawang beses ang likod niya pagkatapos kong magsalita bago siya lumayo saakin at iginaya ako papasok ng bahay nila na akala mo hindi nakikita si Laurent na nabugbog at Tin na nakaakay sa anak niya.

Ibang klase !!

"Mom !!" may nagtatampong boses ang tumawag kay Mrs Valdez siyempre sino pa di yung takaw gulo niyang anak ! psh !

"ahy baby nanjan ka pala?? Sorry hindi kita napansin - ." bigla siyang napatigil sa pagsasalita siguro napansin nito ang pasa sa gilid ng labi niya.

My Vampire GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon