Chapter 97

292 8 1
                                    

“tss akala ko naman makakalusot !hmpft!” bulong niya na dinig na dinig ko naman ngunit nagpanggap parin akong walang naririnig.

“may binubulong kaba ?!!” kunwaring asik ko sakanya

“wala tara na may lakad pa tayo baka mahuli tayo sa pupuntahan natin, magalit p si Nanay kapag naghintay siya ng matagal.” Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya did he just call my Nanay, Nanay instead of Tita???

Awkward siyang ngumiti at nagpeace sign bago nagpatiunang naglakad papunta sa sasakyan at sumakay sa passenger seat ng hindi manlang ako nililingon.
Napailing-iling nalamang ako sa kanyang inakto ..

“tsk tsk !! ang lakas ng tama nito. Dapat itapon na to sa mental baka mahawa ako !” tanging nasabi ko sa sarili ko bago sumakay sa sasakyan at nagdrive papunta kay Nanay.


Pagdating namin sa opisina ni Nanay ay agad akong umupo sa visitors chair samantalang si Laurent ay sa mini sala na nasa mejo ay kalayuan samin.

“Nay ano nga pala ang sasabihin mo sakin??” tanong ko

“bukod sa may kailangan kang pirmahan ay sasabihin ko lang naman sayong goodluck sa laro mo mamaya hindi kasi ako makakapanood dahil may meeting kami about sa isang ipapatayong business sa may Ilocos. Gusto ko sana siyang iutos sayo na puntahan mo after ng foundation niyo ang balita ko kasi ay may 3 araw kayong bakasyon bago ulit pumasok para sa exams.”

“yan lang po ba? Pwede niyo naman saakin sabihin sa tawag ah, tyaka yung pipirmahan ko diba sa bahay ko naman yan ginagawa??” nagtataka kong tanung kay Nanay


“May isa kasi jan na nakarinig kaninang tumawag ako kay Tin then siya ang nagsuggest niya papuntahin ka nalang ditto para daw makasama ka niya at masolo.” Nakatingin siya kay Laurent at dahil mejo nilakasan ni Nana yang pagsasalita niya alam kong narinig niya ito kaya kabado naman itong nakatingin sakin tinignan ko naman siya ng matalim, napakamot nalang siya sa kanyang ulo . tss !!! pasalamat siya cute siya. Bumaling ulit ako kay Nanay na nakangiti saakin

“tss !! akina na nga po Nay yung pipirmahan ko akala ko naman kung anu na.” nakasimangot kong sabi kahit na ang totoo ay gusto kong ngumiti dahil gumagawa siya ng paraan para masolo ako

“ang bilis talagang magbago ng mood mo.” Natatawang sabi ni Nanay saakin habang tatawa-tawa

Hindi nalang ako umimik at baka kantyawan nanaman niya ako marinig pa ng mokong na kasama namin lumaki nanaman ang ulo baka mailipad pa ako sa lakas ng hangin bigla. Agad kong pinirmahan ang sinabi ni Nanay na mga papeles. Hindi ko naman na to kailangang basahin dahil hindi naman to papipirmahan saakin ni Nanay kung alam niyang hindi to makakabuti sa kumpanya.

“Nay tapos na po may iuutos kapa po ba?” tanong ko bago tumayo at nakipagtitigan sakanya

“wala na yun lang naman.” Nakangiting sagot ni Nanay bago pasimpleng tumingin kay Laurent

“pwede na po ba kaming umalis?” tanong ko ulit at hindi pinansin ang ginawa niya

“kayo ang bahala pwede din naman kayong dumaan sa mall muna para makapasyal kahit saglit para naman masolo ka niya.” Nakangising sabi ni Nanay

tSS !! ang creepy na ni Nanay wag niyang sabihin na hindi man lang siya nag-aalala saakin kapag si Laurent nga ang nakatuluyan ko ??

.
“tss !! alis na po kami Nay kita nalang po tayo mamaya sa bahay.” Lumapit ako sakanya para humalik sa pisngi niya bago lumapit kay Laurent na nagbabasa ng magazine

My Vampire GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon