Chapter Sixty-Six

5.4K 107 10
                                    

Misundertanding

"Cyrene! Sorry sa mga pingsasabi ko. Please, sabihin mo naman kay KM na maging magkaibigan kami muli." Hikbi niya.

Namumugto ang kaniyang mga mata habang nakikiusap sa akin.

"Tell that on him." Malamig kong sagot.

Tinatahan siya ni Aila. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at nandito siya sa harap ko upang makiusap. Kagabi lang, she's so confiden, eh? What happened now?

Napailing na lamang ako sa iniisip. "Please, hindi ko kayang hindi niya pansinin. Matagal ko na siyang gusto! Sinabi mo ba sa kaniya?"

Kumunot ang noo ko. "Ano naman ngayon? You think he won't know about this? Teka, marunong ka palang huminga ng awa, kagabi kasi parang hindi mo kailangan 'yan--"

"Hindi ko 'to gagawin kung hindi ka umeepal! Napaka-feelingera mo naman! Ikaw ang may kasalanan nito, e!" Galit na aniya at hinila ang aking buhok.

Gaganti sana ako nang biglang sumali si Aila. Nanlaki ang mata ko.

"Stop that bitch! Pag ako talaga nakawala sa inyong dalawa, malilintikan kayo sa akin."

"Talaga? Pwes hindi ka makakawala sa amin!"

Mas hinila niya ng husto ang aking buhok. Masakit iyon, damn! Sinasabi ko talaga!

"Ano 'yan!"

Boses iyon ni Audrey. Nagkatinginan kami at nakitang nanlaki ang mata niya. Sumugod siya sa amin at hinila ang kamay ni Jen. Napatili siya dahil doon.

Nahila ko ang buhok ni Aila. Gaga kayo! Ngayon tingnan natin.

"A-Aray! Bitch!" Aniya ngunit mas lalo ko iyon hinila.

"Drey, akin na 'yan." Sambit ko at tumingin kay Jen na nagulo na rin ang buhok.

Nang mahawakan ko siya ay kaagad na dumikit ang palad ko sa kaniyang mukha.

"This is for you, bitch!" I slapped her again. Hinila ko ang kaniyang buhok kaya naout of balance siya. Napahiga siya sa lupa na may konting basa. Hinila niya rin ang buhok ko.

"Malandi ka!" She shouted. Nagtaas ako ng kilay at mas hinigpitan ang pagkakasabunot sa kaniyang ulo.

"W-What? What the fuck!"

Halos sabay sabay kaming napalingon doon. Si Zach na nanlalaki ang mata habang nakatingin sa amin.

Hinanap ng paningin ko si Klein. Mabilis na hinila ako palayo kay Jen ganoon rin si Audrey. Hindi masyadong nadumihan o nagulo ng husto ang buhok ko. Si Jen naman ay hindi ko alam kung ano na ang naging itsura niya. You deserved that look, bitch.

Nang magkatinginan kami ni Klein ay halos manginig ako sa kinatayayuan ko. Sobrang lamig ng kaniyang mga mata.

Lumapit siya sa amin.

"K-Klein, si-sinaktan niya ako ng husto. N-Nag sorry lang naman ako gaya ng i-inutos mo sa akin." Jen cried.

Gusto kong tumawa. Nice, best actress.

"Why did you do that?" Malamig ang kaniyang boses.

Hindi ko alam kung kanino niya iyon itinanong.

"C-Cy…" Tinapik ako ni Audrey at nakitang inginuso niya sa akin si Klein.

What the! Ako talaga ang tinatanong mo?

"W-What?"

His stare became more cold.

"Bakit mo ginawa iyon? Sinabihan ko siya na humingin ng tawad sayo, bakit naging ganito?" Nahihimigan ko ang galit sa kaniyang tono.

Hindi ako makapaniwala. So, kinakampihan niya ang babaeng 'yan? Hindi siya sa akin pumapanig?

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon