I'm okay
Naging maayos ang paghatid niya sa akin. Hindi na ako nagsalita buong biyahe. Ramdam ko rin ang paminsan-minsan niyang pagsulyap sa akin. That didn't bother me at all. Siguro may sarili na ring pag-iisip ang aking puso. Namanhid na yata.
Matapang kong inamin ang totoo sa harapan niya. Yes, that's true, I don't want to deny it.
Yakap yakap ko ang isang throwpillow habang pinapanood ang isang video nila. Isang malaking pagsisisi ang lahat ng ginawa ko. I admit that our break up was really my fault. Kung sana'y hindi ako nagpadalos dalos sa lahat ng desisyon. Kami pa sana.
"Kumain ka ng marami, Cyrene. Ang payat mo na." Sambit ni Mama pagkaupo ko sa hapag-kainan.
Tumango ako at ngumuso na lamang.
I ate quietly. Bumalik ako sa aking kwarto para makapagpalit na nang damit. Miss M texted me that we'll have a meeting later. Since wala naman akong ginagawa, I prepared my things instead.
Walang halos pagsisisi ang ginawa kong pag-amin kahapon sa kaniya. I want him to know that, I love him so much and I don't care if he's already taken.
Hindi ako basta-bastang sumusuko na lamang. I was once his fangirl and I want to become his girl again.
Kahit sa kabila ng sinabi niya sa akin ay hindi ko pa ring maiwasang umasa.
I will do everything. Kahit magmukha pa akong desperada sa kaniya o kahit kanino, gagawin ko pa rin ang lahat para bumalik siya sa akin.
"Ingat ka 'ha." Bilin ni Papa. I nodded.
Isinuot ko ang aking earphone sa magkabilang tainga at tahimik na pina-andar ang sasakyan.
"Hello, Cyrene!" Bati ni Miss M pakarating ko. I also greeted her. Umupo ako sa tabi ni Mia. Pumapalakpak siya. Sign na ituon ang aming atensyon sa kaniya.
"So, kompleto na tayo. Uh. I just want you all to know na bukas na ang opening! I'm super excited. I know na kayo rin?" Nakangiting aniya.
Tumango sila. I remained silent.
"Whoa! Sana makapasok tayo!"
"Makakapasok tayo niyan, Miss M. Tayo pa ba? We are fearless ladies." Mariing ani Mia.
Napatawa kami dahil sa itsura niya. Sumang-ayon naman ang iba.
Ipinakita rin ni Miss M ang susuotin namin. Hindi naman ganoong nakakailang na suotin kaya alam kong keri lang din.
Nagpractice kami ng ilang beses. Maayos na ang lahat kaya pinayagan niya kaming magrelax muna sa bahay niya.
"Girls, you can use the pool. Pinalinis ko na 'yan." Sigaw ni Miss M sa gilid. Kampante siyang nakaupo habang kausap si Kwiny.
Nagsigawan ang iba at nagtatalon na kaagad sa pool. Napapangiti na lamang ako sa mga kalokohan nila.
Naupo ako sa gilid ng pool at kinuha ang aking cellphone. I put down my feet on the water.
To: Audrey
Sorry. Nauna na akong umalis. Sumakit kasi ang tiyan ko.
Napahawak ako noo at pilit na inaalala ang bawat salitang sinambit niya kahapon.
From: Audrey
Mag-usap tayo. Where are you?
Ako to Audrey:
Okay. Nasa bahay ng manager namin.
From: Audrey
Manager? Sino 'yon bruha?
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."