Maxpain Gail POV
Dumaan siya sa harapan namin ng hindi man lang kami nililingon, may nararamdaman akong kakaiba sakanya ngunit hindi ko iyong masabi. Napabaling ulit ako sa mga kasamahan ko ng makalayo ang babae sa pwesto ngamin ngunit laking gulat ko ng lahat sila ay nakatingin sa dinaanan ng babaeng yun, nakaramdam ako ng inis , napatikhin ako ng wala sa oras at talagang nilakasan ko para maagaw ang pansin nila.
"Eheeem !!" para silang nagising sa ginawa ko kaya sabay-sabay silang nag-iwas ng tingin samantalang pinagpawisan naman agad si Laurent na parang hindi mapakali. Huh!! Wag niyang sabihing pati siya ay nagkagusto sa babaeng yun ?? well hindi na ako magtataka kakaiba ang ganda ng babaeng yun.
Napasipol si Justine sa hindi ko malamang kadahilanan, iniiwasan ko na ring basahin ang kanilang iniisip upang mabigyan sila ng privacy. Ayokong malaman kung anuman ang mga gusto nilang gawin o kung anu man ang iniisip nila.
"nasan naba ang mga yon?" biglang tanong naman ni Jared.
Walang sumagot sakanya kahit si Tin ay tulala. Ilang sandali pa ay dumating na ang apat. Inabot saamin ang mga binili nila.
"pinapapunta na tayo ni coach sa court para makapagwarm up na daw ang maglalaro." Salubong naman ni Kian,
"Gail manood ka ha?" siniko pa ako ni Laurent ngunit sa pinakamaingat na paraan
"okey." Tanging sagot ko, napalabi naman siya. Psh ! isip bata ! akala niya nakalimutan ko na kung paano siya tumingin sa babae kanina !!
"tara na dun nalang din kami kakain." Singit ni Tin bago ito tumayo at naglakad papuntang court naiwan naman kaming nagtataka sa ginawa niya.
Napilitan nalang kaming sumunod sakanya. Kakausapin ko nalang siguro siya mamaya. Dumeretso kami sa bleachers kung saan kita naming ang mga maglalaro ang mga lalake naman ay dumeretso na sa locker room para magpalit ng jersey nila, nasabi ko na bang pare-pareho kami ng jersey ??? hahaha well hindi pa pero sigurado ako na nabanggit na iyon sa ibang chapters .. xD
Nakatingin lang ako sa harapan ko samantalang si Jane at Annica ay nakikipagkwentuhan lang kay Michael hindi kasi siya basketball player kaya kasama namin siya ngayon. Ilang sandali pa ay lumabas na ang mga players na galing sa locker room ng biglang mag-ingay ang mga nasa court . napatingin naman ako kung nasan sila Laurent as usual sila nanaman ang tinitilian bakit nga ba hindi pa ako nasanay ???
"WaHHHHH !!! ang gwagwAPO !!!! "
"Luke pansinin mo naman ako !!!"
"Christian bagay na bagay sayo ang jersey mo paarbor."
"kYaAaaAHHh !!! Kian bagay rin sayo yung jersey mo lalo kang gwumapo!!!"
"Gwapo nga babaero naman!!" napalingon ako sa nagsalita nakasimangot ito na masama ang tingin kay Kian. napailing-iling nalang ako dahil sa sinabi niya ..
"Laurent !!!! Iloveyou na !!! KyahHhH galingan mo mamaya !!! "
"Goo prince Jared !!!"
"Justine your so cute !!!"
Lahat sila ay may kanya-kanyang fans samantalang ang mga kalaban nila ay tahimik lang na nagmamasid siguro ay nabibingi rin sila sa ingay ng mga babae sa paligid nila, ni wala man lang akong narinig na nagcheer sakanila. Psh !!!
Nagwawarm up na ang mga players pero patuloy parin ang ingay sa paligid gusto ko na ngang bumilib dahil hindi pa sila napapaos samantalang kanina pa sila sumisigw . tsk tsk tsk ..
Hindi pa nag-uumpisa ang laro maingay na sila paano na pala mamaya pag nag-umpisa na ??? baka gumuho na ang court kapag lahat sila ay sumigaw na .. ibang klase !
"Gail napansin mo ba yung babaeng dumaan sa harap natin kanina ?" napatingin ako sa tabi ko ng biglang magsalita si Tin sa tabi ko.
Tumango ako bilang sagot sakanya. Habang may nagtatakang tingin
"hindi maganda ang pakiramdam ko sakanya, bakit hindi mo subukang basahin ang isip niya minsan upang kumpirmahin kung tama ang hinala ko." Pilit pa nito
"hindi ko mabasa ang iniisip niya na siyang ipinagtataka ko kanina pa." nanlulumung sabi ko, hindi rin maganda ang pakiramdam ko sakanya tulad ng nararamdaman ni Tin. Hindi na siya sumagot at tumingin nalang sa harapan dahil mag-uumpisa na daw ang laro.
Ilang sandali pa ay nag-umpisa na ang bangayan este laro gusto kung humanga sa paraan ng paglalaro ng grupo nila Laurent meron sila ng tinatawag na UNITY kaya mabilis silang nakakaiskor hindi sila yung tipong madamot magpasa kung sino ang libre ay sila ang pinapasahan. Hindi nagtagal ay may napansin akong titig na titig kay Laurent habang naglalaro. Hindi ko maiwasang titigan siya dahil alam kong may kakaiba sakanya alam kong maganda siya at kakaiba ang ganda niya, pti ang kutis niya sobrang pputi niya tulad nila Mang Pedring na diyang napansin ko sa unang kita ko palang sakanya.
EnNnGGGggGkKKKK !!!!!!!!!!!!
Nagising ako dahil sa tunog ng buzzer. Agad kong iniwas ang tingin ko sakanya ngunit bago ko pa naibaling ang aking paningin ay napansin kong ngumiti siya at kumaway pagtingin ko sa taong kinawayan niya na nasa baba ay hindi na ako nagulat ng makita ko si Laurent na titig na titig din sakanya. Nakaramdam ako ng selos ngunit binalewala ko nalang hindi din naman siya dito nag-aaral kaya alam kong ngayon lang siya makakapaglandi kay Laurent at tiwala ako sakanya na hindi siya magloloko habang nanliligaw siya saakin.
Ilang minuto pa tumunog ulit ang buzzer para sa second quarter hindi manlang ako tinignan ni Laurent simula pa kanina. Psh !!!
"Gail !!!"
"Gail !!!"
Agad akong napalingon sa tumatawag sakin, hindi ko siya kilala ngunit alam kong isa siya sa kasamahan ko sa archery.
"pinapatawag kana sa field para daw makapagpractice ka muna bago ang laban." Tinanguan ko siya bilang sagot at ngumiti ng tipid. Sumenyas na siyang mauuna ng lumabas na tinanguan ko ulit. Lumingon ako kay Tin na busy sa panood at kinalabit siya.
"bakit ?" nagtatakang tanong nito
"kailangan ko munang umalis balitaan mo nalang ako kung anong mangyayari alam ko naman na mananalo sila." Kinindatan ko pa siya bago tumayo
"san ka punta baka hanapin ka ni Laurent." Napatingin naman ako sa tinutukoy niya na parang balisa na sa paglalaro sa hindi ko malamang kadahilanan.
nagkibit balikat lang ako bago naglakad palayo sakanya, hindi ko na rin pa inalam kung anong reaksyon niya sa ginawa ko. Dumeretso na ako sa field upang tignan kung nandun na ang pana na ginagamit ko pinagawa ko pa yun kay nanay at talagang kakaiba siya sa lahat bukod sa may halo itong gold at silver color may pula din siya na sumisimbolo sa Phoenix.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa field ng may lumapit saakin at inabot ang bow ko tinanguan ko siya bilang pasasalamat hindi kasi samin ito pinapadala at pinapaiwan lang sa training ground namin secured naman ito kaya hindi ako natatakot mawala ito dahil alam kong ako lang ang meron nito.
"10 to 40 meters ang labanan ngayon so magpractice muna kayo." Goodluck babalikan ko lang ang basketball team kayo na muna ang bahala ditto may nakaassign naman na scorer niyo. Bilin ng coach naming bago siya nagpaalam paalis.
Apat kaming maglalaro ngayon dalawang babae at dalawang lalake pare-pareho kaming first year. Nakahilera kaming apat habang inaasinta ang target namin. Nirelax ko muna ang sarili ko bago ko inasinta ang target ko sinilip ko sa sight kung aasinta ba sa target ko ng arrow ko. Hinila ko na ang string kasama ang dulo ng pana ko at sinilip ulit ito sa sight kung tama naba bago ko ito binitawan.
"Center !!!" sigaw ng katabi ko bago ito pumalakpak ng malakas.
"Congrats mukhang mananalo tayo mamaya." Nakangiting sabi naman ng katabi ko, nginitian ko lang siya ng tipid bago kumuha ng bagong arrow para sa 15 meters.
----yyyyyyyyyyyy--------
Thank you for waiting ;))
BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
VampirIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...
