Who's that
"What's up, Forcers!!" Sigaw ni Klein.
This is the second day of their tour. Mas dumami pa ang mga pumunta, or should I say, mas dumoble pa ang dami.
"WHOAAA! WE LOVE YOU KLEIN!"
"ZACH! LUKE! KLEIN!"
"UGGH! I LOVE YOU MY IDOLS!"
"OH SHIT! HOW HOT!"
Pumalakpak ako at napangiti na lamang habang nanonood. Katabi ko si Mr. Lee na nakatutok rin sa kanilang sampu.
"CAN WE HEAR YOUR SCREAMS!" Malakas na sigaw ni Zach. Nagsigawan silang lahat at itinaas ang kanilang mga banner. Hawak hawak ni Klein ang isang puting towel. Ipinunas niya ito sa kaniyang noo. Nagsigawan ang mga tao. Hindi ko alam kung bakit.
May ibinulong si Zach sa kaniya kaya napangisi si Klein. Tumingin siya sa akin at kumindat. Tumawa ako at inginuso na lamang ang entablado. Nakuha niya naman ang ibig kong sabihin, lumapit siya sa mga kanina pang nagsisigawang fans nila.
"WHOAAA! CAN I HAVE THAT TOWEL!"
"THAT TOWEL!! SHIT!"
"PLEASE! THROW YOUR TOWEL!"
"THROW IT KM!"
Tumawa siya at itinapon iyon sa crowd. Pinagkaguluhan iyon at may tumayo upang iwagayway ang kaniyang towel. Napailing na lamang ako.
"Thanks for supporting him."
Napalingon ako kay Mr. Lee sa kaniyang biglaang pagsasalita. Nagtaka ako ng sumulyap siya sa akin at nginitian ako. Lumingon sa paligid at nakitang abala sila sa panonood. Nakahinga ako ng maluwag.
"I know the truth. Trust me, I'm with you both. Matagal na kitang kilala at palagi ka niyang kinukwento sa akin."
Nagulat ako sa sinabi niya. Is he serious? Napatulala ako.
"Nagulat nga ako 'nung umuwi ka at nag-audition sa amin. I like your group. May future. Naiintindihan ko rin kung bakit ayaw mong ipublic kung ano kayo ni KM. Tito ako ni Klein." He all smiled.
Tumitig ako sa kaniya at nakinig. Ibinalik niyang ang kaniyang paningin sa entablado at ngumiti.
"Klein is like my son. Palagi 'yan nagpapatulong kung papaano ka suyuin. Mahal na mahal ka niyan. Halos magwala 'yan noong umalis ka at iniwan mo siya. And you know what? Hindi talaga naging magkasintahan si KM at Mezia. That was just for show."
"Thank you for loving my niece, Cyrene. Sana, kayo na hanggang huli."
Pilit kong sinasaulo ang kaniyang mga pinagsasabi. It's kind of revelation. Nakakagulat lang.
"S-Salamat po. Tito ka pala niya, Mr. Lee. Nasaan po ba ang parents ni Klein?"
"Nasa US, malapit na rin silang umuwi." Aniya. Tumango ako. Naiintindihan ko na.
"Mahal na mahal ko po ang pamangkin niyo. Ayoko na pong maulit 'yung mga nangyari." Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kaniya.
He nodded. Tumingin ako sa entablado. They still dancing for their last dance number.
Pumalakpak ang lahat pagkatapos niyang magsalita. Yumuko silang lahat at sabay sabay na nilisan ang entablado.
Sinalubong namin silang sampu. Kita namin ang pagod nila at pawis sa kanilang damit.
May mga security guard na bumabantay sa kanila habang sila'y naglalakad.
"Tara doon." Sambit ni Mr. Lee. Tumango ako at sumunod na lamang sa kaniya.
"Kapagod pero worth it. Yung mga ngiti ng forcer natin, nakakasigla lang." Sambit ni Luke at binuksan ang isang can drink.
"Tama. Hindi ba sumasakit ang mga lalamunan nila? Grabe lang, mahal na mahal ko talaga ang mga forcer natin." Dagdag naman ni Bryle.
"Nauuhaw ka ba?" Tanong ko kay Klein sa tabi ko. Umiling siya.
"I'm okay. I wanna hold your hand instead."
Napangiti ako at hinawakan na lamang ang kaniyang kamay. Sinabi ko na rin sa kaniya na alam ko na, na alam ni Mr. Lee ang tungkol sa amin. Alam rin ng lahat ng miyembro ng DF ang tungkol sa amin, lalong lalo na ang mga dating miyembro.
We took some rest, we also snoop around. Isang magandang lugar. Natatangi-tangi at nakakabighani.
"Hey, ako na lang. Magpahinga ka muna, please? Pagod na pagod ka pa." Nag-aalala kong sambit.
He lifted my chin. "Ihahatid kita--"
"Please? You need some rest. Magta-taxi na lamang ako."
Hindi pa rin siya sumang-ayon sa gusto kong gawin. Panay ang pilit ko sa kaniya dahil alam kong pagod na pagod talaga siya. Ayoko namang dagdagan pa ang kaniyang pagod.
"I will text you when I got home. Swear. Please, magpahinga ka muna." Sambit ko. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.
Pumara ako ng taxi at kaagad rin namang nakauwi. Ibinigay ko ang aking bayad atsaka tuluyang bumaba.
Isang pamilyar na sasakyan ang nakaparada sa gilid ng aming bahay. Ilang metro ang layo. Kumunot ang noo ko at nilapitan iyon. Napaatras ako ng bumukas ang pintuan ng sasakyan. Bumaba roon ang kaibigan kong may hawak hawak na cookies.
"Kyle! Ikaw pala 'yan?"
Nilapitan niya ako at kaagad na niyakap. Bumaba rin doon si Audrey. Nagulat ako at masaya siyang sinalubong.
"Drey! Napadalaw kayo bigla?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Galing ka sa New York, 'no? Sus. Sinamahan niyang ang KM niya, huwag mong ideny." Banta niya habang tumatawang nakaturo sa akin. Sinuway ko iyon at matalim siyang tinitigan.
"Uy ikaw! Bakit ngayon ka lang nagparamdam!" Baling ko kay Kyle, binabaliwala ang pangungulit ni Audrey sa akin.
"I'm busy, e. Nagre-review para sa exam."
Nagkatinginan kami ni Audrey at sabay na binatukan si Kyle.
"Gagu mu pu. Aral aral pa mamamatay din naman." Malakas na sigaw ni Audrey sa kaniya.
Tumawa ako at pinagmasdan silang dalawa.
"What?" Supladong tanong ni Kyle sa kaniya.
Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang pagtawa ng malakas.
"Advance ako mag-isip, par. Tingnan mo, bestfriend ko noon jowa ko na ngayon." Tawa niya.
Kumunot ang noo ni Kyle. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Audrey.
"Chars! Tara na nga." Dagdag niya at hinila na ako. Hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa mga pinagsasabi ni Audrey. Sinong kaibigan naman ang tinutukoy ng bruhang 'to?
Napailing na lamang kami.
"Hala shet! Nakalimutan ko 'yung bag ko sa sasakyan mo, Kyle." Natatarantang aniya at lumabas kaagad.
Sinundan namin siya ni Kyle sa labas. Hinintay na lamang namin siya sa gate.
"Hala, ipis, Cyrene!" Sigaw ni Kyle.
Napatili ako.
Tumatawa siya dahil sa naging reaksyon ko. Napayakap ako sa kaniya.
"Joke ko lang!" Aniya kaya sinuntok ko ang kaniyang dibdib at dali-daling kinalas ang pagkakayakap sa kaniya.
"Baliw ka! Gago 'to." Singhal ko ngunit tinawanan niya lamang ako.
Aalis na sana ako roon nang may pumaradang itim na BMW sa harapan namin. Mabilis rin nitong pinaharurot ang kaniyang sasakyan kaya kumunot ang noo ko. Who is that?
Klein:
Kaya pala ang tagal mong magtext. Great.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Jugendliteratur"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."