Chapter Eleven

6.1K 130 2
                                    

He's concern

"Wow!" sabi ko nang narating namin ang sinasabi ni Audrey.

"Wonderful isn't it?" bulong ni Audrey sa gilid ko. Yeah it's beautiful.

Isa siyang napakagandang garden na punong puno ng maraming makukulay na halaman. Para siyang paraiso sa ganda ng pagkakadisensyo nito.

"El Dorado" basa ko sa isang pangalan na nakaukit sa taas ng kahoy.

"El Dorado means paradise di ba?" tanong ko kay Audrey.

Tumango lamang siya "Yep!"

Hinila ako ni Audrey sa isang gilid at namangha na naman ulit ako sa nakita. It's like a waterfalls na kumikinang ang mga tubig.

"That is Fondess Firewater" saad ni Audrey sa akin. Paano niya kaya nalaman ang lugar na ito?

This is a real paradise. It's super relaxing. Nakakagaan ng pakiramdam.

"Drey! Paano mo 'to nahanap?" tanong ko sa kaniya. Inilabas ko ang phone ko at pinicturan ang mga magagandang halaman.

"Crony El Dorado ni lola. Siya ang may-ari nito, maraming pumupunta dito kapag gabi...mas maganda kasi 'pag gabi. Sabi niya ito daw ang lugar ng pagkaka-ibigan." Wow! Oo nga, ang ganda ng lugar na ito at kapag nandito ka ay dapat kasama mo ang kaibigan mo. It's the best place para sa mga magkakaibigan.

"Well pansin ko din kase crony means matalik na kaibigan!" namamangha ko pang sabi.

Ngumiti siya sa akin.

"Exactly! So 'lika may ipapakita pa ako sa 'yo" nakangiti niyang sabi. Napahalakhak naman ako at sumama sa kaniya.

Para kaming bumalik sa pagkabata dahil sa lugar na 'to. Yung feeling na lahat ng problema ay di mo pinapansin. Nirerelax ka ng lugar na ito. It's fantastic.

Nakarating kami sa isang napakatayog na puno na may tubig sa ibaba. Tumingin ako doon at nakitang may mga nakaukit na pangalan. Pangalan ng mga magkaka-ibigan.

"Dito naman ay pwede kang magsulat...message or what. Inuukit din nila dito ang mga pangalan ng magkakaibigan na pumupunta dito!" sabi niya. I nodded.

"Okay done!" nagulat ako sa sinabi niya. Inukit niya doon ang pangalan ko, pangalan ni Kail at pangalan niya. Nag shape pa siya ng heart sa labas ng pangalan namin.

"Ang ganda!" sabi ko pa.

"Mas maganda ako!" sabi niya at nagchin-up siya.

"Nangangarap ka na naman" natatawa kong sabi sa kaniya. Sinimangutan niya tuloy ako.

"Panira ka talaga!" singhal niya sa akin at inirapan pa ako ng bruha.

"Tss... Oh sige magtry ka na mang-ukit dali!" sabi niya sa akin. Ha? Eh wala naman na akong isusulat.

"Eh inukit mo na. Tanga neto!" mataray kong sabi sa kaniya. Tumawa naman tuloy siya.

"Oo nga no! Aha! Name ni Klein nalang ang iukit mo. Bahala ka baka kapag inukit mo ang pangalan niya diyan ay magugustuhan ka 'non.!" Natatawa niyang asar sa akin. Tss.

"Uh? Pwede pala?" nakangising sabi ko. Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"At talagang iuukit mo ang pangalan niya ano! Baliw na baliw ka talaga sa Klein na yun. Hindi pwede! Pangkaibigan lang yan bruha!" maarte niyang sabi sa akin.

"Ha? Ang gulo mo!" inis na sabi ko sa kaniya.

"Joke ko lang kase 'yon! Asus basta Klein talaga ang usapan nagkikislapan yung mata mo ano!  HAHAHA at bruha ka di ka niya kaibigan!" natatawa niyang sabi sa akin. Binatukan ko tuloy.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon