Preparation
"So? Let's talk again uh, bukas or.." Tumingin ako sa kanilang tatlo.
Sumimsim ng alak si Cole at tumango sa akin. "I'm in. Bukas."
"Ako rin, Kinikilig ako! Ano ba 'to?" Si Corine na hawak hawak ang kaniyang cellphone.
Nakatayo ako sa kanilang harapan. Pinaplano namin kanina ang mga gagawin sa ika-labing siyam niyang kaarawan. And I want to surprise him. Gusto kong magugustuhan niya ang gagawin ko. I will do everything to make it successful.
Nagtaas ako ng kilay kay Via na nakatingin sa akin. Umirap ako at tumawa. Tumawa rin siya at itinaas ang shot glass. Baliw.
"Count me in, ako pa ba?" She laughed.
Naupo ako sa tabi niya at ininom na ang juice sa harapan ko. No, liquors please.
Klein:
I miss you, baby.
Sinulyapan ko sila Via na nakatingin sa ibang bagay, ganoon rin sila Cole at Corine. Nagtipa ako ng sagot. Miss niya na ako agad?
Ako:
Control your shots. Sabihin mo kila Daddy at Papa kung hindi mo na kaya.
Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko? Hindi kaya? Hmm. Bahala na nga.
Mabilis ulit tumunog ang cellphone ko. Naagaw nito ang atensyon ni Via at kaagad na ngumisi sa akin. Ngumisi rin ako.
Klein:
What baby? You think I'm weak, huh? You don't miss me, too?
Tumikhim si Via at tinukso ako. "Ehem! Nilalanggam tayo sa sobrang tamis ng ngiti niya, o."
Inirapan ko siya kaya nagtawanan silang tatlo. "Mga baliw! Get a lovelife too. Wag niyo akong pagtripan." Tumawa ako at tumayo na.
"Asus! Sige na, couz. Ikaw na pinagpala. Maganda na nga, maganda pa ang lovelife. How to be you po?"
Tumawa akong muli at naglakad na lamang sa isang gilid. Hawak hawak ko pa rin ang cellphone ko.
Ako:
Syempre miss kita. Hindi pa ba kayo tapos?
Klein:
Not yet. It's okay, I can drive still.
Huminga ako ng malalim at nagpasiyang puntahan na lamang sila. Hindi pwedeng malasing 'to, magmamaneho pa, e.
"Cyrene, where are you going?" Tanong ng ibang pinsan ko. I mouthed them and they nodded.
Ngumiti ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Naaninag ko sila na nagtatawanan at may kung anong pinagkukwentuhan. Kasama rin nila ang iba kong pinsang lalaki at ang mga tito ko.
Nang magtama ang paningin namin ni Klein ay kaagad siyang tumayo at may kung anong sinabi sa kanila. Napatingin sila Papa at Daddy sa akin. They smiled.
Sinalubong niya ako. "Hey, huwag ka masyadong uminom." Nag-aalala kong tanong.
Niyakap niya ako at hinalikan ang aking noo. "I'm not yet drunk, baby. I like your family." He smiled.
Ngumiti rin ako at tinitigan ang kaniyang mata. "Samahan mo ako kila Miss M."
Nilingon niya sila Papa at tumango. "Magpapaalam lang ako."
Sabay kaming nagtungo doon sa gawi nila Papa.
"Oh, 'nak. May pupuntahan kayo?"
Tumango ako. "Opo, Dy. Uh. Magpapahatid po ako kay Klein."
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."