Chapter 50

800 25 1
                                    

Laurent Won POV

Nandito kami sa buhanginan nakaupo kami ng pabilog habang nagkukwentuhan ng mga kalokohan namin at nag-iinuman, ibinahagi rin saamin nila Jane at Tin ang nangyari sa training nila, halos manakit ang tiyan ko kakatawa nung time na nahuli sila at itinali sa puno, nagsisisihan pa sila dahil sa nangyari, sabi ni Annica ay nahuli daw sila dahil sa kaingayan ni Tin, habang si Jane naman daw ay paranoid sa mga konting kaluskos kaya napapasigaw habang si Annica naman daw ay nananaway ngunit nakasigaw kaya sila nahuli ng mga co-cadets nila. Tawa kami ng tawa dahil nagbabangayan sila habang si Gail at Jared pati na rin si Michael ay tahimik lang na nakikinig sa kwento ng tatlo pare-pareho silang seryoso, psh !!!

Nag-eenjoy kami sa company ng isa't-isa hindi rin namin namamalayan ang oras mas napaparami ang kwentuhan namin kesa sa pag-inum namin ngunit di nagtagal nakaubos na kami ng tatlong bote at namumungay na ang mga mata ng iba, hindi pa man ubos ang alak ay nagpakuha nanaman ng tatlo si Gail. Psh !! lasengga !!!

"Maglaro tayo ng spin the bottle, nawawalan na tayo ng ikukwento eh, hahaha." tatawa-tawang suggestion ni Christian.

"oo nga !! tapos yung hindi sasagot iinum ng tatlong shot !!!" sang-ayon ni Kian psh !!! lasenggo .

"Game!!!" sang-ayon ng iba. Kahit gusto mong tumutol natatakot akong sabihan nila ako ng kj lalo nat may mga tama na sila.

"paano kapag nagdare tapos hindi gagawin ang dare ano ang parusa???" tanong ni Justine pagkatapos ay ngumisi.

"iinum ng sampung shot !!!" pumupungay ang mga matang sabi ni Jane, lasing na psh !!

"andami naman nun !!!" reklamo ni Christian.

"itali sa poste hanggang umaga!!!" sigaw ni Michael

"itapon sa pool !!!" sabi naman ni Jared.

"wahahaha grabe naman kayo !!!" tumatawang sabi ni Tin

"deal na !!! dami pa reklamo !!!" uLit ni Michael.

"Deal !!!" sigaw nila bago nagtawanan.

"ako na magpapaikot para buena mano, hehehe." ngumisi ni Christian na akala mo sinasaniban ng demonyo ang kanyang isip. Sabi na eh !!! may binabalak lang ang mokong na to !!!Pinaikot na ni Chriatian ang bote at tumapat ito kay Kian.

"truth or dare???" ngising-ngisi pa ring tanong ni Christian

"tss !!! truth !!!" paasik na sagot naman ni Kian.

"well sino ang nagugustuhan mong babae ngayon??" hindi pa rin maalis ang ngisi sa mga labi niya, nacurious naman ako sa isasagot ni Kian kaya sakanya ako tumingin.

"si Gail," seryosong sagot nito
"but i realized that i just Like her, i love someone else kaya wag kayong mga malicious minded!!" dugtong nito naiwan kaming nakatunganga, napasulyap naman ako kay Gail

-________-
yeah !!! ganyan ang reaction niya !!! hindi man lang kinilig !!! hindi rin nagulat kahit kunwari lang!!! wala talagang kwenta.

"ahahahaha !!!" late reaction na tawa ni Michael

"wahahahaha uLol !!!" tawa rin ni Christian

"next na next !!!" sabi ni Annica. psh !! excited.

"okey iLl spin the bottle !!!" nakangiting sabi ni Kian bago nito pinaikot ang bote.

"well well well !! ako naman ang magtatanong! truth or dare???" nakangising tanong ni Kian, ngising aso naman siyang nakatingin kay Tin

My Vampire GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon