Semi
'Siya yung asawa ni KM, diba?'
'Talo na tayo, may kapit na e.'
'Ang sweet ni KM sa post niya. Sana lahat.'
'Nakakainis! Sana ako nalang siya.'
Maraming nakatitig sa akin pagkapasok ko pa lamang sa Araneta. Kanina pa sila titig ng titig sa akin ngunit binabaliwala ko na lamang iyon.
"Sis! Ang haba ng hairlalu mo." Bulong sa akin ni Mia. Alam na rin niya ang tungkol sa amin. Kanina pa nila ako kinukulit na magkwento kung papaano kami nagkakilala ni Klein.
'I love you, Klein!!'
'Gwapo mo bebe boy! Whoa! Gwapo mo!'
'Ang cute ni Spin! Spin I love you na! Taken na kasi si fafa Km, e.'
'Sexy mo Zach! Yieee! Sexy sexy mo!'
Huminga ako ng malalim at pinaglakbay ang aking titig sa lahat ng mga naroon. Hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan. Yep, I'm still kinda nervous at all time.
I watched him as he cooly sat. His aura was covered with so much coldness. His co-member were silently sat at his side, too.
I swallowed hard and turn back my sight on him. Ayos lang ba siya? He asked me again to deactivate my account but I refused. Yeah, right.
Wala naman akong pakialam sa mga taong mapanghusga. Basta huwag na huwag lang nila idadamay ang pamilya ko.
Bitch!
"A pleasant day to one and all! Ito na, Ito na ang pinakaaabangang battle na kung saan malalaman na natin ang mga kasali sa final battle. Only Five groups will rise and they will have the chance na makasayaw ang ating Delta Force. Whoaa! And now, ready na ba kayo!!?"
Itinutok niya ang microphone sa amin, marami pa ring nanood na mga dancers na kasali noon sa audition. Marami pa ring nagbubulungan tungkol sa pagpost ni Klein at pag-tag nito sa akin. I can't blame his fans. Ganoon rin naman ang mararamdaman ko kapag isa ako sa kanila. Ang sakit sa ulo!
"We are readyy!"
"Syempre naman! Sana palarin kami!!"
"Huhu! Gosh. Sana makapasok kami at manalo."
"Parang mahina…" The MC chuckled.
Tumawa ang iba at nagsigawan muli.
"Can we hear your screeeams?" Aniya. Mas lalong nagsigawan ang lahat. Tumingin ako kay Klein na nakatitig sa akin. I raised my right brow. He took his phoned and typed something.
My phone vibrates. Alam ko na.
Klein:
Good luck, wife! Can't wait till it's done.
Lumingon ako sa likod upang makita kung may naninilip sa cellphone ko. Nahagilap ng aking paningin si Jen na nakatingin sa cellphone. Nag-angat siya ng tingin sa akin at tila nagulat. Ngumiti siya at nag-iwas ng tingin. Oh, weird.
Ako:
Why? May pupuntahan ka?
He immediately replied.
Klein:
Tayo. Ipapakilala kita kay Mom.
What the heeeck! Seryoso siya!
Mas kumalabog ng husto ng dibdib ko pagkabasa ko sa text niya.
"Sis, makinig ka muna." Mia murmured. Hindi ko iyon napansin at halos wala nang marinig sa lakas ng kabog ng aking dibdib.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."