Chapter Thirty-Three

5.2K 114 7
                                    

Game

"Cy! Kinakabahan ako!" bulong ni Audrey sa gilid ko.

Nandito kami sa loob ng gymnasium at kanina pa siya kuda ng kuda.

"OA mo. E, tayo-tayo ring estudyante ng Chuaford ang maglalaban-laban e." Inis na bulyaw ko sa kaniya.

Umirap siya at ngumuso. Ang mananalo ay isasabak para lumaban sa district level. Sa ngayon, school base muna.

"GOOD MORNING CHUAFORD HIGH!"

Sobrang lakas ng hiyawan dahil sa napakalakas ring sigaw ni Sir Richard. Sobrang crowded ng husto ang gymnasium namin dahil sa dami ng estudyante. Pinagsama-sama na ang mga SH at JH.

Nakakulay gray na t-shirt kami. Nakaprint sa likod kung anong laro ang sasalihan namin. Nagshort nalang ako at isang rubber shoes.

"ARE YOU ALL READY FOR THE BIGGEST SURPRISE?"

Surprise? Ano naman 'yon?

Napatakip ako sa king tainga dahil sa sobrang lakas ng hiyawan at sigawan. Natawa ako at nakisigaw na rin.

Luminga-linga ako para hanapin si Klein ngunit hindi ko siya makita.

"OKAY! KUNG READY NA KAYO. MAY I WELCOME, THE MASTERS IN DANCE FLOOR! DELTA FORCE!"

Nanlaki ang mata ko. Mas lalong lumkas ang sigawan at hiyawan. May tumayo na at nagtatalon.

"I love you, Zach!" sigaw ni Audrey.

"Delta Force! We love you!"

"Klein! Ang pogi mo!"

"King KM!"

"I love you Fourth! King KM!"

Music: Sidekick

Unang beat palang ay halos magwala na ang lahat ng estudyante. Napangiti ako at hindi nagpatalo.

"I love you, Klein! Gwapo mo! Sobra!" sigaw ko.

Kita namin na nag-usap usap pa sila at nagtawanan. Nang mag-umpisa silang sumayaw ay haloa dumoble pa ang kaninang tilian.

"Gwapo mo, Klein! Akin ka lang!" sigaw ko at tumawa.

Nilibot niya ang paningin niya at kung anong hinahanap. Nang dumako sa pwesto namin ang paningin niya ay kaagad akong kumaway.

"I LOVE YOU!" sigaw ko. Nagtama ang paningin namin at nakita kong napangiti siya.

Niyugyog ako ni Audrey at napatingin ang ilang mga estuyante sa akin.

Nang magchorus ay nakisabay ang lahat sa pagkanta. Pati ako.

Hindi nabawasan ang tilian at hiyawan, mas lalo pang lumakas.

Nang matapos ay sabay sabay silang yumuko.

"WE WANT MORE! WE WANT MORE! WE WANT MORE!" sigaw namin.

Umiling si Sir Richard at tumawa.

"Hindi tayo makakapagsimula kung nakafocus lang kayo sa mga Delta Force." Tawa niya.

"KAHIT WALA NANG INTRAMURALS SIR! BASTA MAKITA LANG NAMIN SILA, OKAY NA!" malakas na sigaw ng isang babae.

Natawa kaming lahat sa sinabi niya. Nakapolka dots siya na palda at hair band.

Nagtama ang paningin namin at ngumiti siya sa akin. Ngumiti ako pabalik.

Tumawa lang si Sir Richard. "THANK YOU, DELTA FORCE."

Mabilis natapos ang pagsasalita ni Sir at luminya na kami para magparada muna. Mamayang lunch pa naman ang unang game.

Nang nakalinya na ako ay biglang tumunog ang cellphone ko.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon