Birthday
"Cy, nakausap ko na si Kail, naayos niya na daw yung banner."
Tumango ako at hinarap si Audrey. "Salamat beh, mamaya, papunta na rin sila Via at co-members ko dito. Ifa-finalize natin lahat."
Tumango siya at may kung anong pinindot sa kaniyang cellphone. Tinext ko na rin sila Via.
"Beh, pati nga pala sila Zachy, nakontyaba ko na." She winked.
Napahawak ako sa aking noo at marahang ngumiti. Gosh, how lucky I am to met a bestfriend like her. Napakasupportive at laging nasa tabi ko.
Ilang sandali pa ay dumating na rin silang lahat. Nagkasabay pa ang mga pinsan ko at sila Mia. Mabuti na lamang at maaasahan sila. May mga nagcha-chat rin sa akin, mga fans ni Klein. Maraming nagsu-suggest na sorpresahin namin siya which is gagawin ko naman. Tinatadtad ako. May iba ring grupo na maghahanda ng pakulo para sa kaniya.
His birthday is exactly on their concert. What to do? Well, doon ako sa likod pu-pwesto. I'm going to refuse his offer first, after that, the plan will now rise.
"Cy? Nandito si Klein." Sigaw ni Mama.
Nagmadali akong nag-ayos. Sinuri ko pa muna ang sarili ko sa salamin kung may muta ako o ano. Nakakahiyang humarap sa gwapong nilalang na 'yon.
"Hey, good morning." Bati niya at kaagad akong hinalikan sa pisngi.
Shiz, mabuti nalang talaga at nag-ayos ako.
"Morning, uh. Ang aga mong naparito?" Tanong ko kahit alam ko naman kung bakit siya nandito.
"Nak, dito na kayo kumain ni Klein. Naghanda ako ng almusal." Sambit ni Mama.
"Uh, aalis din po ako agad. I'm sorry, we have some things to do for the concert, tita." He reason out.
Tumango si Mama at nilingon siya. "Ah ganoon ba, hijo. Naku, good luck sa concert mo, kailan ba iyon?"
"Bukas po. And uh, Tita, can I bring your daughter with me?"
Kinagat ko ang aking labi at nagkatinginan kami ni Mama. Nakuha niya naman iyon kaagad. "Kung papayag siya, ayos lang naman sa akin. Ikaw naman ang kasama niya."
Tumango si Klein at hinarap ako. Nakita ko ring iniwan kami ni Mama doon.
"Klein uhm, may sasabihin ako." Unti-unti naman akong kinakabahan. Damn, ang hirap magsinungaling. Palagi akong sumasama sa mga concert at sa lahat ng event niya kaya magtataka 'to kung bakit hindi ako sasama. Lalo na, birthday niya bukas.
"What is it, baby?" Malambing na aniya.
Napalunok ako. Damn, isang baby niya lang taob agad ako. No backing down now, Cyrene.
"I c-can't come with you. I-I'm sorry." Kinagat ko ang aking labi.
Nakita kong may dumaang sakit sa kaniyang mata. Nanghina ako, hindi ko alam pero parang ako rin ang nasaktan.
"Why hmm?"
Ilang beses siguro akong napalunok. "May mga gagawin ako, pasensya na. Atsaka, ngayon lang naman." Pilit kong tinapangan ang boses ko. Tama 'yan, Cy. Basta, babawi ka sa kaniya.
Tumikhim siya at bumuntong hininga. "That's my concert, baby."
Tumango ako at nagkunwaring naiirita. "I know, please, busy ako. Sa susunod na concert mo nalang, I'm sorry Klein, busy talaga ako. And wala namang espesyal na gawain bukas maliban sa concert mo, diba?"
Gaga ka Cyrene! Siguraduhin mong babawi ka sa kaniya! Nasasaktan siya at parang sumusuko na ako agad. Napalunok siya kaya nakita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya. Nag-iwas ako ng tingin doon.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."