Chapter Fifty-Four

5.8K 151 19
                                    

One on One

"Please, stop crying. Sorry if I made you cry again and again. Hush baby…I'm sorry. I'm sorry. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Please…hush now." Aniya habang yakap yakap ako.

Hindi ko maiwasang hindi bumuhos  ng todo ang aking luha. Para akong nging emotional lalo.

Napahikbi ako at alam kong pulang pula na ang pisngi ko ngayon. Hinagod niya ang aking likod.

"Akala ko kayang kaya mo nang hindi ako pansinin o k-kibuan kanina. You were so cold at me."

Humiwalay siya sa yakap at sinuri akong mabuti. Hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya.

"It was just my ego. I'm sorry." Aniya at pinunasan ang basa sa gilid ng aking mata. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Tap-pos sa studio mas inuna mo p-pang inasikaso si Catherine kaysa sa akin." Sambit ko at tumingin sa kawalan.

He touched my faced. "Look at me." He command.

Unti-unti akong tumingin sa kaniya at nakitang may ngiting nakapaskil sa kaniyang labi. "Nagseselos ka."

Nanlaki ang mata ko at umiling ng agaran. "Hindi, a! I'm just asking."

Kinagat niya ang kaniyang labi kaya napadako ang paningin ko roon. Hinila niya ako para mayakap. Sobrang higpit. Hindi ko maiwasang mapangiti. I hugged him tight too.

"It's okay if you're jealous. Atleast alam kong nagseselos ka rin pala 'pag may mga babaeng umaaligid sa akin. Ganoon rin ako. Para malutasan ang problema natin magpakasal na lang tayo." Halakhak niya sa aking tainga. Kinurot ko ang likod niya, napadaing siya dahil doon.

"Baliw 'to. Bata pa tayo!" Natatawa kong sambit.

Mas lalo siyang humalakhak. "Okay, wife. Pakakasalan pa rin kita. Ikaw lang." Bulong niya sa aking tainga.

"Gosh! Ready na talaga ako! Sino ba makakalaban natin Miss M?"

Nandito kami ngayon sa bahay ni Miss M, preparing for the one on one battle. Mamaya na ito magaganap kaya mas nakakaexcite. Isang music lamang ang gagamitin.

"Relax, Mia. I think the SLG. Sila yata ang makakalaban niyo. Perfect match. Pareho tayo ng bilang." Sambit ni Miss M.

We dicuss some words for our preparations. Pagkatapos ma-announce ng MC ang mga pasok sa battle ay kaagad ring ibinigay ang one and only music.

"Basta yung mga prinactice natin tandaan niyo, okay? Mananalo tayo basta gawin niyo 'yon. Actually hindi naman kayo ang unang sasalang may unang pares ng grupo pa." Paliwanag naman ni Kwiny.

Tumango kaming lahat. Inayusan na kami at ipinasuot ang damit na susuotin. Hindi naman ganoong maiksi kaya ayos lang.

Klein:

Manonood ako. Sana naman hindi maiksi ang suot mo. Magkakagulo dito ng wala sa oras.

Bigla kong nanlamig sa text niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan kaya dali-dali akong nagtipa ng sagot.

Ako:

Huwag na. Uy! Pinagsasabi mo, huwag ka ngang trouble maker. Ayaw ko sa mga ganoon.

He replied immediately.

Klein:

Fine. Basta manonood pa rin ako. I'm not trouble maker.

Napangiti ako.

Ako:

OA mo kasi. Pagkakaguluhan ka doon. Baka hindi ako makafocus.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Tumayo muna ako para sagutin ang tawag niya.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon