Chapter Sixty-Three

5.3K 119 3
                                    

Chill'n

"Whoaa! Dala niyo ba ang mg beers at chips?" Sigaw ni Zach.

Tumango ang mga babae at tinawag si Zach.

"Aga-aga. Alak ang iniisip mo, Zachy!" Sabat ng kaibigan ko.

Hindi siya pinansin ni Zach kaya umirap ng umirap si Audrey. Dumiretso pa ito sa gawi namin.

"King, pahiram ng asawa mo, ha. May ichichika lang ako." Nakanguso niyang sabi kay Klein na nakaakbay sa akin.

Tumawa ako at umiling sa kaniya. "Itsura mo, bruha! Klein, samahan ko lang baka mainip 'yan bumalik pa." Kumalas naman si Klein sa pagkakaakbay sa akin at hinalikan ang aking noo.

"Okay. Puntahan ko lang din sila Zach. Behave, okay?"

Nakangiti akong tumango. Bumaling naman ako sa kaibigan kong nakataas kilay sa akin. Kumunot ang noo ko. Hinila niya ako at kumapit sa aking braso.

"Sana ganiyan rin si Zach! Sungit talaga ng lalaking 'yun. Ganoon rin si Klein noon, diba?"

Kinagat ko ang aking labi at tumango. Ganoon siya. That's why I didn't give up to chase him. Ganoon ako noon, e. At masaya ako na napansin niya rin ang lahat ng pagpapansin ko. After all those stupid moves of mine, I didn't expect that he will liked me…that he will love me.

"Kaloka talaga ang lalaking 'yun, isa pang pagsusungit niya naku, hihinto na talaga ako." Suplada niyang sambit.

Naupo kami sa isang bakanteng cottage, di kalayuan sa cottage namin.

"Uy! Huwag kang ganiyan. Kung mahal mo talaga siya, pagpapasensiyahan mo ang ugali niya, diba?" Komento ko.

Bumuntong hininga siya at malungkot na tumingin sa akin.

Pagkabalik namin ay sinalubong kami ng isang halakhakan at hiyawan sa aming cottage. Winagayway ni Zach ang kaniyang shot glass upang mapansin namin.

"Tingnan mo, kahit ganiyang galawan lang sayo pa nakatingin." Buntong hininga niya.

"Drey…"

She smiled at me. Nakikita ko pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata. Papaano ko ba maiibsan ang lungkot ng kaibigan ko?

Naupo ako sa tabi ni Klein at katabi naman ako ni Audrey. Sa tabi naman ni Klein ay si Aila at ang ibang DF. Nagkwentuhan at asaran lamang ang ginawa namin. Masaya silang kasama.

Kasama si Jen Pascual. Best friend pala siya ni Aila.

"Now, nalinawan na talaga ako. Grabe! Trending pa rin ang ginawa mo, KM." Si Bryle. Tumango ang ibang babae at tumingin sa akin.

Naramdaman ko naman ang biglang paghawak ni Klein sa aking tuhod at nilagok ang isang alak. I touched his elbow.

Tumingin siya sa akin at matamis akong nginitian. Napanguso ako.

"I don't care though. The important is I have her beside me."

Tumingin ako sa kaniya. Maraming naghiyawan dahil doon. Hindi ko naman maiwasang uminit ang aking pisngi.

"Ang pretty mo, Cyrene. Fan ako ng Fearless Ladies maski ng grupo nitong best friend ko." Nagulat naman ako sa sinabi ni Aila. She smiled at me. Tumawa naman si Jen.

"Uh. Thank you." Nahihiya kong sambit.

Marami pa kaming pinagkwentuhan. Napupunta ang topic sa DF o di kaya sa amin ni Klein.

"Night swimming!" Sigaw ni Luke. Sumang-ayon at lahat at agad na nagsitalon sa pool. May mga hawak pa ring alak ang iba. Ngumuso ako habang pinagmamasdan ang mga babae may mga magagandang hubog na katawan. They are wearing their two piece.

His Fangirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon