Hindi ako mapakali ng biglang sumugod ang malaking lalake kay Gail pinilit kong tumayo dahil sa kagustuhan kong tulungan siya ngunit nagulat ako ng makailag siya sa pagsugod ng lalaking yun at sa hindi ko malamang kadahilanan sumubsob siya sa kalsada. Paanong nakaiwas si Gail ng ganun kadali?
Im still hoping for help hindi pa lumalabas sila Justine kaya alam kong pag nakita nila kami ay tatawag agad sila ng tulong kela coach.
si Gail naman ang sumugod sa apat pa na nakatayo kasama ang lalaking nabangga ko. Sinuntok niya ang isa at tumalon ito pasipa naman sa mukha ng isa pa. Nahawakan ng isa ang kamay ni Gail kaya dali-dali namang hinawakan ng isa pang lalaki ang isang kamay nito na agad na nakabangon sa pagkakasuntok. Nakaramdam ako ng kaba ngunit blangko parin ang mukha ni Gail. Pumunta ang dalawa sa harapan niya at ngumisi.
"alam mo maganda ka pero ang sakit mong manapak. hahahaha" natatawang sabi ng sinipa ni Gail at dumura pa.
"masyado ka naman yatang nagpapakahero nakalimutan mo yatang babae kaparin at mas malakas kami sayo." nakangising sabi naman ng lalaking matangkad anim kasi silang lahat kasama na ang lalaking nabangga ko sa mall.
naalarma ako sa sitwasyon ni Gail napatingin naman ako kay Tin na pinapanood lang ang nangyayari, napatumba na pala niya ang dalawa ng hindi ko man lang namamalayan. Kakaiba talaga sila ngunit anong ginagawa niya ??? bakit niya pinapanuod si Gail eh dehado na ito sa lagay niya? Hindi niya ba ito tutulungan ??
pinilit kong lumapit sa pwesto nila, kung hindi siya tutulungan ni Tin ako ang gagawa ngunit papaano???
Bahala na !!! gusto kong tulungan siya !!!
"bitawan niyo siya !!!! " malakas kong sigaw at lumapit sakanila ngunit inindayan agad ako ng suntok ng isa buti nalang at nakaiwas ako.
"wag kang magmatapang bata baka sa sementeryo ka pulutin." nakangising sabi ng lalaking katabi lang ng leader nila ewan ko ba kung leader nga nila yung lalaking nabangga ko o tauhan nila.
"tsk !! sinabi ng wag dadapuan ng maruming kamay ang mukha niyan eh!!!" umiiling-iling na sabi ni Gail ngunit may diin sa mga salitang binibitawan niya. Nakaramdam ako ng kilig sa sinabi niya ngunit sa sitwasyon namin nangingibabaw ang takot. Ano ba naman kasi Tin !!! tulungan mo si Gail !! Mahina ako sa ganito !!!
Nagulat nalang ako ng sinipa ni Gail ang nasa kanang gilid niya na nakahawak sa kamay niya at agad itong hinila at itinulak sa lalaking nasa kaliwa niya ! Gusto kong magtanong kung paano niya nagawa yun ng hindi man lang nahirapan ngunit wala ako sa tamang sitwasyon. Agad namang natumba ang dalawa siguro sa lakas ng impact nila sa isat-isa.
"Gooooo Gailll !!!!" malakas na sigaw
ni Tin.Nilingon ko naman ito at nakangisi lang na akala mo nanonood ng action movie at si Gail ang bida. Nasa tabi niya si Luke na halatang may iniindang sakit ngunit nanonood din.
Ibinaling ko agad ang tingin ko kay Gail at nagulat ako ng naupo siya sa balikat ng lalaki na doble yata ang laki sakanya hindi ko alam kung paano niya nagawa yun dahil ang bilis naman yata tumingin lang ako kay Tin at ganon agad ang pwesto niya samantalang magkaharap lang sila kanina ngunit natumba ang lalake pahiga kaya tumama ang likod ni Gail sa semento ngunit hindi ko ito nakitaan ng sakit agad tumayo ang lalaki at hinawakan ang damit ni Gail nakaramdam ulit ako ng kaba sa sitwasyon niya.
Nakita ko nalang na dumaan sa harap ko si Tin na tumatakbo may kalayuan kasi ang pwesto niya samin at tumalon siya na nakapusisyon ang paa niya pasipa, hindi nga ako nagkamali dahil sinipa niya ang lalake sa likod nabitawan naman agad niya si Gail kaya nakawala ito sa hawak niya. Naibaling ko ang tingin ko sa damit ni Gail na kalaylay na, siguro sa paghawak ng lalaki kanina ay nasira ito kita na ang balikat niya at sa gilid ng dibdib niya. Nakaramdam ako ng hiya sa nakita ko !!! pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
VampirosIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...