Chapter Fourty-Eight

5.8K 130 20
                                    

Baby

"Sasabay ka sa akin kumain. Like it or not." Pinal na aniya. I can sense the authoritive on his tone.

Kinagat ko ang aking labi at marahang sinulyapan siya.

"Where? B-Baka makita ka ng fans mo."

He licked his lower lip. Sumulyap siya sa akin bago ibinalik ang paningin sa daan. Nasa loob kami ng kaniyang sasakyan.

"Sa Condo ko."

Nanlaki ang mata ko at tumitig sa kaniya.

"S-Seryoso ka ba? Huwag nalang kaya." Kinakabahan kong sabi.

Kumunot ang noo niya at iniliko ang sasakyan.

"Yes. I'm serious, why?"

Lumakas ang kabog ng aking dibdib at nanahimik na lang. Tumingin ako sa cellphone ko at nakitang may text si Miss M doon.

I read her message.

Miss M:

Asan ka? Mag-usap tayo. Cyrene, I don't like your attitude a while ago.

Huminga ako ng malalim at magtitipa na sana ng mensahe ngunit tumunog muli ang aking cellphone.

Sumulyap ako kay Klein at nakitang nakatingin siya sa akin. Halos mabitawan ko na ang cellphone ko. Damn his eyes!

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

Miss M:

Please, I'm not mad. Gusto ko lang na makausap ka.

Ako to Miss M:

Sorry po. Yes, pupunta po ako diyan sa inyo mamaya.

"Put your phone down." Malamig na aniya.

"May ite-text lang ako."

"Put that down or I'll throw that out."

Umirap ako. "Bakit? May itetext nga ako."

Huminga siya ng malalim at mariing tumitig sa akin. Hinayaan ko iyon at mas lalo lang akong nainis.

"I want your full attention. Don't be so stubborn, Cyrene. Fuck, please."

Hindi ko siya sinagot hanggang sa marating namin ang condo niya.

"Bakit hindi si Mezia ang dinala mo? Siya naman ang girlfriend mo, a." Nagiging matabang ang tono ng aking boses. I hate it.

Nag-angat siya ng kilay at kinagat niya ang kaniyang labi. Umirap ako.

"Busy siya, e. Ayokong maistorbo." Unti-unting kumurba ang ngisi sa kaniyang labi.

Gusto ko siyang sigawan.

Kung hindi lang kita mahal!

"Talaga? Busy rin ako. Alis na ako, kumain ka mag-isa mo." I sarcastically said. Ngumisi ang loko habang pinagmamasdan ako.

"Iiwan mo ulit ako? I thought you love me." Malambing na aniya.

Ilang ulit akong napalunok. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tumingin ako sa labas. Mahal kita pero hanggang kailan ako aasa?

"Oo kahit nga may g-girlfriend ka na, minamahal pa rin kita." Nanginginig kong sambit at ibinalik ang paningin sa kaniya.

Natahimik siya at pinagmasadan akong mabuti. Bumilis ang aking paghinga at mapait siyang nginitian. Parang may humahaplos sa aking puso habang nakatingin ako sa kaniya.

"Let's go."

Lumabas siya sa kaniyang sasakyan. Napatango ako sa kawalan at tumulo na ang luhang nagbabadya pa kanina.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon