Chapter Thirty-Nine

4.7K 102 5
                                    

Flight

"Maupo ka."

Sinunod ko ang sinabi niya at naupo. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Isang babaeng kasing edad ni Mama. Ang katabi niya ay isang babeng rebonded ang buhok.

Kanina pa siya titig ng titig sa akin. I think, mas matanda siya sa akin ng ilang taon.

"Ikaw si Cyrene, diba?" Pagsasalita noong babae.

Huminga ako ng malalim. "Yes."

Ngumiti siya. "Via. Tita Beatrice's nephew."

Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko naman iyon.

"I'm Beatrice Imperial…" singit niya.

Tumitig ako sa kaniya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Y-Your mother."

Again, I let out a deep sighed. "I know. So, ano ang pag-uusapan natin?" Pormal kong tanong.

May ibinulong sa kaniya si Via kaya tumango siya. Tumingin sa akin si Via at ngumiti bago siya tumayo at umalis.

Tumahimik ako at hindi kumibo.

"Kamusta ang pag-aaral mo?"

"Okay naman. 'Yan lang po ba ang pag-uusapan natin?" Tanong ko.

Napalunok siya.

"Gusto kitang dalhin sa LA para mameet mo ang iba nating kamag-anak."

Tumango-tango ako at tumingin sa pagkain ko.

"Huwag ka naming malamig sa nanay mo, Anak."

Parang nanlambot ako sa huli niyang sinabi. Did she just say it?

"Alam kong galit ka sa akin. But can you hear my side first?" Mahinahong aniya.

Tumango ako at tumitig sa aking ina.

"I know that you were always longing for a parents's love and care. Pero, gusto naming bumawi sa lahat lahat. Bata ka pa noon, noong kinailangan ka naming iwan kay Maricar at Lando. Matalik na kaibigan namin sila at sila rin ang ultimong pinagkakatiwalaan namin sayo."

Tumikhim ako at nakinig sa kaniya.

"Maricar childs are boys. They want a baby girl. Since kailangan naming magtrabaho, sa kanila ka namin ipinagkatiwala. No one knows how hurtful as a parent to leave your child. Sobrang sakit. Mahal na mahal ka namin, Cyrene. Mahal na mahal ka namin ng daddy mo." Nanginginig na sambit niya at pinunasan ang gilid ng kaniyang mata.

"P-Pero nakaya niyo po akong iwan. Dapat isinama niyo na ako kung talaga ayaw niyong iwan ako."

Umiling-iling siya at hinawakan ang aking kamay.

"Hindi, anak. Hindi. Mali ang iniisip mo. Hindi ka namin pwedeng isama doon dahil…" She stopped for a moment.

Naghihintay ako kung ano ang idudugtong niya.

"Ano po? Please, tell me honestly what's the real--"

"Anak, malala noon ang lola mo. Hindi ka namin pwedeng dalhin doon. Mas gugustuhin ko pang makita ka sa malayo kaysa malapit sa akin at mahawaan ka pa."

I froze.

"L-Lola po?"

"Yes. My mother. Ngayon naagapan ang sakit niya. Sinabi niya rin na iwan ka na dito para hindi ka niya mahawaan. Pero ngayon…s-she wants to see you, anak."

Nanginig ako at lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Please, come with us. Sumama ka na sa amin sa LA. Matagal ka na naming gustong makasama. Last year we went here to get you but Maricar refused. Pumayag kami dahil alam naming napamahal na siya sayo kaya ngayon please gustong gusto ka na naming makasama." Aniya at tumitig sa akin.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon