Chapter Sixteen

5.6K 126 18
                                    

Cat fight

Halos hindi na ako makaget-over sa nangyari kanina. Yes, I admit it. Kinikilig ako nang sobra.

"Care to explain what happened yesterday? hmm."

Napatingin ako kay kuya Kenneth sa sinabi niya. Nakita niya ako kahapon na bumaba sa sasakyan ni Klein and he wants me to explain that.

"It's just nothing kuya. So...don't mind it." Ani ko at dumiretso na sa mesa.

"Cyrene..." may halong pagbabanta ang tinig ni kuya Kenneth kaya napalingon ako sa kaniya.

I smiled at him. "I swear."

Hindi na ulit siya nangulit kaya mabilis kong natapos ang pagkain ko. Nauna nang pumasok si kuya Just kaya di na namin siya nasabayan sa pagkain. Si mama naman ay maagang nagzumba.

"Sabay ka na sakin." Tumango ako sa sinabi ni kuya. Dumiretso kaming dalawa sa kotse niya kaya kaagad naman akong pumasok sa front seat.

"Teka nga kuya! Ba't amoy babae 'tong kotse mo." inis na sigaw ko kay kuya nang naamoy ko kaagad ang sasakyan niya.

Napakunot naman ang noo niya saka suminghap para amuyin ang loob ng sasakyan niya.

"Tch. Sabing 'wag magpabango dito yung babaeng 'yun, e." mahina niyang sabi. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ansabe mo kuya! Isusumbong kita kay mama."

"Wala akong babae tss." Nanlaki ulit ang mata ko sa sagot niya.

"Magsisinungaling ka pa kuya! Kakasabi mo lang kanina, e. Isusumbong talaga kita." Humalakhak siya sa sigaw ko.

Pulang pula na siguro ang mukha ko sa kasisigaw.

"Wala talaga bunso. You're so over protective huh?" natatawang sabi niya.

"Tsk. Kuya kase, e! Sino kasi yung babae. Sabi mo pag nagkagirlfriend ka ipapakilala mo siya sa akin."

Ginulo niya ang buhok ko.

"It's Wendy." What!

"WENDY? Gosh kuya! Kayo?" sigaw kong di makapaniwala.

Tumawa siya sa reaksyon ko.

"Uh-No. Ano ako cheap?" natatawang sabi niya.

CHEAP? SI WENDY? YUNG KAPATID NI FOURTH?

"Shocks ka kuya. Wag mong malandi landi si Wendy baka masaktan lang yun sayo. Ang bait kaya niya." asik ko at tinarayan siya.

"At cheap? Di cheap ang kagaya ni Wendy. Ang ganda kaya niya." dagdag ko pa.

Ngumisi siya sa akin. "So, gusto mo siya sa akin?" He said and winked at me.

"Gago ka kuya! Wag mong masaktan saktan yun, ang bait niya sakin."

"Tss. Tigilan mo nga yang pagmumura mo kababae mong tao, e." he said at pinaandar ang sasakyan.

"Atsaka pa. She's not my type okay?" Dagdag pa niya.

"Why she's in your car then?"

"Naawa ako sa kaniya okay. She looks stressed last night at wala siyang masakyan."

Ang bait naman pala nang kuya ko. I smiled at him after he told me that thing.

"Ang gentlemen naman pala nang kuya ko pero may pagkasuplado lang kasi." tumatawang sabi ko.

Tumingin siya sa akin at inirapan ako.

Nang marating namin ang school ay kaagad akong bumaba pagkatapat ko sa building namin. Sa sobrang arte nang kapatid ko ay nagkotse pa din siya hanggang sa building nang seniors kahit ang lapit lang naman 'non.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon