Chapter Fifty-One

5.5K 126 9
                                    

Haters gonna hate

Sa mga sumunod na araw ay naging busy ako. Maayos na rin kami ni Miss M. Inaantay na lamang namin ang resulta kung sino ang mga pasok sa auditions. Yung Viral picture ko kasama si Klein ay mas lalo pang umiinit.

"Sis! Ano talaga kayo ni KM?" Usisa ni Mia.

Kanina pa niya ako kinukulit kung ano talaga kami ni Klein. Ayokong malaman nila na may nakaraan kami at nagiging malapit na naman kami. Baka makarating kila kuya Just.

"Wala nga."

Sumimangot siya at ginulo ang kaniyang buhok.

"Weh? Sige na. Hindi ko naman ipagkakalat, e."

Umiling ako at isinalpak na lamang ang earphone sa aking tenga.

I scrolled my news feed. I didn't open my account for the past days and ngayon na lamang ako nakapag-online. Tumunog ang cellphone ko dahil sa notification. Sunod sunod ito.

I clicked the notification button.

They tagged me on a post.

'Hey! Kilala kita, ikaw yung desperadang fangirl ni Klein. Stop it, girl. Yuck! Ang desperada mo.'

'Whoa! You're one pathetic bitch!'

'Akin si Klein! Akin siya, okay? Back off.'

Bumilis ang aking paghinga at tumingin pa sa ibang post.
in
'Ew! He is mine! Pareho kayong desperada! Gosh.'

Hindi ko alam kaya napahawak ako ng mariin sa aking cellphone. I took off the earphone. Sasagutin ko sana ang ibang taong iba na ang mga pinupuntirya tungkol sa akin nang may mensaheng dumating sa akin.

Jen Pascual:

Hello! Natatandaan mo pa ba ako? Ako yung nagtext sayo at nakakwentuhan mo noong intramurals!

Me:

Hi..Yes, I remember you.

Jen Pascual:

Nabasa ko yung mga post at pangbabash tungkol sayo. Hays, pagkatatag ka 'ha.

Unti-unti kong nakalimutan ang mga nabasa kong post tungkol sa akin. Ako rin ang maloloko at magmumukhang tanga kapag sasagutin ko pa ang mga isip bata nilang pag-iisip.

Me:

Thank you! Uh..How are you?

She replied immediately.

Jen Pascual:

I'm good. Sana magkita tayo. Kasali ka pala sa audition?

Me:

Yeah sure. Yep, Fearless Ladies.

Hindi ko alam pero gumaan na rin ang aking pakiramdam. Well, haters gonna hate. I don't care now, may mga tao pang mabubuti. Yung mga taong naninira ay yun lang ang mga taong walang magawa sa buhay. Insecure and immature.

"Cyrene. Can you explain this?" Seryosong sambit ni kuya Just. Nakatingin rin si kuya Kenneth sa akin. Kaming tatlo lamang ang nasa sala dahil nag-grocery pa si Mama.

I let out deep a sighed. I face him. Yeah, right. Whether I like it or not, malalaman at malalaman talaga nila ang tungkol dito.

"Uh. Noong audition 'yan."

Kuya Just look at me. Naupo siya at uminom ng kape. I watched his moves.

"Please, be honest. Kayo na ba ulit?" Mabilis niyang tanong.

Napayuko ako at kaagad ring nag-angat ng tingin. Tumango ako at tumingin sa kanilang dalawa.

Napatango naman si kuya Kenneth samantalang si kuya Just ay napahawak sa kaniyang noo.

"I want you to know that I'm not againts on what's between on you two, Cyrene. Ang akin lang, please do not let your heart break again. Kung ano ang desiyon mo, doon ako. Basta, nandito lang si kuya okay?" Marahang sambit ni kuya Kenneth.

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang pagbagsak ng aking luha.

Napayuko ako at suminghap. "Yeah, salamat po." Paos kong wika.

Napalunok ako.

"Okay. You're not a kid anymore. Tama si Ken. Cy, pangako mo sa akin na kapag niloko ka ni Klein muli. Titigil ka na sa kaniya. I mean, find another guy who really suits on a girl like you. Huwag mo hayaang masaktan ka na naman. Sorry, sa pagiging istrikto. Mahal ka lang talaga namin, princess." Aniya at tumayo para mayakap ako.

Hindi ko alam kung ano pa ba ang hahanapin ko sa iba na wala sa mga kapatid ko. Dahil para sa akin, they are perfect. Ang swerte ko pa rin kahit hindi nila ako totoong kapatid, ipinapakita pa rin nila na hindi ako iba sa kanila.

My life isn't perfect but because they came into my life it became a perfect one.

Days past like a wind. Ganoon pa rin ang init sa social media. Nakausap na rin ni Klein sina Mama at kuya tungkol sa amin. Klein wants me to deactivate my account but I refused. Mas lalo lamang mag-iinit ang issue.

"Baby, please? Private room naman 'yon. What are you scared of?" Nakakunot noong tanong niya sa akin.

Umiling ako at pinagpatuloy ang pags-scroll sa news feed ko. Niyayaya niya akong lumabas.

Nakasandal siya sa akin at pinapanood niya ang ginagawa ko.

"Masyadong maraming nakakakilala sayo. Baka mamukhaan ka."

Ngumuso siya at mas lalo pa akong kinulit.

"Nakakalabas pa rin ako. Hindi naman nila ako namumukhaan basta may mask." Ngisi niya sa akin.

Tumawa ako at umiling pa rin. Pinakialaman niya ang ginagawa ko kaya tinampal ko ang kamay niya. Nagbabasa ako ng mga komento tungkol sa akin.

"Who's that? Can I have your phone? Sasagutin ko lang." Iritadong aniya nang mabasa ang post noong babae na may masasakit na salita.

I smiled at him. "Stop it. Wala namang magbabago kung papatulan mo pa."

Halata mo pa ring iritado siya dahil sa pag-igting ng kaniyang panga. Niyakap niya ako kaya napaayos ako ng upo.

"Can I tell them our relationship? I can't stay like this. Damn those people who bash you again and again. Hahanapin ko ang mga 'yan." Pinal na aniya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin at nagtaas ng kilay.

"Saka na natin sabihin siguro. Hayaan nalang natin sila. Wala silang magawa sa buhay nila, e. Kaya siguro ganoon." Tumawa ako.

Pinisil ko ang matangos niyang ilong. Napahalakhak ako dahil namula kaagad iyon. Hala! Napalakas yata.

Ngumuso siya at hinawakan ang kamay ko.

"I love you. I'm so inlove with you, baby. Okay, if that's what you want then I'm okay with it." Seryosong aniya.

Ngumiti ako. Idinikit niya ang kaniyang noo sa aking noo. He looked at my lips. Naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng kaniyang labi sa akin. He hugged me so tight. Napasandal ako sa kaniyang dibdib.

I can hear his heartbeat.

"Hindi na kita papakawalan pa. Gusto ko akin ka lang. I'm possesive, baby. Please, sabihin mo ring sayo lang ako." Bulong niya sa aking tenga. Nakakakiliti ang bawat pagbigkas niya sa mga salita.

Bumilis ang aking paghinga. Parang nanlambot ang buong katawan ko sa sinabi niya.

"Aking ka lang, Klein. Akin ka lang." Sambit ko at naramdaman ang paghalik niya sa aking buhok.

Dedicated to:
mydearestallaine

*

**
Sorry super late update na. Babawi ako ngayong weekends. Love you, guys. Happy #83 IN TEEN FICTION! Salamat ng marami <3

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon