Chapter Sixty-One

5.6K 128 13
                                    

Nervous

"Hey, Hush now, baby." He whispered.

Hindi ko pa rin mapigilang humikbi. Yakap yakap niya ako habang nakasubsob ako sa kaniyang dibdib. He caress my back that made me weak.

Sino ba ang hindi maiiyak sa ginawa niya? Sa dinami-dami ng fans niya sa buong mundo ay nagawa niya iyon para sa akin. I still can't believe. Pagkatapos ng semis kanina ay kaagad na naging trending ang mga nangyari kanina.

Hot topic all over the world.

"Tahan na, wife." Mas malambing na ngayon ang kaniyang boses.

Miss M and my other co-member got curious because of what happened. Saka na ako magpapaliwanag sa kanila. Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan niya. Kanina pa. Inaantay niya lamang ako na tumahan.

Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang basa sa aking mukha. He smiled.

"I...I just can't help it...I'm s-sorry." Nanginginig kong sambit.

Inayos niya ang iilang takas na buhok sa likod ng aking tainga.

"It's okay. I love you so much."

Unti-unti akong napangiti at naiibsan ang aking pag-iyak.

"I love you too, Klein." Ngiti ko.

Lumapit siya sa akin at pinatakan ako ng isang halik sa aking noo.

"We will meet my Mom. Ipapakilala kita sa kaniya."

Nagulat ako. Another...another thing!?

Napalingon siya sa akin dahil sa reaksyon ko. Humalakhak siya at hinawakan ang kamay ko.

"Relax. Kinakabahan ka na naman." Nakangusong aniya at tila nagpipigil ng pagngiti.

Umirap ako. "I'm not."

Kinagat niya ang kaniyang labi at marahang tumango ngunit nakangisi na siya ngayon.

"Kailan ba nakauwi sila Tita?" Tanong ko dahil sa kaba.

Shiz! It's my first time to meet his Mom and Dad. Sana magawa ko rin ng maayos kung papano niya nagawang harapin sila Mama noon.

"At tama ba na 'Tita'. Parang nakakafeeling close? Should I call her, Mrs. Marcus nalang?" Dagdag ko pa.

Nagtaas siya ng kilay sa akin at ngumisi. "Call her Mom. It's more better."

Halos masamid ako ng husto sa sinabi niya. Mom?

Tumawa ako. "Mom? Bakit naman?"

"Doon naman 'yon tutungo, diba? Magiging Marcus ka na rin soon. Call her Mom now. Mommy nating dalawa." Kindat niya at ngumisi sa akin.

Unti-unti akong ngumuso. Uminit ang pisngi ko. What did he just say?

Magiging Marcus ka na rin soon.

Natahimik ako dahil nahihiya ako sa mga sinasabi niya.

"Hey? Tahimik mo tuloy. I will wait, okay. I will wait till you're ready."

Buong biyahe niyang hawak ang kamay ko. And I like it so much.

Hindi ako mapakali habang iniisip na imemeet ko ang parents niya. Pinasadahan ko ng tingin ang aking damit. After ng battle, mabuti na lamang at nakapagpalit ako. But I don't think if it's nice or what.

Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang engrande nilang bahay. No. Mansion.

Mas lalo akong kinabahan.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayan ako pagkababa ko.

Huminga ako ng malalim at halos pagpawisan.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon