"Ma, una na po ako." Paalam ko ng natapos akong kumain. Monday na ngayon at kailangan kong mag-attend ng flag ceremony.
Nabibwisit ako dahil 'di man lang ako hinintay ng dalawang paepal na 'yon. Pag ako talaga nagkakotse, humanda ang dalawang 'yon sa akin.
"Okay! Are you sure anak na magcocomute ka?" Tanong ni mama habang kumakain.
"Opo, kaya ko naman."
"Si Justine at Kenneth talaga, pinagt-tripan ka na naman. Mga loko talaga ang mga Kuya mo" Umiiling na sabi ni mama habang tumatawa.
"Napakaloko po, sige na Ma, I'll go now. Bye po, I love you." I said then I kissed her cheeks.
Pagkalabas ko nang bahay ay agad akong naghanap ng masasakyan. Magt-tricy nalang ako.
Ilang minuto yata akong naghihintay pero walang tricy ang dumadaan. Late na ako.
Ilang minuto pa ulit pero wala pa din. Kaya nagpasya nalang ako na maglakad nalang papuntang school.
After a few minutes, narating ko na din ang paaralan. God! I'm all sweat and tired. Inamoy ko ang sarili ko pero hindi naman ako gaanong amoy pawis.
"You are thirty minutes late, Miss Tolentino!" Sigaw ni sa akin nung english teacher namin at tinaasan ako ng kilay.
Yumuko ako. Ang sungit talaga ng matandang 'to.
"Sorry, Ma'am." Sabi ko at umupo sa upuan ko. Nag-angat ako ng tingin ng marinig siyang tumikhim.
She glared at me.
"Sinabi ko bang tumuloy ka, Miss Tolentino?" Mataray niyang sabi.
"Ma'am wala KA din namang sinabing 'di ako tumuloy hindi ba?" I defended.
Tumawa tuloy ang mga classmate ko, sinamaan sila ng tingin ni Ma'am Luz kaya nagsipagtahimikan naman sila.
"Huwag kang uupo, parusa mo 'yan." Aniya at bumalik sa pwesto niya.
"Ha?"
Wala akong nagawa kung hindi ay sumunod na lamang. Kapag hindi ka sumunod diyan ay mas lalong magagalit siya sa'yo.
"Miss, Tolentino..." Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng may kumatok sa pintuan namin. Lahat kami ay napatingin sa room
My eyes widen. Ang mga seniors ang naroon. Kasama si Klein ngunit wala roon si Kuya.
Nagkatinginan kami ni Klein dahil inilipat nito ang tingin sa akin. Nakatayo pa rin ako at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.
"Good morning, Miss Luz." Magalang na sabi ni Set.
"Good morning. Please come in." masayang Anyaya ni Ma'am
Pumasok sila at tumingin na rin ang iilan sa akin. Uupo na ba ako? Nakakahiya dahil nakatayo pa din ako.
"Sorry for the interruption but..." Klein said and looked at me again.
It's embarrassing! Yumuko ako. Hindi ako tumingin sa kanila. Pinisil pisil ko lang ang kamay ko, so embarrasing! Kung kailan naman ako pinarusahan ni Ma'am Luz ay doon naman lalantad ang mga seniors na 'to.
"Oh! Miss Tolentino, you may now take your seat." Nakangiting sabi ni ma'am. Tumingin ako sa kaniya at pekeng ngumiti.
"Thank you ma'am." I sarcastically smiled at her.
"Go hijo, ituloy mo lang, pinarusahan ko yan kasi nalate pumasok." He explained.
Ngayon ay nakatitig na ako sa kaniya. Hindi na rin siya tumingin sa akin. Loyal na loyal talaga siya sa girlfriend niya.
BINABASA MO ANG
His Fangirl (Completed)
Teen Fiction"Being fangirl doesn't mean you were there from the beginning, it means you are willing to be there until the end."