Vacation
"I'm so proud of my son, Cyrene. And I'm so happy na malamang may isang katulad mo ang di nagsasawang suportahan ang anak ko sa bawat pagsayaw niya sa iba't ibang bansa."
I smiled. I love him so much and I won't give up to support him.
Sumimsim siya sa kaniyang orange juice. I watched her as he put down the glass.
"Akala ko pa noon si Zara na ang magiging girlfriend niya 'yan. Kaso he told me that they were just friends. Don't be jelous, hija. Mahal ko ang babaeng mahal ng anak ko. I will support him as his mother. I love my son so much. At masayang masaya talaga ako na nakikitang mahal na mahal mo rin siya." She uttered.
Tumango ako at kinagat ang aking labi. "Thank you po sa pagtanggap sa akin. Susuportahan ko siya at mamahalin pa. I do not think if I can let him go. A man like him deserves a unconditional love and I want to give him that, Mrs. Marcus."
She touched my hand. "Call me tita nalang, hija. Sana mameet ko sila Beatrice sooner. I missed her too. Hindi ko aakalaing mag-iibigan ang anak naming dalawa." Tumawa siya at tumayo na. Tumayo na rin ako at napangiti sa kaniyang sinabi.
"I will tell her po."
Tumango siya at inaya na akong puntahan ang mag-ama niya.
Hindi lang yata parents niya ang umuwi. Pati yata ang iba niyang kamag-anak. Pumunta kami sa pool side nila at nakitang nandito lahat ng kamag-anak nila. Nahiya tuloy ako.
Nahanap ng paningin ko si Klein na nakikipag-inuman sa ibang kaedad niya rin. Pinsan niya yata.
Nang makita niya ako ay wala siyang pasabi-sabing tumayo upang puntahan kung nasaan ako.
"Ayan na pala siya." His mom whispered. Tumango ako nang di siya nililingon.
May mga ibang babae na nakatingin kay Klein habang seryosong seryosong naglalakad sa gawi ko. Halos lumuwa ang kanilang mga mata.
Akin 'to!
"Hey…uminom lang ako ng konti. I missed you." Paos niyang bulong pagkalapit sa akin.
He hugged me and kissed my forehead. Napanguso ako nang maamoy ko ang pinagsamang alak at ang mabango niyang hininga. Nakikiliti ako sa pagbulong niya.
"A-Ayos lang. Go there and have fun with your family." Sambit ko.
Nasa ganoong posisyon pa rin kami. Nakasubsob ako sa kaniyang dibdib.
"Am I allowed to drink?" He asked.
Kinagat ko ang aking labi kaya napatingin siya doon. "O-Oo naman. Hindi kita pagbabawalan kung ano ang gusto mo."
Kumalas siya sa yakap at itinaas ang mukha ko. Hindi ko siya kayang titigan ng matagal.
"Really? Ganiyan ba sinasabi mo sa mga kapatid mo kapag umiinom sila. Your cousins?" Masungit niyang sambit.
Huminga ako ng malalim. I caress his shoulder. Parang namali yata ang ginawa ko dahil napatingin siya doon. I swallowed…hard.
Kung ano ano kasi pinaggagawa mo, Cyrene!
"S-Sayo lang. Sige na. Para makapagbonding ka naman kasama ang mga pinsan mo."
"No. I'll stay with you. Anyways, let's go there. Ipapakilala kita sa mga tita at tito ko." Seryosong sambit niya at inakbayan ako.
Pinagtitinginan kami, lalo na yung mga babae kanina. Pinsan niya rin ba sila?
Pagkatapos niya akong ipinakilala sa mga tito, tita niya at sa mga pinsan rin niya ay nagpaalam siya upang makaalis na kami. Saan kami pupunta?
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."