Chapter 55

808 24 1
                                    

Alauna na ng hapon ng magdesisyon kaming umuwi na, agad naman silang nag-ayos ng kanilang mga gamit pagkatapos ay nagpasalamat sila kela Aling Nelia at sa dalawang kasama nitong babae hindi na rin nila hinanap yung babaeng naghatid saamin ng wine nung nag-inuman kami.Pagkatapos nilang magpaalam ay nauna na silang pumunta sa yate dahil magpipicture pa daw sila duon. pSh !!! mga baliw talaga.

(A/N: makabaliw to !!! memories lang naman o kaya remembrance !!!)

che !! wag ka ipopost lang yan sa social media para ipagyabang !!!

(A/N: so mayabang sila dahil nagpopost sila ng picture ganon??)

shutup !!!

(A/N : bLeeehhh !!! wala kang masabi no !!! trip by trip kasi !!!)

whatever !!!

Nagpahuli ako dahil gusto mong kausapin sila Aling Nelia ngunit bago ako nagsalita sinigurado mo munang nakalayo na ang mga kaibigan ko. Sumabay narin sakanilasi Mang Pedring upang maihanda na niya ang yate sa pag-alis namin.

"aalis na po kami, salamat po sa pag-aasikaso saamin."  ngumiti naman ako sakanila ng tipid kahit hindi nila ito nakikita dahil sa nakayuko sila.

"trabaho namin iyon mahal na prinsesa, sana ay ingatan mo ang iyong sarili, maghahanap kami ng gabay para sayo, sana ay lagi kang handa sa anu mang panganib na darating sayo." sagot naman ni Aling Nelia ng hindi parin tumitingin saakin.

"mag-iingat din po kayo dito, tumawag lang po kayo kung may problema." dagdag ko pa.

"masusunod mahal na prinsesa, sana po ay maging magkasundo kayo ni Maxpain upang kayo ay magkaintindihan." paalala pa niya. psh !!! ngayon alam ko na kung bakit Maxpain Gail ang pangalan ko.

Ang Maxpain ay sa isang katauhan ko at ang Gail ay saakin, halatang napag-isipan ng Nanay at Tatay ko ang pangalan namin. Kaya pala para akong nakulong kagabi ay pinuwersa niya pala ako para lang makalabas siya. pSh !!! ang galing niya !!! gusto ko siyang palakpakan !!!

pero tulad nga ng sinabi ni Aling Nelia kailangan naming magkasundo para hindi kami mag-agawan sa katawan ko dahil kapag nangyari yon ay  kayang-kaya niya akong ikulong sa isip ko.

"pipilitin ko po paalam na po." tanging naisagot ko bago ako tumalikod sakanila at naglakad na papunta sa yate.

Umakyat naman agad ako sa yate at sumunod naman agad saakin si mAng Pedring pagkatapos niyang tanggalin ang tali sa may kahoy na nakakonekta sa yate siguro para hindi maianod.

Nadatnan ko naman ang mga kaibigan ko sa deck na nagsasalit-salitan sa pagkuha ng litrato gusto ko tuloy matawa dahil pati si Laurent ay nakikipicture din.

Mejo malayo na kami ngunitkita ko parin sila Aling Nelia na kinakawayan kami kaya gumanti din ako ng kaway as a sign of goodbye. Iniwan ko sa deck ang mga kaibigan ko at pumunta ako sa parte ng yate kung nasaan si Mang Pedring upang makausap siya may gusto masi akong malaman tungkol sa aking ama. Pagdating ko duon ay agad ko siyang tinawag.

"Mang Pedring." tawag ko sakanya.

tinanguan lang niya ako bilang pagbati, tumabi naman agad ako sakanya at sumandal sa gilid bago nagsalita.

"gusto ko po sanang kwentuhan mo ako tungkol sa aking ama kung hindi po nakakaabala sayo." panimula ko.

"oo naman mahal na prinsesa isa itong karangalan para saakin." nakangiting sagot ni Mang Pedring ngunit wala saakin ang kanyang paningin.

"Ang iyong ama ang aming Hari sa aming lugar, meron siyang kapatid na babae na ang pangalan ay Lucille ang ina ni Lucille ay isa ring tao tulad ng sa ama mo, ang mga bampirang babae kasi ay hindi basta-basta nabubuntis kaya kailangan kumuha ang mga lalaking bampira ng mga babaeng mortal upang ito ay kanilang buntisin para lang magkaanak. Kahit isa kang dugong bughaw ay hindi ka parin mabubuntis maliban nalang kung ito ay kagustuhan ng Dyosa ng Buwan." umpisa ni Mang Pedring .

My Vampire GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon