Chapter 62

676 26 3
                                    

LAURENT WON POV

Goodmorning.

Latang-lata akong bumangon dahil sa hindi ko malamang dahilan, napabuntong-hininga ako bago tumayo at pumunta ng banyo upang maligo. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay agad akong bumaba ng hagdan at dumeretso sa kusina.

kalat na ang pagpanaw ng mga Gonzaga dahil halos ito ang laman ng balita, marami ang gustong makiramay ngunit hindi nila ito mapagbigyan dahil ginawang pribado ang lamay at pinacremate daw agad ang kanilang mga labi. Wala ng komontra dahil sa wala na rin namang kamag-anak pa ang nagpumilit pa.

Hanggan ngayon ay nalulungkot parin ako sa sinapit ni Mr. and Mrs. Gonzaga hindi makatarungan ang kanilang ikinamatay masyadong brutal nakaramdam ako ng awa para sa apo nila kahit hindi ko pa man ito kilala.

Pagdating ko sa kusina ay nadatnan ko si Chairman at ang parents ko na busy na nag-uusap. Binati ko muna sila bago umupo sa tabi ni Mommy, tinanguan lang ako ni Chairman at Dat samantalang inasikaso naman ako ni Mommy.

"goodmorning baby, how was your sleep??? here kumain kana." halata sa boses ni Mommy ang lungkot at kakulangan ng sigla siguro ay dahil sa nangyari sa mga Gonzaga close kasi sila sa parents ko dahil business partner sila ni Chairman.

"thanks mom." sagot ko bago inumpisahang kainin ang nilagay niya sa plato ko.

"Miss Tuazon called me earlier she wanted to talked to all the stockholders of their company and according to her some goons asked her to signed some papers." dinig kong kwento ni Chairman tahimik naman kaming nakikinig sa sinasabi niya well inaamin kong takot ako sakanya dahil sa istrikto siya pero mas lamang ang kabaitan niya.

"meaning Chairman kinidnap nila si Miss Tuazon?" gulat na tanong ni Dad

"Hindi, pinuntahan mismo sa residence ng mga Gonzaga kahapon dahil doon din siya nakatira, iniwasan ang pagkalat ng balita tungkol doon upang maiwasan ang ibang issue." patuloy pa ni Chairman

O___________O ako .
Ang lakas naman ng loob nilang pasukin ang village na yun eh sa sobrang istrikto, lalo na kung wala kang kakilala dun at kahit sabihin mong meron ay kailangang may consent parin ng mga taong pupuntahan mo doon.

"ano naman daw ang mga papeles na yun Dad?" tanong ni Daddy kay Chairman kaya napatingin ako sakanya, bakas sa lungkot ang mukha niya bago ito sumagot

"that all the properties and bank account of the Gonzaga's will be transferred to their boss." nanlulumong sabi ni Chairman.

Nagulat nanaman ako sa nalaman ko. Ba-bakit si Miss Tuazon ??? Sino ba yun ??? Akala ko ay may apo ang mga Gonzaga ??? bakit sa kanya ito ipinapirma imbes na sa apo??? Anong karapatan ni Miss Tuazon sa kayamanan ng mga Gonzaga???
Napuno an pagtatanong ang isip ko ngunit ayokong sumabat sa usapan nila dahil baka mapagalitan lang ako.

"is that valid Chairman?? Mr. and Mrs. Gonzaga have a grandchild why Miss Tuazon.?" biglang tanongni Dad kaya agad akong napatingin kay Chairman at nag-abang ng isasagot niya dahil pati ako ay gustong malaman kung bakit si Miss Tuazon.

"yan ang alas ng mga Gonzaga Lorenz dahil sa hindi naman pinakilala sa publiko ang apo nila kaya walag masyadong nakakaalam ang tungkol sa apo nila, at kaya agad ding pumayag si Miss Tuazon dahil alam niyang walang silbi ang pirma niya sa gustong mangyari sa nanloob sakanila." nakangiting sagot ni Chairman kaya agad naman akong nakaramdam ng relief.

Ilang sandali pa ang kwentuhan nila ngunit nagpaalam na ako na papasok na ako sa iskwelahan.

"baby mag-iingat ka ha?? wag mong pabayaan ang sarili mo, text me time to time okey?" bilin saakin ni Mommy ng pasakay na ako ng kotse ko.

My Vampire GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon