Pagdating ko ng CR ay naglock agad ako ng pinto at nagteleport papunta sa lugar kung nasaan si Mom and Dad.
" psh !! Mom and Dad talaga!!" napailing-iling naman ako ng makita ko silang kumakain sa isang restaurant bakas sa mukha nila ang saya habang nag-uusap pa. Napatingin naman ako sa paligid ko doon ko napansing nasa malapit pala ako sa restroom.
"mabuti nalang walang tao ngaton dito kung hindi ay baka naghestirikal na yun sa takot dahil sa biglaang pagsulpot ko." mahinang bulong ko sa sarili ko ng bigla akong matigilan dahil sa sinabi ng lalaking dumaan sa harap ko habang may kausap sa cellphone niya.
" ang dalawang matandang Gonzaga ay kumakain ngayon boss sa isang mamahaling restaurant talagang sobrang yaman nila at halatang wala pa silang alam tungkol sa mga death threats na pinadala niyo kay miss Tuazon." natatawang sabi nito nakaramdam ako ng sobrang kaba dahil tumambay din siya kung nasaan ako banda. Nakinig lang ako ng pinag-usapan nila bago ito tumuloy sa restroom.
"Malas !!!2 hours pa bago dumating ang jet na sinakyan ko !!! magtataka sila Mom and Dad kapag nakita nila ako at kung bakit ako nandito lalo na't hindi naman nila sinasabi kung nasaan sila! bwisit! bwisit! bwisit !! anong gagawin ko?" nagngingitngit kong bulong sa sarili ko bago nagdesisyong sundan ang lalaking nagmamasid kanina kay Mom aty Dad.
Pagdating ko ng Men's restroom ay chineck ko muna kung may tao ang swerte ko talaga dahil saktong nasa loob ng cubicle ang lalaking yon wala ring kahit sinong tao sa sink, agad kong nilock ang pintuan at hinitay siyang lumabas sa cubicle.
"ang arte naman umihi nito kailangan talaga nagtatago siya??" mahinang bulong ko. Hindi naman nagtagal ay lumabas na siya kaya agad ko siyang kinorner at ginamitan ng hipnotism. Hawak-hawak ko ang kwelyo niya habang nanlilisik ang aking mga matang nakatingin sakanya.
"sino ang amo mo?" walang emosyon kong tanong
"si Rodrigo Alvarez." wala sa sariling sagot niya
"ano ang balak niyo sa mga Gonzaga?" nanggigigil kong tanong
"tinaniman ko ng bomba ang kanilang sasakyan makalipas ng isang minuto bago paandarin ang sasakyan ay kusa itong sasabog." sagot niya at dun ako lalong nakaramdam ng galit sa kung sino man ang nag-utos nito sa kanya pati na rin sakanya gusto ko siyang patayin sa galit na nararamdaman ko ngunit hindi pwede kailangan ko pa siya para sa plano ko.
"lahat ng napag-usapan natin ay makakalimutan mo kumilos ka na parang walang nagyari." utos ko sakanya bago siya binitawan at tumango lang ito saakin bago naglakad palayo sa pwesto ko. Mukhang wala na akong choice kung hindi ang magpakita sa grandparents ko. Naglakad ako palabas ng restroom at demeretso sa table nila ng makalapit ako sakanila ay biglang nanlaki ang mga mata nila.
O________O - silang dalawa
"w-what are you doing here??" gulat paring tanong ni mom.
"h-how did you know were here?" gulat ding tanong ni dad
"I will explain all later I just want you to act natural as if you dont know me, finish your food i'll wait you inside your car ako na po ang bahala. Saan po ito nakapark?" malumanay kong tanong
" yung kulay white na nasa rideside kita mo dito ." sagot ni Dad at pasimple niya itong itinuro
Tumango lang ako sakanila at naglakad na palayo sakanila, pumunta ako sa di kalayuan eskinita at nagteleport papunta sa loob ng sasakyan nila.
"mabuti nalang at tinted hindi kitang may tao sa loob nito." bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang lalaking kinausap ko kanina sa CR. Hindi naman nagtagal ay napansin kong tapos na sila mom at dad at palapit na sila saakin.
BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
VampireIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...