Bestfriend
"Cyreneee!" Ang lakas talaga ng bunganga ng bruhang 'to sa umaga.
Niyakap niya ako ng mahigpit nang nakalapit siya sa akin. Napangiti ako sa ginawa niya kaya niyakap ko siya pabalik. Namiss ko ang babaeng 'to.
"Kamusta ang meeting?" aniya at humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Unti unti namang napawi ang ngiti sa labi ko dahil naalala ko na naman ang nangyari kahapon.
"Okay lang atsaka nailista na kita sa volleyball!" sabi ko pa sa kaniya.
Tumayo siya na para bang di nakuntento sa sinabi ko.
"Wehh? Okay lang? Hindi super okay?" usisa niya sa akin. Umiling ako at tumawa sa kaniya.
Nagsimula na akong maglakad at naramdaman na sumunod siya sa akin. "Ang daya mong babae ka ha! Magkwento ka nga!" sigaw niya sa akin. Niyugyog pa niya ako.
"Letse ka ha! Ang tsismosa mo talaga!" sigaw ko naman sa kaniya. Bumusangot ang mukha niya kaya natawa ako.
"Pfft! Hahaha itsura mo shet! Ang pangit mo Drey!" natatawa kong sabi. Binatukan niya tuloy ako.
"Aray ko ha! 1000 cactus slap!" inis kong sabi sa kaniya. Inirapan niya ako at ngumuso ulit.
"Cyrene kase!" pangungulit niya.
Ayoko na sanang sabihin yung nangyari kahapon pero di ako tatantanan ng bruhang 'to.
"Ano?" natatawa kong tanong sa kaniya.
Pero sinamaan niya lamang ako ng tingin.
"Oo na! Oo na! Mamaya ko nalang ikwekwento. Shit ka ha ang tsismosa mo!"
Namiss ko ang bruhang 'to.
Agad kaming dumiretso sa room at baka pagalitan ulit ako ni ma'am Luz, ang sungit pa naman 'nun.
Ang boring ng klase pero pilit pa din akong nakikinig. Ewan ko pero feel ko ang makinig sa lecturer ngayon.
"Cy! Tara cutting!" bulong ni Audrey sa likod ko. Ang babaeng 'to talaga ngayon na nga lang pumasok ay magcucutting class pa.
"Cutting your foot!" Natatawa kong sabi sa kaniya.
"Studious mo!" aniya. Binaliwala ko na lamang siya at nagfocus na lamang ako sa klase.
Ilang sandali pa ang lumipas at break time na. Tumingin ako kay Audrey na inaayos ang gamit niya. Inayos ko na din ang gamit ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Nanlaki ang mata ko nang nakita kung sino 'yon. Si Kail!
Kail Calling...
Matagal nang nakasave ang number sa akin ni Kail. Matagal na din noong huli kaming nag-uusap usap tatlo.
"A-Audrey OMG! Si KAIL!" sigaw ko sa sobrang kaba at tuwa.
"H-HA?" naguguluhan niyang sabi. Itinuro turo ko pa ang phone ko sa kaniya. Dali-dali siyang lumapit sa tabi ko.
"TUMATAWAG SIYA!?" gulat na sigaw niya. Tumango ako at isineniyas na tumahimik muna siya. Nakuha naman niya ang gusto kong sabihin kaya tumahimik siya.
Agad kong tinap ang answer button.
"Hello..." Sabi ko. Ini-loud speaker ko iyon para marinig din ito ni Audrey.
"Hi Cyrene!" masayang bati niya. OMG. Si Kail nga.
"KAIL!?" sigaw ni Audrey.
"Audrey?"
"Oo yes! Ang dyosa mong kaibigan kumag!" natatawang sabi ni Audrey kay Kail. Tumawa tuloy na din ako sa sinabi niya.
"Hahaha dyosa daw!" natatawa kong baling kay Audrey. Binatukan niya tuloy ako. Sinamaan ko siya ng tingin kaya nag-peace sign siya sa akin I just rolled my eyes on her.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."