Laurent Won POV
"Ga-Gail !!! Gail gumising ka please !!!"
nag-aalalang tinapik-tapik ni Annica ang pisngi ni Gail pagkatapos nitong matumba buti nalang nasalo ko siya bago tuluyang bumagsak sa buhanginan."Laurent ano bang nangyari???" nag-aalalang tanong rin ni Jared, hindi naman ako nakasagot dahil pati ako ay naguguluhan pa sa nangyari lalong lalo na sa inasta ni Gail kanina.
Unang-una bakit para siyang sinaniban ng malanding babae !!! pangalawa bakit niya ako tinawag na beloved ??? pangatlo kakaiba ang lakas niya kanina habang pinipigilan ko siyang yakapin ako !!!
nasaniban nga ba siya ???
bigla namang nagtayuan ang balahibo ko sa naisip ko
"Mang Pedring !!! Mang Pedring !!!" malakas na sigaw ni Tin
"anong nangyari sa Prinsesa ???anong ginawa niyo sakanya??" dumagundong ang malakas na sigaw ni Mang Pedring
Nakaramdam kami ng takot dahil sa pagsigaw niya parang may mali.
"pri-prinsesa?" nauutal kong tanong, ngunit hindi ako pinansin ni Mang Pedring naglalad siya palapit saakin at binuhat si Gail.
"bi-bigla nalang siyang hinimatay Ma-Mang Pedring, please po tulungan niyo si Gail." kinakabahang sabi ni Tin.
"Magpahinga na kayo !! kami na ang bahala sakanya." tanging nasabi ni Mang Pedring bago naglakad palayo saamin, nagtaka rin ako dahil mukhang hindi man lang siya nabigatan kay Gail.
"parang may kakaiba sa kinikilos ni Mang Pedring, pansin niyo???" may pagdududa sa bosea ni Tin habang nagsasalita siguro napansin din niya na may kakaiba sa inaasta ni Mang Pedring.
"oo nga nakakatakot siyang tumingin kanina." sang-ayon naman ni Jared.
"siguro nag-aalala lang din sila sa nangyari kay Gail." paliwanag naman ni Michael, siguro nga ay tama siya maaaring nag-aalala lang sila kay Gail.
"anu ba kasing nangyari Laurent ikaw ang kasama niya kanina diba?" may iritasyon sa boses ni Kian habang tinatanong niya ako napatingin naman ang mga kasama namin saakin.
"oo nga sabihin mo naman saamin, wag mo sanang isipin na pinagbibintangan ka namin." sabi naman ni Justine.
"hi-hindi ko talaga alam ang bilis ng pangyayari, pati ako ay naguguluhan din." naguguluhang sabi ko, pati ako ay hindi ko rin maintindihan kung sinapian nga ba talaga siya, alam kong magdududa din sila or baka isipin din nilang nagsisinungaling ako. AHhHhh !!!!
"tara na !! malamig na ang hangin sa kwarto nalang ulit tayo magkwentuhan." sabi naman ni Luke bago naglakad pabalik ng bahay.
"oo nga matulog tayo sa iisang kwarto, girls kayo nalang sa kama kami na sa sahig." sabi naman ni Kian siguro gusto niyang matulog kami sa iisang kwarto para pagkwentuhin ako at para malaman nila ang nangyari kay Gail, napabuntung hininga naman ako.
"si-sige , maliligo lang muna kami." sabi naman ni Tin
"sige." sagot ni Kian bago kami naglakad pasunod kay Luke.
Habang naglalakad ako pumasok nanaman sa isip ko ang nangyari kanina, psh !!! nakakatrauma !!! paano kung nasaniban nga si Gail ng multo ???
ano ang gagawin ko ????
Nakarating na kami sa living room ng magsalita si Christine
"maliligo muna kami , dun nalang tayo sa kwarto namin matulog." narinig kong sabi ni Tin ngunit hindi ko ito pinansin dahil sa iniisip ko.
BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
VampireIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...