Chapter Two

7.6K 152 19
                                    

Hindi pa din ako makaget-over sa nangyari kahapon. Sobrang sakit tuloy ngayon ng lalamunan ko. Bumangon ako sa kama at natulala sa kawalan.

Ang gwapo niya kahapon. Yung mga dance moves niya, yung katawan niya habang sumasayaw. He's so hot when he's dancing.

Sila lang naman ang nanalo roon. Sa aking pag-iisip ay biglang tumunog ang cellphone ko. Napalingon ako doon at inis ko itong dinampot.

Tumatawag si Audrey.

"Hoy po, anong oras na? Nandito ako sa baba ng bahay niyo bruha. Paimportante lang?"

"Ang aga-aga." Sambit ko at napairap.

"Pababa na ako." Dagdag ko at bumangon na.

"Dalian mo, bilis. May better news ako." Aniya sa kabilang linya at humalakhak.

Nasapo ko nalang ang noo ko at napailing sa kaniya. Kalaunan ay sinunod nalang ang nais niya.

"Good morning, Audrey darling." I teased her. Nilingon niya ako at inirapan.

"Ano ang better news mo?" Tumawa ako at naupo sa tabi niya. Kinuha ko ang strawberry jam sa harap niya.

"Aray!" Sigaw ko ng bigla niya akong binatukan.

Uulitin pa sana niya iyon ngunit itinutok ko sa kaniya ang spatula.

"1000 cactus slap." Mariin kong tingin sa kaniya at ngumiti lang ng plastik ang bruha.

Actually, matagal na kaming magbest-friend ni Audrey. Halos magkapatid na kami niyan. Minsan ako ang pumupunta sa bahay nila makikikain, makikitulog o ano pa. Ganoon din si Audrey.

Wait, I'm still so stuck on what happened yesterday. I can't wait to see him again.

"Hoy, ano pa tinutunganga mo diyan? Kumain ka na." Sambit ni kuya Justine ng mapansin siguro na hindi ko pa ginagalaw ang pagkain ko.

"Baka iniisip si Klein." Tumawa pa si Audrey at kinindatan ako. Mama laughed too but my brothers didn't and they just looked at me.

"Kumain ka na, Cyrene." Kuya Kenneth butts in.

Pagkatapos naming kumain ay nagpa-alam muna kami ni Audrey na pumuntang mall upang bumili ng kung anu-ano. It's nice to have a friend who have same taste like you. Sa mga gala at kalokohan, I consider her as my partner in crime.

"Bruha, ano nga yung sasabihin mong better news na dapat good news?" Nagtaas ako ng kilay sa kaniya.

"Better talaga 'yon kasi I'm Monique este unique. Being unique is a sign of being goddess." Sabi niya at nag chin up pa.

Kumunot ang noo ko at mahinang sinampal ang pisngi niya.

"Ulul mga bente." Akmang babatukan niya sana ako pero sinamaan ko siya kaagad nang tingin.

Unti-unti niyang binaba ang kamay niya.

"Ganiyan nga Audrey Monique Santos! Makuha ka sa tingin." Sabi ko at ngumisi.

"Ewan ko sa'yo!" Irap niya at nagsimula muling maglakad.

"Ano na yung good news mo? Kung saan saan napapadpad ang usapan."

"Oo teka, maupo muna tayo," Aniya at iginiya ako sa isang malawak na upuan.

"Ano? Tungkol ba kay Klein? Delta Force? Ano?" Sunod sunod kong tanong ng maupo kami.

Tumitig siya sa akin at biglang kinilig. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.

"Oo, bruha!" Aniya at tumili. Nanlaki ang mga mata ko.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon