Chapter Fourty-Seven

5.6K 142 21
                                    

Audition

"This is it! The most awaited day for us! We will got this, ladies! We will got it!" Excited na wika ni Miss M.

"Relax, Miss M." Biro ni Mia habang kinukuhanan niya ng litrato ang kaniyang sarili.

Tumawa silang lahat.

Abala si Bony sa pag-aayos sa akin. Tinitingnan ko lamang ang aking reflection sa salamin. Napangiti ako ng mapait at bumuntong hininga.

"Ganda mo, te. Ang tangkad mo pa at maputi. Palit nalang tayo." Halakhak niya.

Ngumuso ako at tiningnan siya sa salamin. Nginitian niya ako.

Mabilis kaming nagtungo kung saan gaganapin ang audition. Maaga pa pero sobrang dami na agad ang mga tao.

Mabuti na lamang at malawak at malaki ang studio dito.

"Huwag kayong kabahan 'ha. Just be yourself. Kayang kaya niyo 'yan." Paalala ni Miss M sa amin. Kanina pa niya kami kinakausap upang maibsan raw ang kaba namin.

Hinawakan ni Mia ang aking kamay kaya napatingin ako sa kaniya. Ramdam ko ang kaba niya kaya nginitian ko na lamang siya.

Mas lalong dumami ang mga tao pagkalipas pa ng ilang sandali. Well, ito talaga ang pinakamalaking battle event kaya alam kong madadagdagan pa ang dami namin. Mabuti na lamang at inagahan namin.

Sobrang ingay ng tao pagkatapos ianunsyo ng master of ceremony na mag-uumpisa na.

Pinaypayan ko ang aking sarili dahil pinagpapawisan na rin ako sa kaba.

"Malapit na tayo!" Kinakabahang sambit ni Ash. Tumango si Miss M at kinausap kami muli.

"Ang gwapo nila! Kahit hindi na tayo makapasok sa audition atleast nakita natin sila. Feeling ko panalo na tayo!" Kinikilig na sambit nung babae pagkalabas niya sa loob kung saan kami magpe-perform.

"Next na po. Sino dito ang Fearless Ladies?" Sigaw nung babae.

Itinaas ni Miss M ang kaniyang kamay. "Kami 'yun! Kami. Go girls! Kaya niyo 'yan. Basta tandaan niyo you are all fearless."

Tumango tango kami at pumasok na sa loob. Kaba at excitement ang tanging nararamdaman naming lahat.

Bago pa ako tuluyang makapasok ay tumunog na ang aking cellphone.

From: Audrey

Good luck :)

Napangiti ako at sumunod na sa iba ko pang ka-miyembro.

"Wait there. Hintayin natin ang senyas ni Manager Lee." Sambit 'nong babaeng nakaformal attire.

"Opo" Sagot ni Mia sa babae at ngumiti. Tipid na ngumiti naman ang babae kay Mia.

Ilang sandali pa bago kami pumwesto sa loob para magpakilala.

Napapikit ako sa liwanag ng ilaw sa loob. Sino kaya ang mga hurado, hope that they'll like our performance.

Maya-maya pa ay medyo nabawasan ang sobrang liwanag ng ilaw. Pilit kong tinatanaw ang mga tao sa harapan ngunit hindi ko pa masyadong makita.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon