Chapter Three

6.1K 153 0
                                    

Pinuntahan namin ang lugar kung nasaan sila Klein.

At yes! Nakita namin sila.

Tumingin ako sa kanila may tig-iisa silang babae. Yung babae naman na sa tabi Klein ay hinahaplos ang siko niya.

Nakaramdan ako ng inis. Ang hipon na yun, ano ginagawa niya kay Klein?

Alam kong kilala na si Klein na playboy never pang nagse-seryoso sa isang baba pero nakakainit ng dugo.

"Makakalbo ko ang hipon na yun." I uttered.

"Easy! Tingnan mo nagstatus si Zara." Sagot niya at ipinakita ang cellphone niya.

Si Zara Winstlet Sy ang 'girlfriend kunno' ni Klein. Ewan namin kung totoo kasi hindi naman dinideny ni Klein na hindi pero hindi din niya sinasabi na sila.

@zarathequeen

I love you so much babe, @kleinmarcus.

Napairap ako ng mabasa ang pangalan niya. It should be, Zara the higad queen.

"So sino yung higad naman na yun?" Inis kong tanong kay Audrey.

"Relax." She winked.

"Paano ako makakarelax kung ganiyan? And hindi ka ba naiinis doon sa babae ni Zach?" Inis kong baling sa kaniya.

She chuckled and rolled her eyes.

"Medyo lang. Sanay na ako." Aniya at ibinulsa ang cellphone.

Hindi ko magawang alisin ang paningin ko kay Klein. Yung babaeng niya naman ay may pahaplos-haplos pa. May ibinulong pa siya kay Klein na siyang nagpangisi kay Klein nang todo.

It must be funny, huh?

Nanlaki ang mata ko ng makita na paalis na silang dalawa. I won't let her take Klein away!

"Teka, bathroom lang ak, Drey." Palusot ko kay Audrey. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at kumaripas ng takbo kung saan lumusot ang dalawa.

Ngayon, nasa likod na nila ako. Nakahawak si hipon sa braso ni Klein. Ba't hinahayaan niya lang yung babaeng yun? Samantalang ako hindi man lang pinapansin.

He's unfair!

Huminto sila sa may parking lot kaya nagtago ako agad. Dahan dahan akong tumingin sa kanila.

May sinasabi siya kay Klein ngunit hindi siya pinapakinggan ni Klein.

Mas lalong nangunot ang noo ko ng makita na inilalapit niya ang mukha niya kay Klein.

Hahalikan ba niya si Klein? No way!

"Stop that bitch!" Matapang na sigaw ko.

Nagulat ang babae ng makita ako. Tumingin ako kay Klein na nakasandal sa dingding.

"And who are you?" Maarte niyang tanong sa akin. Inis akong napalingon sa kaniya. Huwag ako babaeng hipon.

"Me? Ako lang naman ang tututol sa panlalandi mo kay Klein." Taas noo kong sabi.

Nagulat ako ng marinig na tumawa siya sa sinabi ko.

"Are you stupid? I'm his girlfriend." She shook her head, dismayed.

Oh! I knew it. Ngumisi ako at lumapit pa.

"Oo nga pala..." Ngumuso ako. Nakita ko pa na ngumiti siya, feeling like I agreed with her.

"Girlfriend ka at ikaw lang ang nakakaalam? Masakit yan yung may matatawag kang kayo pero ikaw lang ang may alam." Nakangisi kong sabi sa kaniya.

Pumula ang pisngi niya sa sinabi ko. Nawala na ang ngiti niya ngayon.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon