Laurent Won POV
“Goodmorning !!!” malakas kong sigaw sa sarili ko bago bumangon sa higaan at pumunta sa banyo para maligo. Agad ko namang isinuot ang uniporme ko bago dumeretso sa dining table nadatnan ko doon ang parents ko na busy sa pag-uusap umupo nalang ako at hindi a muna inabala ang pag-uusap nila
“kaya nga bigla nalang daw nilang isinuko ang sarili nila kaninang medaling araw, umamin na rin sila na sila ang may pakana sa kaguluhan nung party at ang muntikan ng pagkapahamak sa anak natin,” dinig kong sabi ni Daddy kaya napatigil ako sa pagsubo ng pagkain ko at napatingin sakanya
“mabuti narin yan para makulong sila.” Segunda naman ni Mommy
“Mom ?? Dad ?? what do you mean ??” nagtatakang tanong ko
“ahy !! anak naman bakit ka nanggugulat ???” sita sakin ni mommy
“lahh !! kanina pa kaya ako dito” nakalabing sabi ko
“nasa pahayagan kasi ang isa sa mga nakikipag associate kay Chairman sa negosyo na tinanggihan niya kasi may mga nangyayaring anumalya sa company nila tapos kaninang medaling araw ummamin mismo ang may-ari na sila ang may pakana sa muntikan nang pagpatay sayo.” Paliwanag ni Mommy
“mabuti nga yon ng mahuli sila atleast hindi na ako matatakot at mag-aalangan na pumasok sa school may laro pa naman kami ngayon.” Sabay subo sa pagkaing hawak ko
“nandon na tayo pero ang nakakapagtaka lang, kung ako ang gagawa ng krimen siyempre hindi ako aamin para hindi ako makulong at ang worst bugbog sarado siya.” Sabi ulit ni Mommy
“hon baka naman may kaaway siyang iba tapos binugbog siya tapos pinaamin sa lahat ng ginawa niya.” Sabat naman ni Daddy
“itigil niyo na nga lang kumain nalang kayo at ng makapasok na tayo sa opisina.” Singit ni Chairman kaya tumahimik na ako ganun din ang parents ko at kumain nalang
Ilang sandali pa ay tapos na akong kumain, nagpaalam na akong papasok sa school.
“uy pare .” masayang salubong sakin ni Kian halos nagsabay lang kasi kaming pumasok sa gate at pumartada sa parking lot.
“oh kumusta ??” balik tanong ko sakanya
“okey lang ako parang walang nangyari kahapon ah??” kantyaw niya at nakangiti siya !!! nagtataka akong napatingin sakanya hindi ba niya alam na muntik na akong mamatay kahapon ???
“anong nangyari??” balik tanong ko
“ses balita ko nagdate daw kayo ni Gail eh hinatid ka pa daw sa bahay niyo .. hahaha ang awkward nun pare ikaw ang hinahatid ng babae.. tsk tsk ..” habang umiiling na akala mo napakalaking kasalanan ang ihatid ako ng isang babae. So tama nga ako wala silang alam sa nangyari sakin kahapon pero ang sabi nila Mommy umamin daw ang may gawa nito sakin pero bakit clueless sila ?? hindi ba sila nanunuod ng balita ???
“ewan ko sayo!!” naglakad na ako ng mabilis palayo sakanya
“eto naman pikon biro lang yon pare !! hoy hintayin mo naman ako !!” hindi ko parin siya pinansin hanggang sa nakarating kami sa room namin. Dumeretso ako sa upuan ko at gaya ni Kian kantyaw lang din ang natanggap sa iba ko pang kaibigan. Hindi rin nagtagal ay pinatawag na kami dahil may laro daw kami ng basketball. Dumeretso agad kami sa locker at nagpalit ng damit nagtext din sila Mommy na manunuod daw sila dahil wala naman daw silang masyadong trabaho ni Daddy sa office. Natuwa naman ako sa sinabi sakin ni Mommy siyempre kailangan kong galingan dahil manunuod ang parents ko.

BINABASA MO ANG
My Vampire Girlfriend
WampiryIt is a story about a girl who is a half human and half vampire who have a mortal beloved that will fight for her in any ways and to fight for him im her own family. A love that forbidden to the vampire society in the end are they will be still ha...